"Class, The WCA will be having a basketball game later after class. If you like to watch and support our school, go if you would want to" Sabi ni Mr. Gomez. Hay nako mag iingay lang ako dun eh.
"Pst! Venuz! tara nood tayo" bulong sa akin ni Anja
"Wait ah tanungin ko si Kylie" Lumingon ako para tignan si Kylie pero busy siya tsaka may kausap kaya baka mamayang lunch ko na lang siya tanungin.
Mga ilang oras nakalipas nag ring na yung bell. Lunch na. Agad namang lumapit sa akin yung mga kaibigan ko. Lumapit ako kay Kylie tapos kumapit sa braso niya.
"Oh Venuz! saan tayo kakain?" tanong nila
"sa pilahan na lang natin" sagot ko sa kanila. Tumakbo naman sila pababa para pumunta sa pilahan.
Nang makarating na kami sa may pilahan. Nilapag nila dun yung mga gamit nila tapos pumunta kami ng canteen para bumili ng pagkain.
"Venuz, manonood ka mamaya?" tanong sa akin Jane.
"di ko nga alam eh" sagot ko sa kaniya
Kumain na kami pero dahil kami yung magkakasama syempre mahaharot kami hahahha di naman yun mawawala sa amin. Kinalabit ko si Kylie na katabi ko.
"Kylie manonood ka mamaya?" umiling siya. Okay , hindi na rin ako sasama.
"Sinusundo ako ni Mama diba?" Ay oo nga pala sinusundo pala siya ni Ate Liza.
Nung natapos na kami kumain nag ayos na kami ng gamit tapos umupo na kami sa pilahan namin. Nilingon ko yung AVR may bench kasi dun. May mga lalaking nakaupo dun tas nakangiti sa direksyon ko. Tumingin ako sa likod ko para makita kung sino yung nginingitian nila pero may kaniya kaniyang ginagawa yung mga kaibigan ko. So, ako yung nginingitian nila? bahala nga sila.
-------------------------------------------
Uwian na pero hindi ko mahagilap maski isa sa mga kaibigan ko. Nako baka pumwesto na sa gym. Kaasar naman. Paano ako uuwi wala akong kasabay? Hays ayoko naman manood ng mag isa baka isipin nila baliw ako natili mag isa. Lumingon lingon ako sa paligid ko konti na lang yung mga estudyante dito sa quadrangle lahat sila nasa gym na kaya naisipan ko na lang na umuwi.
"Venuz!" tawag sa akin ng isang lalaki. Lumingon ako para harapin yung tumawag sa akin. Si Yuri pala boy best friend ko.
"Oh bakit?" tanong ko sa kaniya
"tara nood tayo!!" hindi pa ako pumapayag hinila na niya ako. Tsk tsk harsh talaga to si Yuri.
Kumuha si Yuri ng upuan para sa aming dalawa tapos umupo na kami bago pa mag simula yung game. Parami na rin ng parami yung katabi namin dahil mag sisimula na yung game. Tinignan ko yung mga Varsity ng WCA. Nagulat ako ng makita ko sila. Sila yung ngumiti sakin kanina nung lunch. Ugh.
Maya maya pa ay nag simula na yung laban. Hindi ko maikakaila gwapo rin ang mga player ng basketball sa MSA at yung isa pang basketball player ng MSA ay ex crush ko. Si Keiffer #13 yung number niya sa jersey. Sigaw ako ng sigaw "Gooo!! #13!!"
Si Yuri naman nakatingin lang sakin. Sabi niya bakit ibang school yung sinusuportahan ko. Sabi ko may crush rin naman ako sa WCA si #18 sabi niya si #18 na lang daw yung icheer ko atleast daw ka schoolmate pa namin. Sinunod ko naman siya tapos kada makakashoot si #18 pinapalo at hinahampas ko si Yuri. Kawawa nga siya eh hahahah. Pero sumisigaw pa rin ako ng "go #13" may tumitingin sa akin na basketball player ng school namin ng WCA tingin talaga ng tingin. Isa siya sa ngumiti sa akin kanina. Epal bakit niya ako tinitignan? Eh kung mag focus kaya siya. Ilang beses na siyang nadadapa tapos ilang beses pa siya na fofoul. Puro yabang na lang di naman makashoot bwiset. Di pa siya gaanong pogi. Siya siguro pinakapanget sa lahat ng basketball varsity players ng WCA.

BINABASA MO ANG
Come back to me.
Teen FictionSiya si Venuz Ariella Chua Trevor. Akala ng iba perfect ang buhay ni Venuz ang hindi nila alam ay sobrang miserable pala ang buhay ng isang Venuz Ariella Chua Trevor. Nagsimula ang lahat ng iyon ng dumating sa buhay niya yung lalaking akala niyang m...