Dea's POV
"Tik- ti- la- ok! Tik- ti- la--." Oooopss ..hindi yan manok. Alarm tone ko yan. Well... alam ko. Sasabihin mong weird. Well, it's up to you and it's up to me also. Ano ka?? Pero....
Kainis na alarm yaaaan!!!
Panira ng moment!!!
Ang ganda na ng panaginip ko eh!!!
Ikikiss na sana ako ni Zyan Malik!!!!
Ughhhh!!! Izzzz!!!
Pero bukas sisiguraduhin ko talagang matutuloy yun.
Kasi......
HINDI AKO MAG-AALARM!!! Bwahahahaha. XD
"Anak... baba kana. Kakain na tayo...2nd day palang ng klase mo ngayon. Baka malate ka. "- thats my NANAY. oo hindi Mommy, Mom, hindi rin Mama, it's Nanay.
[Oo second day. Naumay na kasi ako sa mga story sa Wattpad na nagi-start sa 1st day of school. Tsk. Para may originality. Yun lang]
Hindi ko alam kung paano ko idedescribe ang sarili ko ngayon. Well...
Maganda? No comment sabi nga ni Jane Oineza diba, kaya silent mode muna ako jan.
[No comment o wala talagang icocomment! Aber!]
Mabait? Well it depends on how you behave.. haha
I ACT AS HOW YOU ACTEDMatalino? Ah eh... Kung hindi niyo maitatanong eh. Nosebleed teacher ko sa english pag kinausap na ako.
Kawawa rin si Einstein sa Quiz bee sa akin. Ahehe. Tsk. Simpleng bagay!I'm now a Fourth year high school student on a Most Prestigious school here in the Philippines. Sa Dream High Academy. Na pagmamay-ari ng mayamang pamilya dito sa Pilipinas.
Mahirap lang kami. Pero thankful parin naman ako dahil Nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Nagtataka nga ako kung bakit ako sa Dream High Academy nag-aaral eh. Ang mahal kaya Tuition dito. Sabi ko nga kay nanay na ilipat niya nalang ako sa public school para makatipid. pero sabi niyang gusto niya daw ako dito makapagtapos. Simula kasi Grade 1 dito na kasi ako nag-aaral. Hindi naman ako scholar... kaya medyo nakapagtataka.
Walang stable job si Nanay. Isa siyang labandera. Pinapatawag lang siya ng mga kapitbahay namin kung may mga labada sila at bihira lang iyon. Kapag nataon sa sabado't linggo tinutulungan ko naman siya.
Yung tatay ko? Hindi ko siya kilala. Kung buhay pa ba siya o kinuha na ni Lord. Ni isang picture wala. Lagi kong tinatanong si nanay tungkol sa kanya pero feel ko ayaw niyang sabihin kasi iniiba niya ang usapan o di kaya aalis. But I don't take it as kawalan. I took it as a challenge!
May tanong pa ba kayo?
Ay siya nga pala my name is Nicole Andrea Soriano
Or just call me maybe. Joke! Andrei or you can call me Dea. I'm 15 years old. I'm consistent Honor students since First Year. Pero hindi top 1. Lagi akong pangalawa sa klase. I want to become a CPA someday. For? Siyempre let's be honest here ano pa nga ba edi for MONEY. yan yung bagay na wala kami. Kaya sisikapin ko to para buhay namin ng Nanay ko.But wait tama na muna ang chika. bababa na ako. Kakain pa ako eh. Baka malate ako eh. I will continue my story nalang mamaya.
"Anak gising na. Baka malate ka" - oh diba sakto
"Opo nay. Babangon napo."- sagot ko nalang.
Bumangon na nga ako para kumain
Pagdating ko sa kusina nakita ko si Nanay nag-hahanda ng almusal.
