CHAPTER 20

2.6K 73 0
                                    

CHAPTER 20

ADELLINE LEI'S POV

Im with my boyfriend here at the corridor. Walang masyadong nadaan dito ngayon dahil break time na kaya tahimik dahil nasa cafeteria halos lahat ng istudyante. Habang nagkwekwentuhan kami ng 'bf' ko nahagip ng mata ko si Zane at may kasamang babae na sa tingin ko ay dadaan sa tapat namin *smirks* papakita ko sa kanya kung ano ang tunay na kahulugan ng malandi. Hinarao ko yung 'boyfriend' ko at hinalikan. Para ngang naging torrid eh. Binuksan ko ng kaunti yung isang mata ko at nakita kong nakatingin sya dito. Perfect! Nung malapit na sila dito ay nagsmirk ako sa kanya at mas lalong pinag igihan pa ang ginagawa ko. Haha. Malandi ako eh!

*boogggssh*

"Hindi ka ba titino ha Lei?!" psh. Sinuntok nya lang naman yung Bf ko

"What?" sabi ko

"Bakit ka ba ganyan ha?!"

"Simply because im a flirt. Sabi mo yon diba? Edi paninindigan ko na. Nakakahiyan naman kasi sayo baka mamaya sabihin mo wala akong paninindigan. Hahaha"

"Oo tama, malandi ka nga. Baka nga hindi lang ganyan ang ginagawa nyo eh"

Damn! Masakit pero hindi, hindi ako magpapatalo sa kanya

"Oh? Eh ano naman kung higit pa dito ang nagawa namin? May pake ka ba? Buhay ko naman to diba?"

Sasagot na sana sya kaso biglang sumabat yung babaeng kasama nya

"Gosh? You're not a virgin anymore? Yuck! Zane, dapat hindi ka na lumalapit sa kanya, kadiri sya. She's a wh*re"

Aba ayos to ah

"Hoy ikaw na babae ka na akala mo sinubsob ang mukha sa polbo! Huwag sumasabat dito kung ayaw mong paduguin ko yang bunganga mo ah! Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo! Bitch!"

Mukha naman napikon dahil susugudin na ko. Gusto ng away ah!

"Mas bitch ka" sabi nya at sinabunutan ako! Sinabunutan ko din sya para fair at hindi yon, pinagsasampal ko pa at kinalmot aba buti nalang mahaba yung kuko ko. Nakita ko na ang daming tao na ang nanunuod pero wala akong pake! Tinulak ko sya ng malakas at napahiga naman sya, doon ko sya sinabunutan ng sinabunutan

"Bitch ka! Ang lakas ng loob mong sugudin ako"

"Lei tigilan mo yan!" pigil ni Zane pero wala akong pake! Hindi din naman tumitigil yung sinasabunutan ko sa kakasabunot sakin eh

"Lei!" tsk! Si Rei pala. Kinapitan nya ko sa braso at nilayo dun sa babae

"Ano bang nangyayari sayo Lei?" tanong nya

"Wala"

"Ikaw na babae ka! Tingnan mo ang ginawa mo sakin! Pasalamat ka at pinagbigyan kita kanina!" sabi nung babaeng sinabunutan ko

"Maureen tama na!" sabi ni Zane. Ah maureen pala

"So Maureen pala pangalan mo?" ako

"Oo bakit? Inggit ka dahil mas maganda pangalan ko sayo at bagay pa sakin"

Tch!

"Haha! Oo tama bagay nga sayo yang pangalang mo pero sa ugali mo hindi! "

"Mas lalo naman sayo! Tingnan mo yang mukha mo! Maganda nga pero hindi din ugma sa ugali mo dahil ang landi landi mo! Ginagamat mo yang kagandahan mo sa kalandian mo pati ibang tao dinadamay mo!"

Damn! Napupuno nako!

I sighed and smiled at her " Edi WOW" para bang nainis sya dahil yun lang ang sinabi ko, sinugod nya ako at pinagsasabunutan. Ang sakit manabunot. Ang kapal ng mukhang sabunutan ako

*Paaaakkk!*

"Huh. Isang sampal lang pala ang kailangan mo para tumalsik. Ang weak ha" ako

"Ano ba Lei?! Tigilan mo na nga yan! Bakit ba kasi ayaw mo pang tanggapin na malandi ka naman talaga? May patunay na oh! Kung makikilala ko siguro yung taong nagpadala sakin ng mga pictures mo na puro kalandian. Papasalamatan ko sya dahil hindi ko kayang makipagrelasyon sa isang malandi!" Zane

Bakit parang naiiyak nanaman ako?

" Damn! Tanggap ko na nga na malandi ako diba?! Palibhasa kasi ikaw, hindi ka marunung makinig! Sapat na sayo kung ano ang mga nakita mo! Kung ano yung nakita mo yun ang pinaniniwalaan mo!"

"Eh bakit? Malandi ka naman talaga diba?! Alam mo mabuti pa umalis ka na sa harap ko dahil nandidiri ako sayo"

"Zane tigilan mo na yan! Princess, halika na" Rei

"Hindi Rei. Hayaan mo muna ako" sabi ko at lumapit kay Zane

*PAAAKK*

"dahil hindi mo ako pinaniwalaan"

*PAAAKK*

" dahil hindi mo ko hinayaang makapagexplain"

*PAAAKK*

"at para naman yan sa pananakit mo sakin sa ikalawang pagkakataon. Huwag kang mag alala dahil hinding hindi na ko magpapakita sayo. Nakakasawa din kasing magpakatanga sa isang g*gong kagaya mo"
At humarap ako kay Maureen. Tama natatandaan ko na, sya yung nagpadala ng pictures kay Zane. Nagpaimbistiga ako at Maureen Torres daw yung nagpadala, kailangan ko lang makumpirma

"Ikaw si Maureen Torres diba?"

"Yes! Omg! Sikat na ko"

"Tch! Salamat sa pagsira ng buhay ko" lumingon ako kila Rei

"Tara na Rei" at nagpunta na kaming tatlo nila Rei sa P.R. pero ayaw padin tumigil ng luha ko

"Princess, ano bang nangyayari?" Rei

"Wala naman"

"Sabihin mo na" Rei

"Oo nga Lei, para naman matulungan ka namin" Blaire

Matulungan?

"May nagsend sa kanya ng picture ko na may kasamang lalaki, sinubukan ko iexplain sa kanya na hindi totoo yun pero wala eh, naniwala na sya sa nakita nya. Sabihin mo Rei, paano mo ko matutulungan?" tiningnan ko silang dalawa ni Blaire

"Im sorry" sabi ni Rei

"Hindi, okay lang. Ako din naman may kasalanan nito eh. Bakit kasi sya pa yung minahal ko. Hahaha. Ang sakit lang" mukha na siguro akong tanga dito dahil naiyak ako pero natawa. Wala akong pake, nasasaktan ako eh.

"LEI!!!!" tawag nila. Mas mabuting umalis muna ako, gusto ko munang mapagisa

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar ito ng mabilis, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta gusto ko muna ng peace of mind, gusto kong maalis tong sakit na nararamdaman ko. Bakit ganun? Kahit ma madamimg beses nya na kong sinaktan, mahal na mahal ko padin sya. Ititigil ko na sana yung sasakyan pero nung tinapakan ko ying break ayaw tumigil. Biglang nagring yung phone ko kaya sinagot ko

"Lei nasan ka?"

"Rei, tulungan mo ko"

"Bakit? Anong nangyari?!"

Sasagutin ko na sana yung tanong nya kaso lang nakita ko yung truck na papunta sa dereksyon ko

"Hello? Lei?"

Hindi ko naman mahinto yung sasakyan at pag niliko ko yun sa bangin na ko babagsak

"Lei sumagot ka?! Anong nangyayari dyan?! Lei!"

*BEEEEPP...BEEEEPP*

*BOOOGGGSSSH*

"LEEEEIIII!!!"

And everything went black

A FAT GIRL'S REVENGE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon