"ELAIZAAAAAAAAA~!" sigaw sa akin ng pinsan kong si Ella. Andito ako ngayon sa bahay nila. Dito ako natulog, may seminar kasi mga parents ko sa Manila. Wala akong kasama sa bahay kaya sa bahay nila ako nakitulog.
"Oo naaaa~! Papasok na!" sigaw ko sa kanya pabalik. Nasa harapan ako ngayon ng Laptop ko. Wala naman talaga akong balak pumasok eh. Kasi alam kong magche-check lang kami ng mga Test Papers, katatapos lang kasi ng Prelim Exam. Pero aking napagtanto na di ko makikita yung Pinaka-gwapong Crush ko kapag di ako pumasok, kaya aking napagdesisyonan na pumasok nalang ako. XDDD
Ako nga pala si Elaiza Marie Dela Peña. 3rd yr High School sa Our Lady of the Pillar. Minsa'y seryoso at minsan nama'y baliw. XDD Matangkad, Maputi, Bagsak ang buhok at syempre maganda. ;) Tsaka yung Crush ko, si Iv~~~ Mamaya ko na ipapakilala, malelate na ako eh. Pasok na ako.. Byeee~
Andito na ako sa Room namin ngayon. Syempre ang boring, walang magawa. Chismis jan, chismis dun. Haaay~ Wala pa naman si Crush kaya wala pa akong energy. Nang biglang bumukas yung pintuan ng room namin....... OHMYJELLYiNK~! Si Cruuuuuush~~ <3 Di ko pa pala napapakilala si Crush sa inyo. Sya si Ivan Ramiterre. Matangkad, Hot, Magaling pumorma at syempre gwapooo. ;))
"Excuse me.."
"H-a?" nauutal kong sabi. Shet. Kinausap ako ni Crush~! Pers taym to ah. Snob kasi si Ivan sa mga girls. Panay lalaki mga kasama nya.
"Sabi ko excuse me. Upuan ko yan eh." sabi nya sabay smirk.
"Ahh. Sabi ko nga. Hehe. Sige aalis na ako." nahihiyang sabi ko sa kanya. Shemay! Sa sobrang kilig ko, nakalimutan ko palang nakaupo ako sa upuan nya. Haaaaay~ kakahiya. Pero di bale nakausap ko naman sya.
"Ah hindi." pagpigil nya.
"Ha? Anong hindi?"
"Uhm. Dito ka nalang maupo. Tabi nalang tayo." yaya nya.
WHAT THE~! NIYAYA NYA AKONG TUMABI SA KANYA~! SHET! KINIKILIG AKOOOO~..
"Sure." walang pag-aalinlangan na sagot ko sa kanya.
Halos 2 oras kaming magkatabi ni Ivan. Haay~ Wala na yatang mas sasarap ang feeling kapag nakatabi mo yung crush mo. <3 Maya-maya tumayo ni Ivan.. Kinuha nya yung bag ko at binigay sa akin..
"Mula ngayon dito na Permanent Seat mo ah?"
"Ha? Teka, baka magalit si Ma'am Tacipit. Alam mo naman yun kung magalit." sabi ko. Nuks~ Pa humble effect pa ako. HAHAHAHA!
"Hindi yun magagalit. Akong bahala." sabi nya sabay wink..
HOLLY MOLLY~ Hihimatayin ako dito eh. HAHAHA
"Sige na nga." sabi ko.
Makakatanggi pa ba ako? Eh crush ko na yung nagyaya. HAHAHA. Ewan ko. Sa ginagawa nya sa akin ngayon, parang mamahalin ko na sya eh.
Isang linggo ang lumipas, ganun at ganun parin ang ginagawa ni Ivan sa akin. Katabi ko parin sya sa bawat klase. Hanubayaaan~ He's making me fall in love with him. Ewan. Mahal ko na nga yata tong lalaking to. Nakuuu~ Ewan ko na talaga.
Isang araw lumapit si Ivan sa akin..
"Elaiza, kita tayo mamayang uwian ah? Sa may Basketball Court." sabi nya sa akin.
"Ha? Bakit?" sabi ko. Pilit kong tinatago yung kilig ko.
"Basta."
"Sige."
Shemaaaay~ Paano kung magtapat sya sa akin na Crush din nya ako? Paano kung ligawan nya agad ako? Paano kung mag-propose na sya? (A/N: Propose? Assumera naman 'to. HAHAHA) basta magpapaganda nalang ako. Hahaha. Pumunta ako kay Ella, yung pinsan ko para magpa-ayos. Tinirintas nya yung buhok ko, basta pinaganda nya ako. Idol ko nga yung pinsan kong yun eh, buti pa sya may talent sa pag-aayos, eh ako? Haahahha
*ring* *ring* *ring*
Nakuu~ Yung bell na yun! Uwian na~! Maguuspa na kami ni Ultimate Crush. Hahahah. Kinakabahan ako. Ano kayang sasabihn nya.. Ah bastaaa. Think positive. Dumating na ako sa Basketbal Court, andun na sya naghihintay.. Habang papalapit ako sa kanya, kinikilig na ako. Di mapigilan ang pag fast forward ng utak ko. Magiging kami neto. sabi ng isang bahagi ng isip ko. Bahala na.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kanya.
"Ah di naman. Actually kakadating ko lang din."
"So, ano pala yung sasabihin mo?" di na ako nagpaligoy-ligoy.
"Ahm ano kasi.."
"Ano?" excited na tanong ko sa kanya. Naku baka magtatapat na gusto din ako. Hayy~ Kinikilig na talaga ako.
"Kami na ng pinsan mo, si Ella."
"H--a?"
"Kami na ni Ella nung lunes pa. Di kayang sabihin ni Ella sayo ang tungkol sa amin kasi alam nya na may gusto ka sa akin. Baka daw kasi magalit ka at mawala lahat ng pinagsamahan nyo. Natatakot sya na sabihin sayo kaya ako nalang ang nagpresinta upang sabihin ito sayo. Alam ko may gusto ka sa akin, pero si Ella ang tipo ko. Sorry. Pasensya na." sabi nya sa akin.
Pagkatapos nyang sinabi iyon, umalis na sya. Iniwan nya ako sa Basketball Court na mag-isa.
Iniwan nya akong mag-isa na umiiyak. Akala ko pa naman ay magiging mabuti ang pagiging close namin pero hindi pala. Of all girls na nasa School namin bakit si Ella pa ang minahal nya? Bakit sya pa? Bakit di nalang ako? Wala namang problema sa akin. Sana ako nalang... Sana ako nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/8541288-288-k36940.jpg)