SPECIAL CHAPTER

19 3 1
                                    

Special Chapter

Author's POV

Dahil sa sakit na HIV ay namatay si Brix. Namatay siya bago ang kaarawan niya. Hindi niya kasi napagamot agad ang kanyang sakit.

Nabalitaan ni Ley ang tungkol dito kaya pumunta siya sa burol nito.

Sinisisi niya ang sarili niya dahil hindi niya natulungan ang kaibigan pero sinabi sa kanya ng kanyang ina na...

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Diyos ang may gusto nito. Karma to dahil sa mga pinaggagagawa niya sayo B-Ley"~~~ nanay ni Ley.

Ley's POV

'ANG DAMOT MO!!!!'

Parang mababaliw na talaga ako dahil paulit-ulit yan sa isipan ko pero tama si Mother. Karma to sa lahat ng pinag-gagagawa niya sa akin.

"*sniff* B-brix? Huhuhu!!!!! Brix, bakit mo kami iniwan? Brix!!!!!" napukaw ng babaeng ito ang atensyon ko. Sino ba namang hindi ehh halos maglupasay na siya dyan sa harap ng kabaong ni Brix.

Lumapit ako sa kanya. Bigla siyang tumigil nang makita niya akong papalapit sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"Sorry *sniff* sorry talaga" hindi ko alam kung para saan yung sorry niya pero niyakap ko na lang siya pabalik.

Ramdam ko ang pamgungulila niya. Pati ang pagso-sorry niya nakikita ko sa mata niya na pinagsisisihan niya lahat.

Kumalas ako sa yakap niya at hinila siya palabas pero syempre kumuha muna ako ng tubig.

"Sorry talaga sayo. Kasi...... Kasi kasalanan ko tong lahat. Kung hindi dahil sa akin hindi siya magkakasakit. Hindi sana niya sinapit to" ano bang sinasabi niya? Kumunot lang ang noo ko.

"Teka, bakit mo sinisisi ang sarili mo atsaka anong ikaw ang dahilan ng pagkakasakit niya?" naguguluhang tanong ko. Ehh malay ko ba? Wala akong kaalam-alam ehh.

Pinunasan niya muna yung luha niya saka nagsalita. "Nung time na nakita mong sinisigawan ako ni Brix, yun yung time na lumabas yung HIV Result ko. At ang lumabas ay...."

"POSITIVE? Positive ba ang result?" tumango lang siya.

"Ehh ano yung sinasabi mong 'kami' ?" tanong ko.

"Kasi buntis ako." ahh kaya pa----
"ANO? Panong????? Pano yan wala na si Brix?"

"Yun na nga ehh. Huhuhu!!!!! Wala na akong choice kung hindi ipalaglag to." basag yung boses niya dahil sa iyak niya.

Nakaramdam ako ng awa sa kanya at sa batang nasa tyan nya. Walang kamuwang-muwang yung bata pero nadadamay siya sa kalokohang ginawa ng peste niyang ama.

"No!!!!! Hindi mo pwedeng ipalaglag ang bata. Hindi ka man lang ba maaawa sa kanya?" hindi masabi yung pangalan niya. Hindi ko naman alam kung ano ehh.

"Naaawa ako pero hindi ko alam kung paano ko siya bubuhayin nang ako lang. Hindi ko alam." umiiyak na naman siya ngayon.

"Teka nga ano bang pangalan mo? Kanina pa tayo nag-uusap hindi pa natin kilala ang isat isa." tumigil naman siya bigla sa pag-iyak.

"Panira ka ng moment nohh? Kita mong umiiyak pa ako ehh. Klea Ramirez" saka niya inabot yung kamay niya. Napangiti na lang ako.

"Freid Wilson. Tawagin mo na lang akong Ley" inabot ko yung kamay niya at ngumiti.

"Ang gwapo mo pala pag nakangiti. Kung hindi ka lang bakla ehh." natatawang sabi niya sa akin.

"Sus! Sister inggit ka lang sa beauty ko ehh." saka ko tinusok tusok yung tagiliran niya.

Ngunit hindi ako nakuntento kaya kiniliti ko na sya.

"Ahahaah Ley ahahaha ano ba!!! Hahaha tama hahah na!!!! Wahh!!!!" Natumba siya pero nasalo ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kasi bigla nya akong.......... hinalikan.

Gusto kong kumalas pero hindi ko magawa. Parang may sariling utak ang mga labi ko dahil tumugon na rin ito sa halik ni Klea. At nakaramdam ako ng kakaiba.


AT SA KANYA KO LANG NARAMDAMAN.......

*******************
A/N:
unknown0055
niniopalomo01
MoreThanTypedWords
Rics19
chubby_blue
chactus_26

YEHEY !!!!!!! NATAPOS KO DIN SA WAKAS. HAHAHA ISANG LINGGO KO RIN ITONG GINAWA AHHH.

GUYS TANONG KO LANG!!!!!

GUSTO NIYO BANG MAGKAROON NG LOVE STORY SI LEY AT KLEA???


Karma [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon