"Trish, si Caren nga pala. Girlfriend ko."
O_O
Palagay ko yun na ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. Ang sabihin ni Harris na may girlfriend na siya.
Si Harris yung bestfriend ko, na hindi ko alam MAHAL KO NA PALA.
---------------------------------
Bata pa lang magkasama na kami ni Harris.
Magkapitbahay lang kami.
"Hello" may isang batang lalaki na lumapit saken.
"Hi"
"Kami yung bagong lipat jan sa kabilang bahay." Saad niya
"Ah, kayo yung bumili ng bahay nina Aling Teresa."
"Ako nga pala si Harris." Inabot niya ang kamay niya.
"Ahm. Trish." Nakipagkamay ako.
Grabe ang lambot ng kamay niya. Lalaki kaya talaga to ?
----
And that day, nagsimula ang friendship naming ni Harris.
Sabay kaming pumasok.
Sabay kaming maglaro.
Minsan pa nga sabay kaming maligo sa poso. J
Sobrang close kami. Kaya naman bata pa lang ay tinutukso na kami sa isa't isa. Nakapagplano na nga agad ng kasal ang mga magulang namin. Medyo weird pero may mga ganun talagang magulang. J
Pero para saamin, wala lang. Basta masaya lang kami na magkasama, ok na.
------
Nung tumungtong kami ng high school.
Dun na naglabasan ang mga karibal ko. Oo aaminin ko. Malaki yung pinagbago ni Harris sa panlabas na itsura. Yun bang tinatawag nilang Puberty Stage. Siya lang ang nakita kong nagbibinata na hindi pumipiyok, yung nagbibinatang hindi tinutubuan ng mga tigyawat. Kaya naman di mapapagkailang madami ang nagkakagusto sa kanya.
Habang ako naman. May tigyawat na nga ako sa mukha, hindi pa ako tumangkad o pumuti man lang katulan niya. Nakakainis pa yung buwanang dalaw na nagpapadami ng tigyawat ko.
BINABASA MO ANG
Muntik na kitang Minahal
Teen FictionThe title says it all. Nainspire lang ako ng song. Hope you'll like it. :)