F. M. P. Love: 0.1

4 0 0
                                    

"Yanne tara na sa classroom malalate na tayo oh,"

"Ok na papunta na, sandali na lang ito."

14 years old na ako nagdadalaga pa lang alam ninyo bang engage na ako sa 24 years old na anak ng mga Montefalco, grabe nuh, hindi ko masasabing engage na agad ako dahil bata pa ako ang sabi naman nila mama pag- nasa tamang edad na daw ako magdicision kung itutuloy ko ba o hindi kaya samantalahin habang bata pa hahaha at the age ko ng 18 dun na daw ako ipapakasal pag wala pa daw akong boyfriend. Hay mistulang telenovela ang buhay ko.

Nga pala nagaayos na ako ng gamit ko kasi kakatapos lang ng aming P.E. class, kung bakit ba naman daw kasi kailangan na magpalit ng damit ang lala lang kasi patong patong na ang aming damit oh, blouse, neck tie, vest, suit oh pang sailormoon ba.

"Ano na Yanne, dalian mo nandyan na si Ms. Mulintapang mapapagalitan tayo nun kasi late na tayo" sabi ni Mikay

"Heto na, takbo na tayo!!!"

Tumakbo na kaming dalawa ni Mikay kasi naman hayan na si Ms. Mulintapang.

"Mikay!, Yanne! Bawal tumakbo sa hall way!, mga garos kung gumalaw a ah, kilos dalaga mga ineng kung gusto ninyo tumagal sa class ko."

Hahahaha ganyan talaga si Ms. Mulintapang kaya nga love na love ko siya, para talaga siyang sinaunang tao yung kina Maria Clara.

"Good After noon Class, Gusto kong ipakilala sa inyo ang bago ninyong classmate si Lancer Montefalco, "

"Eih cute niya!"

"Gwapo naman,"

"Makapanlaglag panga sa pogi"

"Mag-hunus dili kayo mga kababaihan, porket gwapo siya ganyan na kayo, kahihiyan mga babae"

hahahahaha hindi ko talaga matiis na hindi tumawa sa sinabi ni Ms. Mulintapang. Kung anong sinaunang salita na sinabi niya.

"Good Afternoon, classmate ako nga pala si Lancer , Cer na lang"

"Waaahhh, gwapo mo"

"Girls timpi!"

Montefalco ba ang sabi niya??, kilala kaya niya si Lorenzo yung fiance ko hmmm itanong ko nga mamaya.

"Lancer dun ka sa tabi ni Ms. Ibarra,"

Ok wala na naman kasi akong katabi dahil 17 lang kaming magkakatabi tapos si Mikay yung nasa kanan ko.

"Hi, Lancer, cer na lang, you?"

Nakikipag-shake hands siya.

"Yanne Yuela, Yanne na lang for short"

"Wait did you know Lorenzo Montefalco?"

"Boys ang Girls pay attention please"

"Nakita kayo ni Ma'm. Mamaya na lang kasi Yanne, nakikipagchikahan ka pa kasi"

Aba ang taray ng yata ngayon ni Mikay siguro crush niya itong lalaking ito.

Malapit na.

Malapit na bumaksak ang mata ko.

1

2

3

"Yanne!, stand up face the wall"

Hay naku lagi naman eh lagi kasi akong inaantok sa kanya hindi ko alam kung bakit.

"Lancer!, stand up sumama ka kay Yanne face the wall"

"Haaaaaaahhhhy!, nakakaantok naman" sabi ni lancer habang humihikab

"Teka kilala mo ba si Lorenzo?"

"Yup si Kuya, ko yung bakit?,"

"Ohmaygad!"

"Di nga kapatid mo siya?,"

"Magtatanong ka tapos hindi ka maniniwala?"

Galit na sinabi niya.

Tumagal din kaming nakatayo dito.

"Ang sakit ng paa ko"

Reklamo ko.

"Yanne heto na ang gamit mo, tara na umuwi." Sabi sa akin ni Mikay.

"Ok thanks,"

"Yanne susunduin na ako ni mama ngayon sige una na ako"

Umalis na si Mikay naiwan na naman ako dito. Hay mag-aantay na naman ako ng sundo.

"Bakit mo natanong kung kilala ko yung kuya ko?"

"Ah, wala lang naman---"

Dumaan yung sasakyan ni Lorenzo.

"Kuya/Enzo"

"Oh mag-kakilala na pala kayo, so paano hindi ko na kayo ipakikilala sa isa't isa." Sabi ni Enzo

Sumakay na kami sa kotse ni Enzo. Parehas kami nasa likod ni Lancer.

"Nga pala Yanne ano napatayo ka ba ulit?, alam mo naman na mataas expectations ko sa mapapangasawa ko di ba"

"WHAT!!!, siya ba yun Kuya?,"

Gulat na gulat na siya sa sinabi ni Enzo.

"Alam mo naman na hindi ko kaya na maging asawa mo napakabata ko pa para isipin yan"

"Handa naman ako maghintay eh hindi naman ako nagmamadali dahil 4 years na lang naman ang iintayin ko para dun"

"Bahala ka nga!" Sabi ko

Si Lancer naman yun hindi maipinta ang mukha dahil sa mga sinasabi ko at si Enzo naman ngiting ngiti lang para bang nakajackpot.

SHORT STORY: Finding For My Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon