The FamilyLulu's POV
"Dame I need you to know who is this certain Alessandro Montecarlo" I said
"Montecarlo? Hindi ba isa siya sa mga share holders?" tanong niya
"Yup! Actually siya ang may pinaka malaking share sa ACH well, of course next to me.. You have to gather all informations na makakatulong sa akin upang mas makilala siya if possible from his personal life, businesses at kung paano siyang nakapasok ng ACH"
"What? Wait .. Bakit pa ? I-I mean how does this Montecarlo something to do with you?" he sound so confused
Hay. Andami naman nitong tanong
Hindi ba pwede gawin na lang niya ang iniuutos ko? Tsk.Sinabi ko sa kanya ang gusto kong mangyari at hindi na siya kumontra pa.
Buti nalang nandyan si Kuya Damon, maasahan talaga siya. He knows all my plans. At siniguro niya sa akin ang buong pagsuporta niya.
Growing up mas naging madali sa kanya ang pag aadjust sa poder ng mga Aguirre. Parehas kaming panganay ng kaisa isang anak ni Don Manuel Aguirre na si Marlon Aguirre. In short magkaiba ang aming ina.
Mas naunang nakilala ni Marlon si Tita Desiree ang mama ni kuya Damon. Hindi nagtagal ang pagsasama nila at naghiwalay din makalipas ang 2 taon.
Nagkaroon ito ng kabi kabilang affair hanggang makilala niya ang mama ko si Lira Corpuz na nagtatrabaho noon bilang receptionist sa ACH. Nagsama sila at nagbunga iyon, akala ni mama nagbago na si Marlon pero sa huli nalaman din niya lahat ng kalokohan nito. Kaya naman nakipag hiwalay siya at dinala ako.
Makalipas ng 7 taon na pamumuhay ng tahimik bumalik si Marlon at kinuha ako kay mama.
Flashback
"Mama sino po siya?" tanong ko nang makita ko ang bisita namin
Isang lalaki ang kausap ni mama sa sala. Mula sa pananamit nito naisip ko na mayaman ang lalaki. Tumingin ako sa labas ng bahay at nakita ko ang 3 kotse at mga lalaking nakaitim.
Anong meron ?
"Lulu anak, siya ang papa mo"
"Papa? May papa na ako! yehey!" tuwang tuwa akong tumakbo at niyakap ang papa ko pero tinulak niya lamang ako
Nagulat ako sa reaksyon niya
"Marlon!" sigaw ni mama
"B-bakit po? Ayaw niyo po ba sa akin?"
naiiyak na ako hindi ba siya masayang makita ang anak niya?Tumikhim si papa at nakita ko ang malamig niyang tingin kay mama
"Lira tulad ng sinabi ko kanina kukunin ko ang bata. Gusto siyang makilala ni Papa"
"Hindi ako papayag! Magkamatayan na tayo dito pero hinding hindi ko ibibigay sayo ang anak ko!"
sumisigaw na si mama hindi ko na alam kung ano ang nangyayari
"Alam mo na mas mabibigyan namin siya ng magandang buhay kung nasa poder namin siya! makukuha niya ang lahat ng gusto niya!"
"huk ! S-si mama lang ang .. ang g-gusto ko huk .." sabad ko
"Makakaalis na kayo Marlon! Alis!"
Hindi natinag si papa sa pagtataboy ni mama sa kanya.
"Wala na akong magagawa pa.."
tumingin si papa sa mga lalaking naka itim tila isa itong senyales lumapit sila at pilit nila akong hinablot mula kay mama
BINABASA MO ANG
Princess in Ruin
General FictionMarishka Louvelle Aguirre lives a life of a true Princess. But will it always be enough ? No. She wants something, she needs something, she's craving for something these fancy things wouldn't give her. And she's ready to fight and get ruined just to...