Sa bawat araw na lumilipas, ordinaryo lang naman sa lahat ang mag-abang ng weekend. Ito lang din ata ang araw na hindi ako pinaglilinis ni Papa ng kotse. Nasanay din akong gumising ng 4:30 ng umaga. Hindi naman tipong pang-sundalo ang routine ko. Nagkataon lang na mistulang heneral ang tatay ko.
Wala akong ibang maalalang pag-uusap namin. Tuwing sabado ng gabi, kainuman nya lahat ng ninong ko sa garahe nila Ninong Edmond. Hindi ko din malaman kung ano ang pinaguusapan nila sa tuwing magtitipon. Para silang may panel discussion, na may sisig sa harap imbis na tasa ng kape. Kaya oras na alam kong kakausapin ako ni Papa, pinapatawag mula sa kwarto, its either may iuutos yan or may mali akong nagawa.
Dalawa lang kaming magkapatid. Malayo ang agwat namin sa isa't-isa. 9 years. Wala din akong pinsang ka-edad. 7 years ang agwat namin ng sa mas matanda, and 6 years sa mas bata. Now, if x is correlated to the variable of the same age of the eldest cousin... joke lang hindi math problem to.
Si Ate ang taga-gawa ng schedule namin. May breakdown yan ng mga gagawin sa bahay, at may breakdown din ng subjects sa school. So napakalabong bagay na nakapagcut ako ng classes. Isang beses lang akong nag-cut... and realizing just now, hindi pala talaga. Pagkatapos ng games nung Intrams nung 2nd year ako, nag-timezone lang kami. Yun na ata ang pinaka-ilegal kong nagawa. Sana nga hatid-sundo ako pero sobrang smart ng tatay ko. Hindi nya ako minatyagan, pero ginawa nyang posas ang oras. Kapag traffic, kabisado nya kung gaano katagal ang posibleng traffic. One time, umulan ng malakas, hindi ako nakaalis ng school. Isinabay ako ng nanay ng kaklase kong malapit sa bahay namin nakatira, isang tricycle lang ang layo. Bago nya ako hinatid sa bahay, dumaan muna sila sa mall. Magpapalipas daw ng rush hour. Pinaliwanag ko naman na kailangan ko ng umuwi. Sabi ng nanay nya, wag daw ako mag-alala kasi kakausapin naman nila sina Papa na nastranded kami. Well, lalo akong nag-alala.
Paglabas naman ng mall, medyo humupa na ang ulan. Hindi kami nakapag-parking sa loob kaya nasa gilid lang ng city hall ang sasakyan. Mababa na ang tubig, hindi gaya kanina. Kulang na lang, may mamangka sa kalsada at maningil ng 50 pesos kada pasahero. Sa tuwing umuulan ng ganito, napakaraming bagay ang hindi ko maintindihan. Una, pakiramdam ng mga taxi, celebrities sila. Kawayan mo man ng kawayan, hindi ka papansinin. Pag pinansin ka, ang laking kapalit. Ang distansya na in an estimation of 100 pesos ang babayaran, nagiging 300. Kunwari pang tatawad sila ng 250. "O sige 250 na lang sa inyo, kahit traffic.". Ikaw pa ang mahihiya. Ang mga sidecars, 120 pesos isang tao. Pwede ka tumawad hanggang Php100. Kasi daw nababasa sila kaya mahal. From Php7.00 to Php100.00, 13x of your regular fare. Hanep. Isa pa, hindi ko alam if this is by constituion, na pag umulan, regardless of the measurement of the rainfall, pwede ng hindi sumunod sa traffic regulations. Kung hindi man totoo yan, bakit wala ng pakialam ang mga tao sa red light, left and right lanes, or pedestrians. Dalawang MMDA na ang nakapwesto pero nagmistula silang nagbebenta ng mineral water sa daan. Hindi pinapansin, tinitingnan, at masisigawan pa pag nakaharang. Unbelievable pa ang baha. Ilang eleksyon na ang dumaan, meaning, ilang daan ang "inayos", (yes, naka-quotation marks yan due to uncertainty), konting ulan lang baha na. If there's flood, there's traffic. Ah teka mali, If there's air, there's traffic. Yan pala ang common rule dito.
Kahit paano, umaandar naman ang mga sasakyan sa kalye. By some act of God, sinusunod naman ang traffic rules sa ngayon. Ibig sabihin under control na uli ang daan. May tubig pa rin sa daan, pero kailangan medyo nakatingkayad ka. Not unless naka Spice Girls clogs ka. Minsan napaka-convenient ng mga ganon. Magaling din sa pasikot-sikot ang nanay ni Lorie. Alam nya yung bawta shortcut na parang hindi na dinadaanan ng mga tao. Kundi ko sila kilala pakiramdam ko, makakatulog ako sa upuan tapos kukunin nila kidney ko para ibenta sa black market. O sa mga murang ihaw-ihaw. Madidilim at medyo masusukal yung nadaanan namin. Tipong dalawang tao lang ang kasya sa kalye pero naidaan nya yung Lancer nila. Pwede ring naisampa nya sa pader kaya kami nakadaan. Or baka inaantok na ako dahil naka-tatlong chocolate cupcake pa ako sa biyahe.
BINABASA MO ANG
Kissing Christian
RandomThis is a work of fiction. Still, given an infinite number of possible worlds, it must be true on one of them. And if a story set in an infinite number of possible universes is true in one of them, then it must be true in all of them. So maybe it's...