"Nakakatamad." Nangalumbaba lang ako habang pinaglalaruan ko ang aking ballpen. Nakakatamad makinig sa matandang ngawa nang ngawa sa harapan. Ang ingay niya. Argh!
Napapaisip din ako sa sarili ko. Bakit nga ba ako nagtitiis makinig sa maingay na prof na iyan? Bakit ba ako nagpapaka-stress dito sa school? Pero, ilang beses ko mang itanong sa sarili ko ang mga tanong na ito.. alam ko naman ang sagot. Takot ako kay Daddy.
Hindi naman siya matapang o masungit.. mas masungit pa si Mommy kesa sa kaniya. Siguro, hindi lang kami close ni Daddy kaya hindi ko siya kayang itrato tulad ng pagtrato ko kay Mommy.
Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako matinong tao. Hindi ako isang huwaran at dapat ikahiya. Three time na na-kick out noong high school because of my attitude. Suko ako ng principal's office at laging suspended dahil laging napapaaway: mapalalake man o babae.
Ngayon.. college na ako. Napilitan akong kunin ang course na Engineering. Sabagay.. wala naman akong gustong course at kung hahayaan nila akong magdecide ay sigurado akong walang mangyayari.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ay may nagpatanong ng isang papel sa lamesa ko. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa papel. Nilingon ko ang katabi ko - siya ang naglagay ng papel sa lamesa ko - nakayuko lang siya at hindi umiimik. Natatakot yata na baka masinghalan ko siya.
Binuklat ko iyong papel at binasa.
Hi, Joannie. Crush na crush kita, alam mo ba? Nahihiya kasi akong magpakilala ng personal kaya sumulat na lang ako. Ako si Rafael, 2nd year college, Engineer din tulad mo. Hinahangaan ko talaga ang talinong taglay mo. Sana maging close tayo one day.
What the hell!? Ano daw!? Sana maging close kami one day!? Ang masasabi ko lang.. that day will never happen and will never happen.
Ginusot ko 'yung papel at itinapon ko sa sahig. Love letter sucks. Ipinatong ko na lang ang ulo ko sa lamesa. Ayokong makinig sa kahit kanino. Kung pwede lang maging tahimik ang lugar na 'to.
"Okay, class, you may go and have your lunch." Sabi ng prof namin.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Tunog ng mga humahakbang na paa at upuang maingay dahil sa biglaang tayo ng mga istudyante. Konti na lang at magiging tahimik na ang lugar na 'to.
---
After an hour of sleep, I think, I woke up and everyone was packing up their things. Mga nagme-make-up na ang mga babae at nagtatayuan na ang mga lalake. Awasan na!? Hindi ko manlang namalayan na sobrang haba na ng tulog ko. Napakamot ako sa ulo ko at nakita kong may nakadikit na papel sa braso ko. Tinitigan ko lang 'yung papel hanggang sa malaglag ito sa sahig. Pinulot ko naman iyon at binuklat saka binasa.
Kita tayo sa graden ng school
Tss! Ibang tao naman ngayon. Iba ang handwriting nito kesa sa kanina. Hindi manlang nahiya sa sulat niya. Parang kinahig ng manok! Dapat nag-typewritten na lang siya.
Isinabit ko na ang back pack ko sa balikat ko at naglakad na palabas ng room. Agad kong itinapon ang hawak kong papel sa nadaanan kong basurahan.
Habang naglalakad ako sa hallway, may mga lalakeng kumakaway sa dulo ng hallway. Hindi ko alam kung sino ba talaga ng kinakawayan nila. Ako ba o 'yung tao sa likuran ko? Tsk! Well, wala naman akog pakielam. Sa iba na lang ako dadaan.
Nang makalabas ako ng building ay nakita ko sa harapan ko ang garden ng school. Napatingin ako sa likuran ko. Pakshit! Mali ang exit na dinaanan ko. Agad kong binilisan ang lakad ko at baka makit pa ako nung sumulat sa'kin. Baka isipin niya na interesado ako sa kaniya kahit hindi naman talaga.
"Akala ko hindi ka na pupunta. Buti na lang at naghintay ako." Natigilan ako dahil may nagsalita bigla. Nilingon ko siya. Napakunot ang noo ko kasi hindi ko pa siya nakikita ever since nung pumasok ako sa university na ito.
Natawa ako sa sinabi niya. "Huwag kang assuming. Wala naman talaga akong balak pumunta kaso.. nagkataon lang na dito ako dumaan dahil ayoko ng masikip na daanan." Paliwanag ko. Tsk! Bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa lalaking 'to!?
"Talaga?" Natatawang tanong niya. "Okay. I'll take it as an alibi."
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ang kapal din naman pala ng mukha niya. "What!?" Natatawa kong tanong. Hindi lang kasi ako makapaniwala. Ako? Nag-a-alibi? The fuck!
"Oo na lang." Pang-aasar niya.
Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang maglakad palayo. Hindi ako makapaniwala. Argh!!
"Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad. "Hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Alam mo? This is nonsense." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Badtrip! Nasayang lang yung mood na binigay ng mahaba kong tulog kanina dahil sa lalakeng iyon. Bwiset!
"Wait!" Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso at pilit niya akong iniharap sa kaniya.
"WHAT!?" Agad kong ipiniglas ang braso ko para mabitawan niya ako.
"Don't be so rude." Nakangiting sabi niya. Nang-aasar ba siya?
Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kaniya at inirapan siya. Nagsimula na ulit akong maglakad at sa pagkakataong ito ay binilisan ko na para hindi na niya ako mahabol. Ano bang problema niya!? Nakakainis. Wala ba siyang magawa sa buhay niya?
