Tahimik. Ang tahimik. Ang tahimik sa buong lugar. Halos marining ko na ang tibok ng puso ko lalo pa't kasama ko ang taong gustong-gusto kong makasama.
We're alone in this place. Hindi ako makapaniwala na na-solo ko siya. Himala talaga 'to.
"Yana..." my heart skipped when I heard his voice, "I..."
"A-ano yun?" nangangatog ako wooh
"I..." oh shucks ito na ba talaga, "love..."
"HOY YANYAN!!!!! GUMISING KA NA NGA DIYAN! MALE-LATE KA NA SA SCHOOL MO ANO BA! NAKU NAMAN TALAGA."
Shucks. Ano 'yun? Kailangan kong marinig yung sasabihin ng Dexter ko.
"YANYAN ANO BA?! KANINA PA NAGI-INGAY 'TONG ALARM CLOCK MO!"
"Paki-off na lang po Ma, love you, mwah." wait lang talagaaaaa
"YANYAN NAMAN GUSTO MO BANG PUNITIN KO 'TONG PAGKALAKI-LAKING PICTURE NG DEXTER NA 'TO?"
Ano daw? Pupunitin?! No way! "MA! 'WAG PO. SIGE NA ITO NA OH." Ayan bumangon na ako, " Itutuloy ko lang naman yung panaginip ko eh, sasabihan na ako ng 'I love you' ni Dexter eh."
"Haaay nako ewan ko na talaga sa'yo Yana Maris. Sige na mag-ayos ka na. Hintayin ka namin sa baba para sa breakfast." mahinahon na sabi ni Mama. Mahal ko talaga 'yan pramis.
Pagkabangon ko, pinatay ko na yung maingay kong alarm clock na hugis letter "D" and sa tingin ko obvious na naman kung bakit.
Ako si Yana Maris Mendoza Castillo, at super-duper-mega crush ko si Dexter Carl Garcia Esguerra, isang sikat na teen heartthrob. Yup, sikat siya, and hindi niya ako kilala, pero darating din yung araw na makikilala niya ako. Aasa ako, aasa ako kahit mahirap... Hahahahaha charaught!
----------
[Tayong mga fangirls ang bida dito, so ilagay niyo yung sarili niyo sa character ni Yana at yung crush niyo kay Dexter. Kunyari lang 'to ah hehehe imagination pairalin natin lol]
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Story
Teen FictionBeing a fangirl, an avid fangirl actually, is REALLY HARD. Maraming nakakarelate dito, swear. And isa na dun itong si Yana, maganda, mabait, matalino, active, down-to-earth, talented, God-fearing, at kung ano pang positive traits ang maisip niyo...