Simula

31 8 0
                                    

Ngayon ay araw ng Linggo. Pinili kong gugulin ang buong araw na ito dito sa bahay. Tuwing araw ng Linggo ay masaya kaming umaalis ng buong pamilya ko upang magsimba at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang pinagkakaloob nya. Matapos ang pagsisimba ay masaya kaming nagpupunta sa parke para na rin makapamasyal at mag picnic.

Pagod na pagod akong naglilinis ng aming bahay, may katulong kami sa bahay at ito ay si Manang Selda. Umuuwi sya tuwing Linggo sa pamilya nya sa Cagayan upang makasama naman ang buong pamilya nya.

Tapos ko ng linisin ang kitchen, at sala. Itong kwarto nalang namin mag-asawa ang lilinisan ko at pagkatapos ay pwede na kaming magpunta sa gustong puntahan ng anak naming si Riyah.

Tatlong taon pa lamang si Riyah at masasabi kong nagmana sya sa kanyang Ina, malaporselanang kutis at natural na kulay brown ang kulot at umaalong buhok. Makikita naman sa kanyang mga mata ang matang sing-kulay at sing-blankong tulad ng akin.

Habang naglilinis ako ng aming kwarto ay lumitaw ang kulay dilaw na libro. Sinlaki ito ng isang notebook ngunit makapal. Napangiti ako ng nabasa ang nakasulat






"Gella."







Hawak hawak ko ng mahigpit ang librong ginawa ko para sakanya.. Naalala ko lahat ng masasayang ala-alang kaming dalawa lang ang nakagawa at makagagawa.

Sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang babaeng nakatayo sa pintuan. Ang babaeng may kulay brown at umaalon na buhok.

Agad nya kong nilapitan at sinalubong ng masasayang ngiti. Kasintamis ng asukal ang ngiting ibinayo nya sa sakin dahilan kung bakit napangiti din ako sintamis tulad ng kanya.

Napadapo ang tingin nya mula sa aking mga labi hanggang sa mapunta sa librong mahigpit kong hawak. Malawak ang kanyang ngiti at ang kanyang mga mata'y nagningning ng nakita ang hawak ko..



"Gella." wika nya sa isang malambing at makahulugan tono.

GellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon