Hello Mga Kaibigan, Ako nga pala si Jake Celeste. May minamahal ako ngayon, Pero hindi niya alam na Mahal ko siya dahil hindi ko kayang ipagtapat sa kanya yung tunay kong nararamdaman. Oo, Aaminin ko, TORPE ako, Wala akong magagawa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, Hindi ko rin alam ang magiging reaction niya pag nasabi ko na sakanya ang nararamdaman ko. Ang pangalan niya ay, Jamie Guzman, Nabighani ako sa ganda niya for the last 3 years..
Hayy, Nandito ako ngayon sa Canteen ng School namin. Nakatulala.
"Huyy!, Tulala ka na naman jan!" Sabi ng Bestfriend kong makulit. Hehehe. Makulit yan! Super! Siya si Blue Tolentino, Girl yan. Laging patawa. Basta ang hirap iexplain ang Characteristics niya. Bestfriend ko yan since Grade 1 hanggang ngayon 3rd Year High School na. Nagkakilala kami sa School namin nung Grade 1 kami, Siya yung tipong nag-approach sakin. Hindi ko rin naexpect yun XD Tama na sa kwento! XD
"Hayaan mo, Bababa narin yung MAHAL mo." Sabi ni Blue.
"10:30 dapat sila bababa eh, 10:35 na oh! Hindi parin siya nakaka-baba" Sabi ko sa kanya.
"5 Minutes lang agwat. Wala namang kakain sa kanya sa taas, Kaya Chill ka lang."
Napa-chill naman ako. Hehehe.
--Shett. Ayan na siya, kasama mga kaibigan niya.
Napangiti si Blue at tumingin sakin. "Wag kang magpahalata" Sabi ko kay Blue
"Grabe ka naman, Napakatalas naman ng tingin nun para makita niya yung ngiti kong pang-asar." Sabi ni Blue
Hayy.Sarcasm din to minsan. XD
Habang pinagmamasdan ko si Jamie, Hindi ko napansin na nakita ako ng isa niyang kaibigan. Tinuro tuloy ako, Bigla kong hinili si Blue palabas ng Canteen.
"Ano yung nakita mong multo at bakit mo ako hinila palabas ng Canteen habang may kinakain ako?" Tanong ni Blue.
"Nakita kasi ng kaibigan ni Jamie na tinitingnan ko si Jamie, Bigla akong tinuro ng kaibigan niya." Sabi ko kay Blue
"Baka naman kasi hindi ikaw yun .." Natahimik ako dun ..
"Sabi ko sayo eh, Hindi ikaw yun. Tignan mo, Lumapit sila sa kaibigan nilang 4th year." Sinabi ni Blue habang nakasilip kami sa Canteen.
"Hayy. Napaka-Torpe mo, Best. Pero naiintindihan kita" Sabi ni Blue.
"Tara akyat na tayo." Sabi ko.
Geometry subject namin ngayon, Favorite ko, Pero parang hindi ako maka-focus? Siguro tungkol yun sa nangyari kanina, Hayy.
"Celeste!" Sigaw ng Teacher namin, Si Sir.Michell.
"Yes, Sir?" Sabi ko, Nagulat ako sa sigaw niya. "Focus!" Sabi ni Sir.
"Yes, Sir. Sorry Sir"
* 1 Hour Later *
Kakatapos lang ng Geometry, Uwian na! Pumunta kami ni Blue at ng isa kong tropa si Grant sa McDo.
Manlilibre si Grant eh. For the first time ! XD
Nakaorder na kami, at humanap ng upuan sa 2nd Floor ng McDo. Nakahanap kami at umupo na.
"Pare, Musta Lovelife?" Tanong ni Grant
"Ayun, Nagpapakatorpe parin." Sagot ko.
"Alam mo Pare, Pag hindi mo nasabi agad sa kanya yung mga nararamdaman mo, Pwede kang maunahan." Sabi niya
"May point ka naman Pardz. Kaso, Paano kung hindi niya tinanggap yung mga nararamdaman ko?"
"Pare, Wag ka muna mag-isip ng mga negatives, Positives muna kasi mas nagpapatatag yun sayo." Advice niya.
"Salamat Pare ah!" Sabi ko habang nakangiti.
"Oh, Ikaw Blue? Musta Lovelife?" Tanong ni Grant kay Blue
"Sus. Hindi uso Lovelife sakin, Mas sasaya ako sa pagkain kesa sa Lovelife" Sagot ni Blue
"Hayy. Hindi ka talaga nagbago." Sabi ni Grant
Si Blue siya yung tipong nakulangan sa tangkad XD Tsaka yung tipong kain ng kain, Hindi naman tumataba.
Si Grant naman, Siya yung laging naga-advice sakin pagdating sa Lovelife.
Yan si Jamie, Siya yung pinakaunang babae na minahal ko ng buong puso. Pero pangalawa siya sa mga minahal ko, May naging 1st Gf na ako
kaso, ginawa lang akong panakip-butas. Ang saklap! Siya first Gf ko, tapos sa kanya rin ako nasaktan ng lubos-lubos. Hayy, Medyo mahirap.
"Bili mo ako Sundae." Sabi ni Blue kay Grant, Nasira tuloy Senti Mode ko. XD "Kakatapos mo lang sa Float, Sundae ka naman. Grabe ka! Kailan ka ba tatangkad este Tataba?
"Inaasar mo ba ako?" Sabi ni Blue
"Hindi ah! Joke ko lang yun, Ikaw talaga hindi ka mabiro."
Authors Note: Eto na po yung First Chapter :)