Xia
"Just kiss him, Xi!"
No.
No. No. No.
I will not kiss an ugly stranger in a public place or even anywhere. Just no.
Napakakulit ng pinsan ko. Kanina pa niya ako pinu-push na manhalik ng mga nakasalamin. In short, nerds! Like eww lang.
Katunayan hindi naman ugly yung tinitignan namin ng pinsan ko. Hindi ko lang type. Kung hahalik man ako ng hindi ko kakilala ay dapat yung type ko na. Hello? Ang precious at pretty kaya ng lips ko tapos dadapo lang sa non-sense na bagay?
Hinawi ko ang buhok kong blonde. O sosyal. Kakakulay ko lang ng buhok dito sa mall. Natamaan naman si Adette sa mukha. Buti nga.
"Ano ba 'yan, Xi? Baho ng buhok mo! Halikan mo na kasi. Sa cheeks lang naman. O baka naman gusto mo sa lips?"
Yuck. Ini-imagine ko palang ang lips ko sa cheeks niya ay kinikilabutan na ako. What more pa kaya kapag sa lips?
"Tandaan mo Xia, ako ang nagbayad ng pagpapakulay mo ng buhok."
Bwisit siya. Ginawa pa pang block-mail ang pagbayad niya ng pagpapakulay ko ng buhok. Nanakawan kasi ako kanina sa labas ng mall. Bwisit lang.
"Sige na nga! Pasalamat ka talaga. Hindi ko na babayaran yung utang ko, ha?" Sabi ko sa kanya.
"Sige ba. Basta bilisan mo na o gusto mo sa lips---," Iniwan ko na siya doon. Dali dali kong pinuntahan ang lalaking nakatayo at nakasandal sa poster ng penshoppe.
Kung wala lang 'tong salamin sa mata ay type ko na 'to. Turn off kasi ako sa may mga salamin sa mata, eh. 'Wag niyo ng tanungin kung bakit.
Kaso ang problema ay mayroon siyang ka-holding hands. Nagtatawanan pa nga sila, eh. Yung babae din ay nakasalamin. Nerd couple!
Sorry nalang sa inyo.
Nang nasa tapat ko na sila ay parehas na nagtanong ang kanilang mga mata. Nagkatinginan pa ang dalawa. Nakatitig ako dun sa lalaki. Nagsalita naman yung babae.
"Ate bakit po?" Nakangiting tanong niya. Nawala nalang bigla ang ngiti niya dahil inakbayan ko yung lalaki at hinawakan sa mukha.
Hinalikan ko na si kuya. At nakaramdaman ako ng kakaiba. Kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na naguudyok sa akin na 'wag siya tigilang halikan sa pisngi. Shit. Gusto ko atang ilipat ang bibig ko sa labi niya.
Kahit labag sa kalooban ko ay bumitiw ako sa paghalik. Dali dali akong tumakbo papunta doon sa hide-out ng pinsan ko.
Ibang-iba to sa halik na naranasan ko. Hindi na virgin ang aking labi. Marami na akong nakahalikan at hindi ako ang nag-iinsist. But damn, cheeks lang niya 'yon pero para na akong nakaranas ng torrid at passionate kiss.
--------------------
Riel
She broke up with me.
Damn. Mahal na mahal ko si Marie.
Kung hindi lang dahil sa babaeng 'yun ay masaya na ang buhay ko. I'm contented with my life when Marie's here by my side.
Pagkatapos niya akong mahalikan ay tumakbo 'yung babae palayo. Naramdaman ko ang lamig ng kamay ni Marie. Binitiwan niya ang kamay ko at sinampal niya ako. Napakasakit ng sampal na iyon pero walang tatalo sa sakit ng naramdaman ko ng nakaipag-break up siya sa akin. Si Marie ay hindi madaling makalimot at napakataas ng pride. Kahit magsorry ka sa kanya ay wala siyang pakielam. Basta ang tapos ay tapos na. Ang nakaraan ay nakaraan na. At ang pagmamahal niya sa akin ay tapos at nakaraan na.

BINABASA MO ANG
Kiss sabay Run (One-Shot)
Chick-Lit"Halikan mo lang sa cheeks. Bilis na at baka hindi ko pa bayaran ang tuition fee mo!" //One Shot// -- Picture (in the cover) is not mine. Credits to the owner.