🎶ako ang bida ngayon
(Masyado kang ambisyosa)
Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
(Kung kaya,edi subukan na)
Masipa sa mukha
(Sipain din sa mukha)Ako ang bida ngayon
(Hanggang pangarap ka na lang)🎶"AY PANGARAP! "
Sigaw ko."Ano ba naman yan tres ikaw nalang ang maingay sa hallway! Tigil tigilan mo nga yung pag kanta kanta mo diyan! "
Argh! Walang hiyang muntikan ng masira ang headset ko sa lakas ng hila niya.
"Quien naman pag nasira ang headset ko ibibili mo ko ah! Alam mo naman buhay ko to! "
Sigaw ko sakanya."E ang ingay mo kase alam mo bang ikaw nalang pinag titinginan ng buong studyante!"
Napakunot ang nuo ko ng bigla dahil sa
"Tska tres...."bulong bigla niya
"Ano binubulong bulong mo diyan?"
Aba madalang lang bumulong to oy. Kung baga nakalunok ng mikropono to araw araw.
-"May bagong salta kase."
* "O tapos?"
-"Ang gwapo
* "O e ano ngayon?"-"pero parang may pinag dadaanan talaga"
* "bat kailangan Mong bumulong?"
Pag iiba ko ng usapan. E ano pakeelam ko sa bagong student na yun? Mabubusog ba ko? Yayaman ba ko? Sasaya ba ko dun? HINDI! PAKE ko diba
-"tres makinig ka kase. Siya yung lalaking nag wawala sa bar nung sabado na sinampal mo!"bulong niya
Ah siya lang pala yung lalaking sinamp....
"ANO?!!"sigaw ko!
Wolongyong buhay to oo. Lahat ng studyante nakatingin na saken at ang malala pa yung lalaking sinasabi ng best friend ko e nakatingin saken! Hindi lang tingin! Nanlilisik na tingin.
Owmygosh!
Ikaw na nga tres! Ikaw na talaga ang bida ngayon!