Venuz's POV
Ang saya saya ko ngayon!! Nakakuha ako ng award bilang WCA's Highest Ranking student! Omyghad!! Thank you po Lord!! Ang saya ko po talaga ngayon! Sasabihin ko agad
ito kila Mom and Dad!Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Dad&Mom pero wala sila kaya sa kwarto na lang ni Mom, sa work room niya ako pumunta.
Pero pag kadating ko sa labas sa tapat ng work room ni Mom ay naririnig kong nag sisigawan sila ni Dad.
Itinapat ko ang tenga ko sa pinto ni mom para mas lalo kong marinig yung pinag uusapan nila.
"No Renzo! Mas mabuti na ito!!" sigaw ni Mom.
"ano?! Star? naaawa na ako sa anak natin!!" sigaw ni Dad. Ba- bakit tungkol sa akin.
"jusko Renzo! pag isipan mo muna lahat! Malay mo hindi matanggap ni Venuz ang katotohanan!!" A- anong katotohanan ang pinag uusapan nila?
"pero nasasaktan akong makitang masaya siya nang walang kaalam alam na malapit na siyang----" hindi pinatapos ni Mom ang sasabihin ni Dad ay nag salita na siya ulit.
"Wag mo sabihin yan Renzo. Hindi ka Diyos kaya hindi mo alam kung hanggang kailan ang buhay ng anak natin! Doctor lang ang nag sabing may taning na ang buhay niya pero hindi siya Diyos!!"
Hindi ko sila maintindihan.... Anong..... anong may taning.... ano?
Nag uunahan na tumulo ang mga luha ko. Sobrang sakit. Yung isang araw magigising ka na lang na wala ka nang buhay at pinaglalamayan ka ayun pala patay ka na. Ang sakit!
Umupo ako sa labas ng pinto nila Mom and Dad tapos dun na ako humagulgol. Maya maya ay dumating si Ate Carmen.
"Ija?" tawag niya sa akin. Nagulat ako nang makita ko siya sa harapan ko. Mabilis kong nilagay sa kamay niya na nasa dibdib niya iyong certificate ko at kumaripas na ako ng takbo papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nilock ko agad ang kwarto ko at nag simula nang humagulgol
Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit.... Bakit ngayon ko pa kailangan malaman. Pero, wala namang magagawa itong pag iyak iyak ko eh. Walang magagawa yung pag iyak ko dito, mas pinamumuka ko lang na kawawa sarili ko.
Bago ako lumabas ng kwarto ko ay pinunasan ko yung mga luha ko tapos lumabas na ako at nag tungo sa work room ni Mom kung saan ko sila narinig ni Dad.
Binuksan ko iyong pinto at nakita ko si Mom na nakaupo sa dulo ng kama niya at nakahawak siya sa ulo niya. Mukang frustrated na frustrated siya.
"So, kailan?" tanong ko kay Mom na ikinagulat niya.
"Ve-venuz? ba- bakit ka nandito?" gulat na tanong ni Mom
"I just need to know something"
"ano yun, My dear?" tanong ni Mom at ngumiti. Hays ayan nanaman siya. She's wearing her mask again. Kunwari masaya kunwari nakangiti kunwari walang problema.
"Kailan ako mamamatay? Tell me para mapaghandaan ko" pambasag ko sa katahimikan.
"wha- what? are you kidding Venuz... Its not funny" sambit ni Mom
"I heard you and Dad talking about it earlier" sagot ko sa kaniya
"In the 17th of march" sabi ni Dad na nasa likuran ko. Kumunot ang noo ko at hinarap ko siya. It cant be. Ayun yung araw ng usapan namin ni Lawrenzo. Hindi ako pwedeng mawala sa araw na yun.
BINABASA MO ANG
Come back to me.
Teen FictionSiya si Venuz Ariella Chua Trevor. Akala ng iba perfect ang buhay ni Venuz ang hindi nila alam ay sobrang miserable pala ang buhay ng isang Venuz Ariella Chua Trevor. Nagsimula ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya yung lalaking akala niyang m...