Kabanata 12

168 6 2
                                    

Labing dalawa

THIRD PERSON'S POV

"Klein!"

Pagkababa ni Klein sa kotse ng kanyang ama, agad syang napatingin sa tumawag sakanya. Si Hershey. Kasama nito ang tatlong lalaking nakilala nya kahapon at kabanda na rin. Lumawak ang ngiti sa labi ni Klein sabay ng paglalakad nya papalapit sa mga ito.

"Buti pumasok ka." Nakangiting saad ni Gideon na nakapamulsa habang nakasandal sa may pader.

"Bakit?" Tanong niya. Inabutan siya ni Marc ng candy na agad nyang inabot.

"May meeting buong maghapon ang mga teachers. Kakasabi lang." Nakangiwing sagot ni Caden na prenteng nakasandal din sa pader.

"Anong gagawin natin ngayon? Bat kasi di agad sinabi.." iritang sabi niya saka tumingin sa mga estudyante na lumalabas mula sa loob ng paaralan.

"Napag isipan namin na tumambay nalang sa may practice room. Saka pag isipan na din yung kakantahin natin." Sabi ni Hershey na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.

"Ano tara?" Tanong ni Marc sabay akbay sakanya. Tumango na lamang sya dahil wala rin naman syang gagawin sa bahay kundi ipagpatuloy ang pinapanood na porn video.

Nagsimula na silang maglakad papunta sa likod ng school kung nasan ang practice room. May mga nakakasalubong pa sila na kaklase niya na gulat ang mga reaksyon. Napakunot noo si Klein at nagtaka kung bakit. Sinulyapan nya si Gideon at Marc na pumapagitna sakanya at kila Caden at Hershey na nasa likuran nila. Anong mali? Tanong nya sakanyang sarili.

"May problema ba, K?" Tanong ni Hershey na tumabi sakanya at kay Gideon.

"Wala naman.." Sagot niya at kumunot ang noo dito. "K?"

Tumawa ito at inakbayan siya. "Simula ngayon, K na ang tawag ko sayo. Kasi tawag ko kay Caden, C. Kay Marc, M. Kay Gideon, G." Tinaas baba nito ang kilay nito. "Astig diba?"

"Anong astig sa letters?" Natatawang tanong nya dito pabalik.

"Astig dahil ako ang nagbigay sa inyo non!" Sigaw nito na dahilan kung bat hinawakan ito ni Gideon sa batok.

"Ingay! Ingay!" Tumatawang saway ni Gideon kay Hershey. Natawa naman silang tatlo.

"Wow. Ang inosente nating top 1, may mga kaibigan na." Biglang pasok ni Jas kasama ang tropa nito at si Reeya na hawak ang kamay nito.

Napahinto sa paglalakad at sa pagtatawanan ang lima. Dumapo agad ang tingin ni Klein sa magkahawak na kamay nila Reeya at Jas. He gritted his teeth. Nahalata agad ng apat nitong kasama ang iritasyon nya. Tumawa si Marc at tinapik tapik ang balikat ni Klein.

"Ito? Inosente?" Tumatawang umiling-iling si Marc saka tiningnan sila Caden at Gideon. Agad namang nakuha ng dalawa ang gustong iparating nito.

"Kinaibigan nyo yan? Alam nyo bang napakainosente nyan sa mga bagay bagay? Baka ikabagsak yan ng grupo nyo." Nakangising sabi ni Jas saka inakbayan ang tahimik na si Reeya.

"Hoy! Manahimik ka nga! Loko ka ah!" Sigaw ni Hershey na pumunta pa sa unahan at hinarap si Jas.

Tumawa naman ito. "Nagalaw ka na nya no?" Natigilan naman ang babae na ikinatawa ng tropaa pinagtatanggol mo? Nasarapan ka no? Naabot mo ba ang langit?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon