Paano kaya kung ang taong akla mong kilalang - kilala mo na ay may tinatagong sekreto sayo mulat simula pa lang?
Si Hans ang bestfriend ko, sa lahat nang tao sa mundo siya lang ang pinag kakatiwalaan ko, lahat ay alam ko tungkol sa kanya at ganuon rin siya sa akin.
Pero yun ang akala ko nuon. Akala ko kilala ko na ang buong pagka tao niya pero hindi pa pala.
Flashback
Pariho kaming forth year high school nuon ni Hans, pero magka ibang section kami A siya at ako naman ay B. Naalala ko pa nuon na late endrole siya kasi tranferee siya galing kasi siya sa sa ibang school.
Naalala ko pa nuon na maraming nagkaka crush sa kanya pero palagi ko namang naririnig sa mga babae sa aming campus ang salitang “SAYANG TALAGA SIYA”. Wala akong kaibigan nuon ayaw kung makipag salamuha sa iba. Hindi ko kasi sila masabayan, maraming lumalapit sa akin para makipag kaibigan pero talagang nahihiya ako, at hindi rin na naman sila namimilat pa na maging kaibigan talaga nila ako. Kaya dito sa school“NOBODY KNOWS” the real me.
Naglalakad ako sa lobby yakap – yakap ko ang aking mga libro, papunta na ako sa class room naming nang may mga groupo nang school mates ko na naglalakad at ang iba ay naghaharutan kaya naman hindi ako naka iwas agad tumilapon ang aking mga libro.
“Ayan kasi di ka tumitingin sa dina daanan mo” narinig kung sabi nila. Imbis na tulungan nila ako ay nilagpasan lang nila ako at bumalik sa pagtatawanan nila.
Isa – isa kung pinulot ang aking mga libro nang may biglang kamay akong nakita at ibinigay sa akin ang iba kung libro sabay sabing
“Okay ka lang Alexa? May masakit ba?”
Agad ko tiningnan ang nagsalita at bigla akong natigilan nang makilala ko kung sino siya.
Si Hans siya ang tumulong sa akin at bakit niya ako kilala?
“O-Okay lang ako. Salamat” umiwas ako agad sa kanya at mabilis na lumakad ulet.
Tapos na ang klase namin palabas na ako nang school, uuwi na sana ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
“Alexa sandali lang” agad akong lumingon para makita ko kung sino siya. Pag lingon ko nakita ko na naman si Hans.
“Bakit?” sabi ko sa kanya sabay yuko.
“Okay ka na ba talaga? Wala bang masakit sayo” – Hans
“Okay na ako. Wala naman” sabi ko at sabay yuko.
“Good, uuwi kana? Hatid na kita”- Hans
“OO, wag na. Salamat na lang, bye” binilisan ko na ang paglakad para maiwasan siya at maka uwi na rin ako nang maaga.
“Wait. Alexa please naman oh sabay nalang teyo, I want to make fwends with yowh” sabi niya yun sa malandi at napaka arte na boses.
Natigilan ako sa sinabi niya sa akin, ito naba yung sinasabi nang mga school mates ko? Kung kaya sayang itong si Hans? Naku, “BAKLA SIYA”.
“Ha? Bakit gusto mo akong maging kaibigan?” naka tingin na ako ngayon sa gwapo niyang mukha.
“Anong vaket, ang sinasabi mowh? I wanted to make fwends with yeah, ‘cause I think that’s awesome we are both beautiful” gusto ko sanang tumawa sa kanya, kasi naman pagka tapos niya yun sabihin ay nag clap – clap pa siya.
“Hmmmm. Sige friends” sabay smile at lahad ng aking kamay sa kanya. Hindi ko talaga alam kung bakit ko naisipan na makipag kaibigan sa kanya. Ayaw ko ng magkaruon nang kaibigan at boyfriend simula nang ang aking matalik na kaibigan ko nuon at ang ex - boyfriend ko ay nagkaruon nang relasyon. Hindi ko talaga namalayan niloloko na pala nila ako nang harapan, kaya naman simula nuon ayaw na ayaw ko nang tao na lumalapit sa akin para makipag kaibigan o di naman kaya ay liligawan ako. Ayaw ko na talaga mag tiwala kahit kanino pero ngayon hindi ko maintindihan, pinapapasok ko si Hans sa aking buhay nang ganito lang.
“YES. YES. YES. FWENDS?” bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang tili ni Hans.
“Yes, friends” nabigla pa ako sa kanya dahil niyakap niya ako. Nilahad ko lang naman ang kamay ko pero imbes na mag shake hands kami ay yakap pa talaga ang ginawa niya.
END OF FLASHBACK..

BINABASA MO ANG
Paano kaya? (One Shot)
Teen Fiction"Nobody knows the real me. Nobody knows how many times I've cried in my room when nobody was watching. Nobody knows the thoughts that go through my head when I'm sad, how horrible they truly are”. NOBODY KNOWS ME! But that was before, before I meet...