A/N: Dedicated to HannahKimi18, naghahanap kasi siya ng MinSul story sa profile ko. Sorry, ito lang ang kaya ko for the mean time. Sana po magustuhan niyo! :)
I Wanna be a Tutubi
“I wanna be a tutubi. Na walang tinatagong bato. Sa aking kamay. Na nahulog sa lupa. Tinuka ng manok. Na nanggaling pa sa bundok!”
Tae, bakit ba yang tutubi game na yan ang lagi nilang trip? Ibig kong sabihin, pang-ilang beses na nila yang nilaro! Okay fine, medyo bobo ako sa larong yan. Lagi kasi akong taya, tulad ngayon.
"Oh, na'kanino yung piso, Su-taya?" Pang-asar sakin ni Taemin. "Tatlong hula lang!"
"Aish! Bah, malay ko ba!"
"Mang-hula ka na kasi!" Sabi naman sakin ni Luna. "Don't worry, na'sakin yung piso, dear! Swear!"
"Tse! Maniwala ako sayo! Ilang beses mo na kaya akong niloko diyan!"
"Nako, Sulli! Manghula ka na lang! Magtatagal pa tayo dito eh!" Sabi naman ni Onew na mukhang atat kainin yung baon niyang fried chicken (as always).
"Fine, fine! Si Jonghyun, sa kanang kamay!" Hula ko, pero medyo nagda-doubt na ako kasi everytime siya ang pinipili ko. Binuksan niya ang kamay niya, and poof! Wala nga sa kanya yung piso. If ever di ko 'to mahulaan sa dalawa kong natitirang hula, taya na naman ako. It always ends up like that!
"Aish, na'kanino ba kasi?" Pati sarili ko kinakausap ko na. Nakakainis, pramis. "Hm, si Victoria!" Sabi ko with enthusiasm. Pareho kaming bobo niyan pagdating dito sa larong ito. Lamang lang siya ng isang paligo sakin.
"Left or right?" Kasual na tanong niya sakin.
"Left! Alam kong mahuhuli kita diyan!" Sabi ko with matching confidence! Yan kasi yung weak hand niya, or should I say yung kamay na lagi siyang natataya. Binuksan na niya yung kamay niya, and shet. Wala! Parang first time ko lang hindi nahuli yung piso sa kamay niya!
"Bleh! Pa'no ba yan, Su-taya forevs?" Sabi niya sabay tawa. Makakatikim rin ito sakin!
"Aniyo! (No!) Makakabawi rin ako sayo, swear!" Sigaw ko sa kanya.
I am so doomed. Isa na lang yung natitira kong hula. If I get this wrong, ako na naman ang taya. And this will repeat like forever! Sana mahulaan ko yung susunod.
Napatingin ako sa mga hindi ko pa natatawag. Si Taemin na mukhang playful, si Krystal na todo dikit kay Taemin, si Luna na nakatingin sakin at nagsasabing 'Nasakin ang piso, Sulli!', si Key na kalmado, si Amber na tahimik, si Onew na nagungulit na sakin (obvious naman dahil sa chicken niyang baon)...
... at si Minho na best friend at crush ko.
Paano? Bah, malay ko. To cut the long story short, love at first sight. Hanggang sa naging barkada kami at naging best friend ko siya. Minsan nga, napapagkamalan kaming couple. Pero wth, best friends lang kami. Hanggang dun lang yun.
"Huy Su-taya! ilang oras ka pa tutunganga diyan?" Sigaw na naman sakin ni Onew. Sabi ko nga, atat na siya sa chicken niya. For the last time, napatingin ako ulit sa kanya. Nakatingin rin siya sakin, at bigla akong nginitian. Okay, ako na kinikilig!
"Ah, alam ko na! Si Key! Yung left hand mo dali!" Sabi ko with matching enthusiasm and confidence! May kutob kasi ako minsan na may tinatago yung mga kalmado at tahimik. O'ha! Gandang theory, ano po?
"Sinasabi ko na sayo, wala sakin." Kalmado niyang sagot sakin. Bah, di ako maniniwala diyan! Super lakas ng kutob ko na nasa kanya yan!
"Hindi ako naniniwala! Ipakita mo na kasi!" Kinukulit ko na siya! Excite eh, pake niyo ba?
BINABASA MO ANG
I Wanna be a Tutubi
FanfictionOne-shot, Fan-fiction || Ang larong nagpalapit sa dalawang pusong matagal nang nagmamahalan.