Signs
ฯฯฯฯฯ
"Chase! May ballpen ka pa ga? Pahiram naman!" sabay tabi sa akin at ngiti.
"O," iniabot ko ang ballpen ko sa kanya na alam ko namang tatanggihan niya.
Tiningnan niya yung taklob ng ballpen ko. "Ay ayaw ko niyan! Alam mo namang ayaw ko sa mga point threeng ballpen! Wala ka na?" pinitik ko ang noo niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Aray! Nakakasakit na ah!"
"Sa tingin mo hindi nasasaktan tenga ko sayo?" inikot niya lang yung mga mata niya at binalewala ang sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig paikutin ng mga babae yung mga mata nila. Paano na lang kung mag-stuck yun sa taas at hindi na bumalik sa baba? Diba? "Ano? Wala ka nang extrang ballpen?" isa't kalahating makulit din ang lahi nito eh.
"Meron pa."
"Meron ka?"
"Oo, meron----" napatigil ako sa pagsasalita dahil parang double meaning ang sinabi niya. I looked at her, nakangiti ng malawak at tinitingnan ako na parang nang-aasar.
"Meron ka?" ulit niya. Ang lawak ng ngiti niya na para bang maya-maya ay tatawa na siya.
"O, umalis ka na nga." binigay ko sa kanya yung ballpen ko. Lilima pa lang kami sa loob ng room at nanghigiram siya ng ballpen dahil nawalang ng tinta yung kanya eh mangongopya pa siya ng assignment.
"Yan!" masaya niyang sabi at tumayo na. Tiningnan niya ako ng seryoso, "pero meron ka nga?" sabay talikod at tawa ng malakas. Napapikit na lang ako at napa-iling, ibang klase. Naalala ko nung first day pa lang ng pasukan.
◀Flashback◀
Nakasakay ako ng jeep papunta sa school kung saan ako mag-aaral. Medyo tanghali na kaya mataas na ang sikat ng araw. Tss. Maaalis agad ang amoy ng pabango ko eh. Halos iligo ko pa naman yun dahil first day of classes.
Tumigil ang jeep sa isang kanto at may isang babaeng sumakay.
"Bayad po." sabi niya habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hindi matangos ang ilong, hindi gaanong kaputi pero may dating. Isa pa, sa school na papasukan ko rin siya pumapasok.
Wala siyang pakialam sa mga sakay sa loob basta seryoso siya sa pag-aayos ng payong niya. OC at mahinhin siguro tong babaeng to.
"Para po." sabi niya at doon ko lang napansing nasa tapat na pala kami ng school.
Ako si Chase Rivera, third year highschool student, isang transferee.
Since first day of school, nagpakilala lahat at nagkaroon ng election of officers.
"Ala ayaw kong maging vice president! Ma'am I object!" her name's Cyreel. Ang babaeng kasakay ko sa jeep kanina na akala ko'y hindi makabasag pinggan pero makabasag eardrums pala. Ang ingay niya kahit kasisimula pa lang ng klase! Hindi rin nawawala ang ngiti sa mukha niya. Hindi kaya siya nangangalay?
"Hindi pa naman ikaw ang nananalo! Wag assuming!"
"Eh sure na yan! Ako pa ba?" mahangin din siya at malakas tumawa.