Wala e, natamaan na ko

51 2 5
                                    

Foundation day noon nung una kitang makita.

Sumayaw ka kasama ng mga kagrupo mo sa program at panay ang irit ng kababaihan sa iyo.

Bukod kasi sa pogi ka, ang galing mo pang sumayaw. Alam mo yun, ang hot mo grabe.

Simula noon, naging interesado na ko sayo at talagang inalam ko lahat ng tungkol sayo.

Wala e, natamaan na ko.

Halos araw-araw, dumadaan ako sa room niyo para makasilay lang sayo.

Pinipicturan kita nang hindi mo alam kaya puro stolen shots nga ng muka mo ang nakalagay sa cellphone ko e.

Super like ako sa mga status mo at lagi kitang chinachat para lang malaman ko kung okay ka lang.

At sa tuwing may praktis ka, magkacut pa talaga ako ng klase para lang mapanood kita.

Kita mo? ganyan ako kabaliw sayo..

SOBRA.

Hanggang isang araw, naglalakad lang ako sa quadrangle, umaasang masasabi ko sayo ng harap-harapan ang mga damdaming gusto ko nang ipagtapat sayo.

Habang nag-eemote ako tungkol sayo...

may narinig akong tumatawa sa likod ko at napalingon naman ako.

" Di ko inakalang ganyan na pala ang pagtingin mo sakin."

Binigyan mo ko ng matamis na ngiti.

Na bigla ko namang ikinamula dahil ang taong kaharap ko ngayon ay ikaw.

--

Inspired po akong magsulat ngayon. ^_^

~girlishdrama

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wala e, natamaan na koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon