Wag ka munang umiyak dyan, di pa ko tapos.
How about sa word na caring?
Yung tipong di mag sasawang mag message ng napaka haba pero ang pinaka point nya is kumain ka baka mag kasakit ka.
Tapos dahil din sa kanya di mo na nasosoot yung mga shorts mo dahil ang dahilan nya madaming maduduming utak ngayon.
Naalala mo rin ba nung pinapatabi ka nya sa gilid ng kalsada kase baka mabanga ka , may banat pa syang "Di ko kayang mamatay yung baby ko"
Meron pa yung times na, sasabihin nya "ok lang ako baby" kahit may sakit na sya. Kase gusto nya wag kang wag kang mag alala masyado sa kanya.
Tanda mo rin ba tuwing may sakit ka tapos di ka nya mabibista or maalalagaan yung line nyang m"ag ingat ka kase walang ako dyan para alagaan ka hays "
Bukod sa barangay at parents mo, may curfew ka ren sa kanya. Di naman sa nag hihinala sya, gusto nya kase safe ka.
Sya rin yung tipo ng taong kailangan bukod sa curfew may time limit din ang pag tulog mo. Parang computer shop pero na e-extend lang pag sya kausap mo.
