11

1.3K 61 1
                                    

Taehyung's POV

Ilang araw ko nang hindi binubuksan yung locker ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman kasi akong kukunin doon and besides nasa bahay lahat ng gamit ko.

Naglalakad na ako papunta sa locker

Mahal ko si AKALIE, ang galing niya kasi naging pangatlo siya sa exam. Hindi ko alam kung sino yung gusto niya pero sana ako. Lumalapit ako sa kanya kaso yung paa ko mismo yung automatikong lumalayo, hindi ko naman alam kung bakit.

Last time pa nga, pinili niya yung favorite number ko kaso yung pinili ko yung favorite number niya. Sayang nga eh. Tapos nung program akala ko kami yung magkapartner kaso kami ni Maine yung magkapartner. 

Bestfriend ko si Maine at siya yung nagkwekwento at nagsasabi sa akin nung buhay ni Akalie kaya naman hindi ko maitatanggi na namamangha na ako sa kanya.

Pinagtanggol ko si Maine dahil na rin ayokong malaman na may gusto ako kay Akalie. Nahihiya kasi ako, alam niyo na #TorpeProblems.

Buti na lang nanakawan siya. Joke lang :) Kasi doon ko siya natulungan at personal pa siyang nag-thank you sa akin. Tumatalon ako sa tuwa nung pagkauwi ko nung araw na iyon.

Nang matapat ako sa may locker at binuksan ko na iyon.

Bumungad sa akin ang mga puting sobre na may palamuti. Nagtaka ako kung ano yung mga ito kaya naman dali dali kong binuksan isa isa ang mga iyon.

Namangha na may halong pagkakilig yung nakita ko kung sino ang mga sumunod, it was Akalie. Tumatalon ako nung binabasa ko isa-isa, alien diba?

Hanggang sa buksan ko ang huling sobreng binigay niya

******

Dear Taehyung,

Akala ko wala na akong pag-asa sa iyo pero hindi pala. Thank you nga pala ulit kahapon sa pagtulong sa magnanakaw na iyon. Siguro last letter ko na sa iyo ito kasi nagsawa na akong umasa sa iyo. Nagsawa na ako na magbigay ng letter at ilagay sa locker kahit hindi ko alam kung binabasa mo o hindi. Hope ko na maging masaya ka kay Maine :) Last letter ko sa iyo ito at thank you sa lahat lahat. Sa pagiging inspiration ko sa araw araw. Aalis na kasi ako bukas dahil kinukuha na ako ni mama sa ibang bansa for the oppotunity ko daw. Bawal ko naman sayangin iyon at yung operation na gagawin sa akin dahil nga sa SAKIT KO SA PUSO. Bye Taehyung :) Maging mabuti ka lagi ah. Mamimiss kita :)

Akalie

******

Nanlumo ako nung mabasa ko yung malalaking letra na nakasaad doon sa sulat at mas lalo akong nanlumo na aalis na siya ngayon.

Pumunta ako sa airport kahit na pagod na pagod ako.

Ang tanga ko kasi eh. Kung binubuksan ko sana yung locker ko edi sana nasabi ko na sa kanya na gusto ko siya.

Nakita ko ang eroplano na sasakyan niya. Paakyat siya at umiiyak. Isa lang ang masasabi ko ngayon.

Akala ko hindi niya ako gusto.

Don't forget to vote, comment and follow

•Jiminionism• 

Akala Mo Lang || k•th  [COMPLETE √]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon