Chapter 5

27.8K 376 44
                                    

*Kriiiiiiing
*Kriiiiiiing

Nagising si Kent sa tunog ng Alarm Clock, tinignan nito ang asawa na tulog na tulog pa..

"Baby ko.. Gising na, hindi ka ba sasama sa shooting ko?" Bulong nito sa asawa.

"Hmmmmmm, sunod na lang ako." Sabi ni Phoebe na medyo inaantok pa.

Di na pinilit ni Kent ang asawa.
Naligo, Kumain at pumunta na sya sa shooting.

**

Habang naglalakad si Kent, may nakasalubong sya na isang Sexy, Maputi, Makinis ang balat, for short magandang babae.

"Oh hi Kent, can you be my leading man again?"
Nagulat naman si Kent.

Huh? Again? sino naman to?
Nasa isip ni Kent.

Di na nya pinansin ang babae at agad na tumungo kung nasaan ang kanyang manager.

"Oh, Kent nandito ka na pala.. Sya nga pla, naghahanap ni direk ng bagong Leading lady mo.. Alam mo naman yung nangyari kay Elisa diba?" Bungad sa kanya ni Mel.

"A-ah, o-oo nga pla, hindi ba pwedeng wala nang leading lady? alam mo naman si Phoebe.." Angal ni Kent.

"Napaka selosa.."
Pabulong na dugtong nito.

"Alam mo Kent, bakit hindi na lang natin gawing artista yang si Phoebe? tutal asawa mo naman sya? At sya na lang ang maging leading lady mo?"
Sabi ni Mel.

**

HAH! KENT FUENTABELLA, MAPAPASAKIN KA DIN TANDAAN MO YAN. ALAM KONG HINDI AKO MAALIS SA ISIPAN MO. DAHIL SA GANDA KONG TO. HAHAHA.
NAGBALIK AKO PARA SAYO. TANDAAN MO, KAHIT BUHAY KO IPAGPAPALIT KO PARA MAHALIN MO LANG AKO.

Nasa isip ni Victoria.

*Nasa Gilid yung picture ni Victoria Elizalde*

Si Victoria Elizalde ay isang extra extra lang sa TV, nakakasama nito si Kent paminsan minsan. Pinangarap nyang maging isang Leading Lady ni Kent sa isang Movie. Mahal nya si Kent noon pa man, galit sya kay Elisa at sa lahat ng naging babae ni Kent.. Lalo na nung nabalitaan nyang kasal na si Kent kay Phoebe..

Kawawa ka naman Phoebe Girl, kahit may anak na kayo ni Kent, kayang kaya kong agawin sya sayo!Hahahaha. Sa ganda kong to? sino ba naman ang hindi magkakagusto sa akin? Kahit si Direk kaya kong pa ibigin.
Nasa isip ng bruhang si Victoria.

**

"HOOOOY FIBBOY PALABOY! ANO BA? ANONG ORAS NA! INIWAN KA NG ASAWA MONG SI KENT! NAKITA KO MAY KASAMA SYANG BABAE!"
- Sigaw ni Jhone kay Phoebe.

Wala pang isang sigundo ay tumayo agad si Phoebe.

"ANO?! ULITIN MO NGA YUNG SINABI MO? MAY KASAMA SI KENT NA BABAE? KELAN MO NAKITA? SAAN?!"
Sigaw nmn ni Phoebe.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Tawa naman ng tawa si Jhone aa kaibigan, dahil hanggang ngayon wala pa din pag babago ang kaibigan nya.

"HAHAHAHAHA! bipolar ka talaga Phoebe kahit kelan nu? syempre sinabi ko lang yun pra gumising ka na! Sabi kasi ni Kent ayaw mo daw gumising!!" -Jhone

"Hay nako! ewan ko sayo Jhone! lagi mo nalang akong niloloko.. bka mamaya magkatotoo yang sinasabi mo eh!"
- Phoebe

"Alam mo ba ang paraan para di magkatotoo yon?" - Jhone

SECRETLY MARRIED BOOK 2 (FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon