CHAPTER ONE
*MAY 27, 2013
Hay nako! Ang hirap-hirap mag-adjust. Imagine mo, almost thirteen years akong nabuhay sa San Jose City and now I'm here sa province ng Pangasinan, nakatunganga sa bintana habang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan sa damuhan. Pero ayus na rin at least fresh air na malalanghap ko. Mas masrap yatang mabuhay sa probinsya. (Di ako sure dito. Haha!) Naiintindihan ko naman since pastor yung papa ko at siya'y na destino dito sa probinsya eh wala talaga akong magagawa dahil 'yan ang will ni God. By the way, daldal ako ng daldal dito hindi mo man lang ako pina-stop para magpakilala. Ikaw ah, na-enjoy mo naman tong kakadaldal ko. >_<
BASIC INFORMATION
NAME: Coraline Ruth Umali Atienza
NICKNAME: Cor...yan kasi yung tawag sakin ng mga friends ko sa city pero ngaun, wala na sila na tatawag sakin ng Cor ?
FATHER: Ptr. Sebastian Atienza
MOTHER: Mrs. Jo Ann Atienza
BROTHER: 2, Kim Ezekiel (18) at si King David (10)
ADDRESS: Pozorrubio, Pangasinan...San Jose City dati.
BIRTHDAY: January 15, 1999'
AGE: 13
SCHOOL: I enrolled at JGMNHS. Dati sa CLSU-HS Special Science Class. Haay! Miss ko na sila. Waaah!
AMBITION: Writer, Journalist
COLOR: Coral Pink. Wow! Imbento!!! Hahha! (Pero may ganyan daw?)
BANDS: Hillsong Y&F and One Direction
SINGERS: Chris Tomlin, Carly Rae Jepsen, Adam Young <3
MOVIE: The Perks of Being a Wallflower
FOOD: Masarap kumain kaya lahat except-? SQUID, OKRA, TALONG
SPORTS: Maniniwala ba kayo na gymnast ako? Kunti lang! Hehe! I didn't pursue it eh.
LIKES: I love writing and math a lot. Also reading ng kung anik-anik,
DISLIKES: I hate rude and flirty BOYSSSSSSS. I do prefer yung mga lalakeng medyo silahis (pero lalake ah) at least matinong kausap at may sense kesa sa mga FLIRT at RUDE na lalake. Dapat sa kanila tinatapon sa dagat! Agree? (May galit ganun?)
MOTTO: I do not have motto, just be you. (Ano daw?) Keep calm and love Christ ? Jeremiah 33:3...(woOot! woOot!)
DEFINE LOVE: Love? Wala pa sa isip ko yan. Kung darating, darating yan. Gusto ko yung bibihag sa puso ko ay yung lalaking mabait, matalino at may takot kay God kahit hindi na gaanong guwapo.
CRUSH: That crazy thing never crossed my mind in my 13 years of existence. LOLs!
Ayan, kilala mo na ako. Siguro naman pwedeng-pwede ko ng sabihin sa'yo ang mga pangyaayring nagaganap sa buhay ko. Pasensya ka na at ikaw ang napagbubuntunan ko ng aking mga kabaliwan kasi sa kaso ko ngayon, wala na ang bestfriend ko. Naiwan siya sa San Jose City. Alangan bitbitin ko siya dito. I hope hindi niya ako makalimutan.
Coraline :)
...................................................................................................................................................................................
*MAY 28, 2013
Malapit na pala ang pasukan. Tsk! Tsk! Tsk! Habang naiisip ko pakiramdam ko'y binubuhusan ako ng tubig galing Antarctica. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil may mamemeet akong bagong friends o malulungkot kasi back to start ang buhay ko. Ako na! Ako na ang computer na nireformat. Haay! Sige makikinig muna ako ng songs sa cellphone ko. Wala aksing magawa eh. Halos nabasa ko na lahat ng libro ditto sa bahay. Pati yata yung libro na pang pastor nabasa ko na eh.
(One Direction- But I see you with him, slow dancing. Tearing me apart 'cause you don't see. Whenever you kiss him, I'm breaking. Oh how I wish that was me...)
Coraline :)
...................................................................................................................................................................................
*MAY 30, 2013
Medyo na-enjoy ko kahapon makipag-chat sa mga long distance friends ko. Sobra-sobrang miss na miss ko na sila. (Sobra naman) Sana may powers ako. Yung bang makakapag-teleport ako kahit saang lugar na feel kong puntahan. Talagang ganyan ang buhay, maraming sorpresa. Minsan kampante na tayo kung ano ang natatamasa at meron tayo. Hindi natin naiisip kung anong mangyayari bukas kaya naman nauuwi itong hindi napaghandaan. Pero naniniwala ako na may magandang plano si God sa akin. :) Ayan na naman. Naisip ko nanaman ang pasukan. Tuwing naiisip ko yun umaasim ang sikmura ko. Ayan na! Na pe-pressure na naman ako. Pinapawisan ng sobrang lagkit. Nangangatog ang tuhod ko. Tingin ko kailangan ko ng tumakbo sa C.R.
Next time na lang ulit. Pasintabi ><
Coraline :)