Nasubukan mo na bang makasakay ng pedicab?
Kapag ba sumasakay ka sa ganun, may kasama kang iba na hindi mo kilala??
E pedicab yun hindi jeep o FX o train o bus o kung ano ano pang sasakyan na may kasama kang iba. Pedicab usually pang isahan o dalawahan lang kasi bicycle lang sya ng may side car.
Wala namang dapa na sumasakay na iba jan e. kung hindi ikaw lang.
Tuesday ngayon. One of my favorite days. E kasi poooooo, halos laging vacant pag tuesday's. XD
"Mommy, una na ako. Hindi muna ako magpapahatid kay daddy ngayon." Sabi ko habang sinusubo ko ang last bite ng breakfast ko.
"Sure ka nak? maaga pa naman e. gisingin mo na daddy mo para ihatid ka na lang nya." Sabi naman ni mommy.
"Ee ma. Malelate akoooo" pagpupumilit ko.
"Ano ka ba? 6:27 pa lang o."
"Ee ma naman. 30 minutes kaya byahe ko. Kaya gusto ko maaga. Please maaa?"
"O sige na then. Kiniss mo na ba daddy mo?"
"Yes ma. Bye maa. Love youuuuu!" pagpapaalam ko sabay kiss sa cheeks.
Kahit hindi pa ako nakakapagsuklay ng mahabang basang buhok. Bun lang, then alis na.
Nagaabang ako ng pedicab. Subdivision kasi kami nakatira. Masyadong malayo gate. Naghintay ako sa may kanto, sa may waiting shed.
"Kuya, gate po."
And then umandar na ang wheels. Lol
"Manong!!! manong!!! sandaliiiii! pasakay!!" sigaw ng isang lalaki na kakalabas lang ng bahay nila.
"Kuya bat ka huminto?" tanong ko.
"Ahh. Ehh. Kris, tayo pinapara nung lalaki."
"Ganun ba kuya? sige then. Baka malate pa kami." Sabi ko.
Kilala na ako nila manong dito. Madalas sya ang nasasakyan kong pedicab at yung lalaking tumatawag kanina, e sumasabay.
"Sorry. Late na kasi ako e. kailangan maaga sa flag cem." Sabi sakin nung lalaki.
Kaschool mate ko sya. Madalas ko syang nakikita. Pero hindi ko sya kilala by name.
Halos sa 5 days ng school. Everyday syang sumasabay sa pedicab na sinasakyan ko at sabay pa kami sa LRT.
Mejo weird. Pero nasanay na ako. Hindi ko sya naririnig magsalita. Sobrang dalang lang. Kung magsasalita man sya. Paparahin nya lang si manong Bong tapos yun na.
Ngayon, papaleft na kami sa may Kaimito street. Kumanta sya. Nakaearphones sya. Kahit sobrang hina nya kumanta. Maririnig ko pa rin sya. Kasi, hello!?! katabi ko lang sya. Hahahah
Pinagtatakahan ko. Ang kinakanta nya. Yung madalas na kinakanta ko pag nagsasabay kami.
Oo by Up Dharma Down.
*to be continued*