Chapter 2: I'm Sorry!

1K 11 0
                                    

~~

(guest room)

"Roberto. Look what you have done. Nag-away yung dalawa ng dahil sa sinabi mo."

 

"..At bakit naman sila mag-aaway?"

 

"Because Maya heard what you said! That's why, Roberto!"

 

"What?.."

 

"Yes, she heard it. Richard followed her. Then, nag-away sila. And that's all your fault, Roberto."

 

(Bukas ang pinto ng guest room dahil nasa labas na ang lahat ng gamit ni Roberto. At dahil sa nangyari kanina, gusto na niyang umalis sa mansion, at sa hotel lang tumira pansamantala habang nandito sila sa Pilipinas. Nakita naman ito nila Luke, Nikki at Manang Fe habang papunta sila sa guest room. Narinig din nila kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa.)

"Look, Esmeralda. Kaya ko nasabi iyon dahil ayokong maghirap ang mga bata paglaki nila. Richard should stable their future."

 

"Richard is their father. Siya ang may karapatang magdesisyon para sa mga anak niya."

"Lolo? Lola? (napatingin ang dalawa sa pintuan) Are you fighting? And why is there luggage sa pinto? Aalis na po ba kayo?", Nikki asked.

"Luke, Nikki.. Kanina pa ba kayo nandiyan?"

 

"No, lola. I'm sorry. Narinig po kasi namin ni Nikki yung pinag-uusapan niyo ni lolo. May gusto lang po sana akong sabihin. Hindi naman po sa sumasabat kami sa usapan.. Pero lolo, mali po ang akala niyo kay ate Maya. Sobrang bait po niya sa aming magkakapatid.. Sa aming lahat po na nandito sa bahay. Itinuring niya po kami bilang kapamilya niya kahit na hindi naman. Kapag galing nga po siya sa mga flight niya, lagi niya po kaming pinapasalubungan.."

"..And whenever we have problems, she always helps us. Lalo na po with me. If I have problems that only girls can hear, alam niya. Tatanungin niya po ako agad. And after that, I feel better kasi I can tell her yung mga gusto kong sabihin, like girl stuff and such.. I know na I've been rude to ate Maya before when I knew na ate Maya is dad's girlfriend. Dahil sa dati siyang yaya ni Abby. But I was sooooo wrong, lolo. It's not about kung ano yung estado ng tao sa buhay, kundi yung ugali. Right, kuya?"

"Tama, Nikki."

 

"Tama po ang sinabi ng mga bata, Don Roberto. Sa katunayan nga po, ibinalik ni Maya yung perang hiniram niya kay Ricardo. Kahit ayaw ni Ricardo, binalik pa rin ni Maya ung pera, kahit na sila na po ni Ricardo.. Alam ko pong hindi magagawa ni Maya 'yan. Kaya nga po nagsikap siya na tuparin ang mga pangarap niya.. Para matulungan at maiahon ang pamilya niya sa kahirapan. At si Maya po yung tipo ng tao na inuuna ang iba bago ang sarili niya. Kaya nga po mahal na mahal namin si Maya," Manang Fe said.

Their Happy Ending (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon