Killer Text Message

1.2K 18 7
                                    

Mga bandang 5:00 pm, pauwi ako sa boarding house galing sa school, nakatanggap ako ng isang text message… Isang text massage galing sa cellphone number na hindi naka-register sa phonebook ko.

“Ingat po sa pag-uwi.”

Sa talambuhay ko, noon lang ako naka-receive ng ganong klase ng text na nagsasabing mag-ingat ako sa pag-uwi samantalang ang lapit lang ng boarding house sa school at medyo maliwanag pa naman.

“Sino naman kaya ito?”

Bilang wala akong load nung oras na ‘yon, hindi ko ni-reply-an  yung text.

Bago tumuloy sa bahay, huminto ako saglit sa isang malapit na karenderya para bumili ng pagkain, na sa bahay ko balak kainin.

Pagdating sa boarding house, nag-DOTA muna ‘ko. Pagkatapos ng dalawang rounds, nakaramdam na ‘ko ng gutom, at saka ako dumeretso sa kusina para tsibugin na yung binili kong pagkain. May dumating na namang text message galing sa parehong number.

“Eat well po.”

Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko! Hindi ako matatakuting tao, pero nakaramdam ako ng kaba bigla, at lumingun-lingon sa paligid para tingnan kung may nagbabantay ng mga kilos ko.

Wala naman.

Balik ako sa pagdo-DOTA.

Maya-maya, nag-text na naman siya.

“Hmm… Hindi ka man lang ba sasagot?”

Nasabi ko na lang, “Siyet! Sorry naman, wala kasi akong load. Tinatamad na ‘kong lumabas, kaya pwede ba, huwag ka nang mangulit?! Tama na yang kaka-text mong putaragis ka!”

Kung anu-anong bagay tuloy ang pumasok sa isip ko. Na baka kaibigan ko ‘yun at gusto lang akong maka-text, kaya sana hindi siya magtampo sa’kin, o baka yun yung number ng ex ko na nai-delete ko na noon pa. “Sino kaya ‘to?” tanong ko sa sarili ko.

Maya-maya, napagod na ‘ko sa paglalaro. Hindi ko napigilang ibagsak na lang ang katawan ko sa kama. Nakaramdam na rin ako ng antok. Nag-vibrate na naman yung phone ko dahil sa isang text.

Hindi ko muna hinawakan ang cellphone ko. Inumpisahan na kasi akong makaramdam ng kilabot.

Hindi naman ako makatulog. Pagkalipas ng mga ilang minuto, binuksan ko yung text.

“Good night. Sweet dreams.”

“Oh, siyet! Sino kaya ‘to?! Bakit alam niyang matutulog na ‘koooo?!”

Napilitan na akong bumangon at kinikilabutang tumakbo sa 7eleven para magpa-load. Mga bandang 11:00 pm na no’n.  Pagkakuha ng load, doon ko na siya itinext.

“Good evening. Sino po ito?”

Hindi siya agad nag-reply. Nakarating ako pabalik ng boarding house, wala pa ring sagot. Iniisip ko pa no’n na baka may sumalubong sa akin na galing sa TV5 at sabihing na-WOW MALI ako. Wala naman.

Pagdating ko sa kwarto ko, eto na-receive ko ang kanyang nakaka-antig na reply:

“Sa wakas nag-reply ka na ‘din. Alam mo bang matagal na ‘kong may gusto sa’yo? Sa klase, tinitingnan kita nang hindi mo alam. Nahihiya kasi ako, kaya sa text ko lang kayang sabihin. Sana bigyan mo ako ng chance na mapalapit sa’yo. Gusto kita, at sana dumating yung time na magustuhan mo rin ako.”

Hindi pa rin siya nagpapakilala, kaya tinanong ko ulit kung sino siya.

“Sino ka po ba?”

Ito ang sagot niya:

“Joana… Ako ‘to, si Kalvin.”

The fudge!

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko – kung matatawa, maiinis o maaawa. Ni-reply-an ko pa rin siya.

“Tol, pasensya ka na pero wala akong kilalang Kalvin. Tsaka hindi ako si Joana, ako si Bob.”

“Ay! Ganu’n ba? Sorry ‘tol, wrong send. Hehehe!”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Killer Text MessageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon