the tete

8 0 0
                                    

Taehyung



"Mic test. Sound check. Hero hero this is Kim Taehyung Kim do you know bbuing bbui—ARAY PUTA!" Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong batukan ng katabi ko.

Tsaka kung tatanungin nyo kung anong ulo hawak ko, yung sa taas ah. Sabi kasi sakin ni tatay, may ulo rin raw sa baba kaya kailangan lagi kong i-explain and explode dahil baka may mga malito.

Sinamaan ko ng tingin yung katabi ko at nagtaka ako bakit wala na sya. Hala, sino bumatok sakin? Gago yun ah—

"Taehyung anoba akin na yang earpiece!" Nagulat ako nang marealize ko si Jimin pala yung bumatok sakin. Aba kung siniswerte nga naman ang pandak. Buti na lang maliit sya at di ko sya nakita agad kundi baka nasuntok ko na toh.


"Oh ayan! Saksak mo sa baga mo, dwende."


"ANO KAMO?!"

"Wala. Sabi ko ang bansot mo!"

"ABA PUTANG—"


"Mga hyung ano ba, tutulungan nyo ba ako dito!?"


Agad kaming napatigil ni Jimin nang biglang may narinig kaming nagsalita sa earpiece. Hala. Si Jungkook pa pala.

"Oy ano nang gagawin ko dito. Nandito na sya hyung!"

Hinablot ko agad yung earpiece kay Jimin at agad akong nagsalita.

"Madali lang yan, bro! Una, magtanong ka sa mga nakatatanda sa paligid mo. Diba sabi ni tatay pag di mo alam gagawin magtanong ka—"

"ULOL. BOBO! AKIN NA NGA!" Hinablot na naman pabalik ni Jimin yung earpiece at sabay tumama pa sa bibig ko yung mic neto kaya napa ubo ako.

"Hay nako, Taehyung. Palibhasa kasi di marunong pumick up ng chicks! Ako na bahala dito sa utol mo jan ka na lang."

Sinamaan ko na lang ng tingin si Jimin. Sus, kung alam ko lang mga literal na manok talaga yung pini pick up neto saka syempre andun narin yung chicks, mga sisiw ba. Nagtatrabaho tong part time taga-alaga ng manok na pangsabong ni manong Bang eh, ano ha? Ano Park Jimin wag kame. May chicks ka pa jang nalalaman chicken joy levels ka lang.

"Jungkookie, rinig mo ko?"

"Oo, Jimin hyung."

"Ano, asan na kayo?"

"Andito. Nakaupo na kami sa table."

Pinanood ko na lang si Jimin at Jungkookie mag usap sa pamamagitan ng earpiece na gamit niya.

Hays, Jimin. Tiwala ako sayo para tulungan tong kapatid kong si Junjun sa first date nya kasama nililigawan nya.

At oo nga pala. Nasa jeep kami ngayon ni Jimin na hiniram pa namin galing sa tatay ni Namjoon hyung para lang matulungan tong si Jungkook with his date. Tas bale nagrenta pa kami nung speakers tas earpiece na gamit sa mga pelikula, yung pag kailangan mong may kausapin sa kabilang linya? Basta yun. Nirenta pa namin toh galing sa hardware store na pagmamay-ari ng tatay ni Yoongi hyung. Odiba? Tropa goals lang oh mainggit kayo.

"Hyung, ano na sasabihin ko?!" Narinig kong nagpapanic na tanong ni Jungkook.

"Okay, okay. Ganito, sabihin mo sa kanya 'Ang ganda ng mga mata mo.'"

Nag ehem ehem pa si Jungkook sa kabilang linya bago narinig namin ang pag uusap nila at nang kanyang date.

"Ah, ano. Um... Pasensya ka na, Euni. Jollibee lang kasi yung afford kong date place natin eh. Hehe."

Feeling ko mapapaluha ako dito kay Jungkook. Una, kasi nagbibinata na talaga sya. Pangalawa, para siyang Maria Clara kung umasta ngayon, ang lambot nya ang bakla lamang. Pangatlo, kuripot sya. Jollibee? Seryoso boy?

"Hehe, ano ba Junjun! Okay lang yan. Paborito ko nga tong pagkainan eh."

Ay sige, paborito naman pala ni gurl. Ediwaw mas masarap parin kfc. (Bitter lang talaga ako kasi sinuggest ko kay jungkook kfc dahil mas masarap yung chicken dun kaso mas gusto ng ilong nya jollibee. Pesteng bubuyog mas gwapo parin si manong kentucky.) 

"Ganun ba? Hehe."

"Oh Jungkook, gawin mo na yung sinabi ko sayo!"


Nilakasan ko naman yung audio para mas marinig namin yung sasabihin ni jungkook sa kabilang linya. Lord, ipapaubaya na namin sainyo tong date ni junjun. Sana di sya sumablay. Sana rin di nya masinghot si euni. HAHAHHAHA pero joke lang yon kaso seryoso yung wag sana syang sumablay.

So ayun nga. Narinig pa namin nag inhale-exhale si jungkook na hudyat ng kanyang paghahanda sa sasabihin nya. Eto na mga brodie. Ilalabas na ni junjun ang angking kamandag nya.

"Euni, may sasabihin ako." Sambit ni jungkook gamit yung boses nyang mapang-akit, raw. Pero sa totoo lang hindi nakakaakit, para siyang namimilipit na pinipigil yung utot nya. Pwe, husky voice kuno para lang natatae.

"Ano yun, junjun?" Medyo napa hikbi ako sa pagpigil ng tawa ko. Ang korni, seryoso. Tas yung boses pa ni euni parang nagpapabebe na ewan. Pero who am i to judge diba? NAKS ENGLISH YAN binuhos ko lahat ng lakas ko at effort sa iisang tanong na yan kaya palakpakan nyo ko.

Napatingin ako kay jimin na seryosong nakikinig sa audio ng pag uusap ngayon nina jungkook at euni. Supportive wingman talaga tong si bansot. Kaya may araw talaga na tatangkad eto kahit mga isang centimeter lang eh. Someday jimin, someday.

"Dali, go! Sabihin mo na 'ang ganda ng mga mata mo.'" Eto na. Full volumed na yung audio at sumunod yung pag ehem ehem ni jungkook sa kabilang linya.

AYAN NA SI ILONG.


"Euna.." Simula ni jungkook na agad kong ikinairita. Putek pa euna euna pa eh sabihin mo na kase!


"Ano yun, jungkook?"


Ayan na.


"Euna... Ang ganda ng mga mata ko."



Alam nyo yung feeling na mapapa punyeta ka na lang? Nararamdaman ko yun ngayon.

"JUNGKOOK TANGA! BOBO! IWANAN MO NA SI EUNI! WALA KANG PAG ASA MANG CHIKS!" Sigaw ni jimin bago hinubad at binato yung earpiece nya. Patay ka jungkook, galit na ang itlog.

Pero hoy anong iisip nyong itlog? Pag sinabi kong itlog, si jimin tinutukoy ko. Naka beanie sya ngayon, actually. Pinagmalaki pa nya kanina yung forehead exposed raw nya pero sa totoo lang mukha syang itlog. Pwe.

Badtrip na si jimin kaya naman lumabas eto sa jeep. Eto naman ako still kapit kapit at pinapakinggan yung audio nina euni at ju

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si Tete at si Junjun || v • kookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon