i. Mel and Jer

91 1 0
                                    

Ang tagal ng hinihintay naming palabas ni Melissa. Ubos na ang popcorn, nasa trailer pa lang. Pang-apat na beses ko ng napanood tong While You Were Sleeping. "Life doesnt turn out the way you plan it." Talaga? Parang wala naman akong plano to begin with.

"Akala ko ba maganda to?", sabi ni Melissa.

"Maganda yan!!! Kung makareklamo ka naman wala pa tayong sampung minuto dito."

"Medyo nakakabwisit kasi si Sandra Bullock e. Parang babaeng Macaulay Culkin, ang tanda na ganyan pa umarte."

Di ako nakasalita ng ilang segundo habang nakatingin kay Melissa. "Hindi maganda gising mo no?", tanong ko.

"Tayo ang nagbukas ng mall. Tapos pacute ipapanood mo sakin. Wow."

Hindi ko na pinatulan. Malamang nagpproject na naman to. O sinusumpong lang. Nagtagal naman kami sa sinehan. In fact, tumatawa sha sa kalagitnaan, medyo umiyak sa dulo, at naghanap ng tissue dahil sa sipon, pero kunwari mag-aalis lang ng mantsa ng cheese dahil sa popcorn nya. Nung natapos yung palabas...

"Huy ang ganda. Bagay nga sila nung kapatid. Nakakatawa lang kung mangyayari yung ganong circumstance no? Parang napaglaruan ka lang ng tadhana."

"May pagka-weird ka no? Kung makamuhi ka sa palabas kanina kulang na lang pabayaran mo sakin ticket mo."

"Eh maganda na nga e. Oo na, maganda nga!!!"

Natawa na lang ako.

Yan si Melissa Hernandez. BSB. Bestfriends since birth. Kahit ilang beses na kaming napagdudahan na "kami", malabo yon. 1.)5'4" lang ako. 5'7" siya. Dun pa lang, wala na. 2.) para ko na shang kapatid. Walang bagay ang hindi namin alam sa isat isa. Mula sa crush nyang... um... May pagka-jologs... (Sorry naman. To justify that, baka cool yung puruntong nya during the time na crush mo sha. Isama mo na yung keempee nyang buhok at ang sungki nyang mga ngipin), hanggang sa crush nyang 2 years higher sa kanya sa school. 3.) Aminado akong bading ako.

Yep. As far as I know, medyo alanganin nga ako. Di lang ako nagdaan sa pagkahilig sa manika nung bata ako. Gusto ko tren tsaka lego. Nagtex ako. (Yung maliliit na cards. Bata-batuta. Panday. Yung may number sa upper right hand corner na bente-singko isa sa labas ng mga elementary school.) At mapagmamalaki kong champion ako sa football (pinoy baseball. Baseball ang rules pero sinisipa ang bola.) tumbang-preso. Syato. Yan. Yan ang mga laro ko. Pero may times na nag 10-20 ako. Di lang ako magaling sa chinese garter kasi nakakatamad bumwelo at tumalon. Nakita ko rin kasi yung isang bata dati, sumubsob nung lampas-noo na yung gomang pinagdugtung-dugtong. Nagmukha shang ngongo ng mga ilang linggo. Ilang taon nyang dinala ang pangalang Ngongi kahit Mariel ang pangalan nya. Thank god lumipat sila ng bahay. Good for her.

So paano ko nadiscover na bading ako. Di ako nagkakagusto sa lalake. Di ako naglalaro ng mga pambabae. Di ako nagdadamit nene. Well, sinabi lang ng tatay ko sa boss nya nung party nila. 9 yrs old ako non. Dahil siguro di ako batang putik, or tahimik ako sa childrens' party. Nahihinhinan siya sakin nung pabitin, sa pagkakaaalala ko. Birthday ng anak ng kumpare nya sa opisina, at sumisigaw sha na "TUMALON KA! WAG KANG MAMULSA! BALYAHIN MO YAN KAYA MO YAN." Hindi ko sha sinunod. Kinarga ako ni mama tapos nakuha ko yung sailboat. Medyo madaya pero puta pressure yon.

So nung party ng boss nya, may lechong baka. Elibs ako non kasi ang laki nung baka. Tapos natatakot akong tumingin sa mukha kasi ang laki nung mata. Nung humiwa yung mamang naglilitson, nilagay nya sa paper plate tapos natuwa ako kasi medyo may taba. Papunta ako kay papa non tapos kausap nya boss nya.

"Oi pare, eto si Jeremy o. (Pabulong sakin) mag-bless ka. Birthday nya."

Nagmano ako. Tapos ginulo nya buhok ko, yung parang sa tuta.

Kissing ChristianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon