Bakit nga ba tuwing signal #1 at #2 Elementary at High School lang ang walang pasok? Grabe! E di kami ng mga College students ang water proof. Mawawalan lang ng pasok pang lumubog na sa baha ang school. Hay! Nakakatamad pa namang pumasok pag sobrang lakas ng ulan! Tsk!
Pero kahit na ganoon, isang beses naman sa buhay ko, naipagpasalamat ko na umulan ng malakas at hindi nasuspend and klase. :)
--------------------------------------------------------------------------
"Tsk! Ang lakas ng ulan! Hindi ba talaga mawawalan ng pasok?", tanong ko sa sarili ko habang nakatingala sa langit at pinapanood ang mga patak ng ulan. Buti pa yung kapatid kong nasa high school suspended na daw ang klase. samantalang ako, eto nagiintay ng tila ng ulan para makapasok. Tsk.
And after 2328739823647364892 years, tumila na din ang ulan. Sa wakas!
"Mama! Alis na po ako!", sigaw ko at patakbo na akong umalis ng bahay. Baka kasi umulan ulit abutin pa ako sa daan.
"Hoy! Yung payong mo, naiwanan mo!", sigaw ni Mama sa akin, pero sa totoo lang hindi ko na naintindihan yun dahil sa pagmamadali ko.
Pag dating ko sa school tambak ang mga estudyanteng nakatambay sa lobby, hindi naman kasi puwedeng sa labas tumambay dahil naulan nga, tapos yung mga tindahan na malapit sa school ay pinademolish na dahil gagawaan DAW ng kanal. Anak ng! Kung kelan ulanan saka nila naisip na ipagawa yun! Tsk. Ang tatalino nga naman!
Back to the story. Ayun nga, dahil sa madaming tao sa lobby, nakipagsiksikan pa ako para lang makarating sa Computer Lab, doon kasi ang klase namin. Malapit lang naman ang ComLab kaya hindi katagalan ay nakarating din ako dun.
"Buti nakapasok ka pa.", bati sa akin Yvan pagpasok na pagpasok ko sa ComLab.
"Tinatamad nga ako umalis ng bahay e, sobrang lakas ng ulan kanina, buti tumila.", sagot ko naman habang inilalagay ang bag ko sa silya.
At natapos ang oras sa boring na lecture ng Prof namin. Muntik na akong makatulog dahil sa lamig ng aircon plus sobrang nakakaantok na boses ni Prof. Buti na lang sa kaikod-likuran ako umupo. XD
Pag dating ng lunch siyempre sa nag diretso na kami sa canteen ng mga kaibigan ko. Pag pasok na pagpasok ko pa lang, nakita ko na agad siya. Grabe, ang ganda talaga niya. Buti na lang pala talaga at nakapasok ako. XD
"Sly! Tatayo ka na lang ba diyan at tititigan si Kiara?", sigaw ni Vince. Dali-dali akong sumunod sa kanila.
"Loko ka Vince! Baka marinig ka niya!", medyo binatukan ko si Vince.
'E di magaling, malalaman niya na matagal mo na siyang gusto. Di ba?", natatawa niyang sabi sa iba pa naming kasama. "Hoy! Kia-!", bago pa siya nakasigaw ay tinakpan ko na ang bibig niya.
"Subukan mong isigaw yan, sasabihin ko kay Tita Esmie na hindi ka naattend ng klase.", pang bablack mail ko sa kaniya.
"Insan naman! Siyempre joke lang yun. Kaw talaga, di ka na mabiro. Tara na nga bumili, nagugutom na ako e.", patay malisyang sabi ni Vince. Nagtawanan lang iba at sumunod na sa kaniya sa pagbili, samantalang ako ay tumingin muna kay Kiara bago sumunod.
Habang kumakain kami ay sa kaniya lang ako nakatingin. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tama ko sa kaniya.
After namin kumain ay nagbalik na kami sa classroom. At bago kami ulamis ng canteen, siyempre tingin ulit kay crush. Pero di ko inaasahan, nakatingin din siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy nag-init ang buo kong mukha.
"Gonzales!', tawag sa akin ng Professor namin.
"Yes Sir?"
"Pumunta ka dun sa Office and School Supply Store, bumili ka ng bundle ng typewriting. Naubusan na kasi sa faculty may kailangan lang ipaprint.", utos sa akin. Naman!! Ang lakas ng ulan o tapos ako pa ang inutusan. -____________- Pero dahil sa mabait na estudyante ako, sumunod na lang ako.
Bumalik ako sa classroom para kuhanin yung payong ko. Pero sad story, naiwan ko nga pala yun sa bahay, kaya basta na lang ako kumuha ng payong dun sa may lalagyan ng mga payong malapit sa guard.
"Manong guard, pahiram muna nito a. Ibabalik ko din mamaya.", paalam ko sa guard kahit hindi naman sa kaniya yung payong. XD
Ayun na nga. Nag diretso ako sa Office and School Supply Store para bilhin yung ipinabibili ni Sir sa akin. Hay.
Kuha ng bundle ng typewriting... Pila... Bayad... Kuha ng sukli... Balot....
And after 34374923875 more years ay nakalabas din ng Office and School Supply Store! Ang dami pa din pa lang tao dun kahit sobrang lakas ng ulan. Hay naku.
Babalik na sana ako ng school nang makita ko siya na nakatayo sa labas ng Office and School Supply Store. Sino pa nga ba e di si crush! At take note! KATABI KO SIYA! Wala siyang dalang payong at halatang nagpapatila ng ulan. Napatingin siya sa akin at sa payong na hawak ko.
"Kuya... babalik ka na sa school?", tanong niya. Grabe! Kinikilig ako! Kinakausap niya ako!
"Ahh... O-oo.", nauutal kong sagot. Tsk! Sly, be a man!!
"P-pwede po pasukob? Nawawala po kasi ang payong ko."
Did I hear her right? Gusto niya makisukob? Waaaaa! Grabeng kilig na to!!
"Si-sige.", sagot ko na lang, pero deep inside abot tenga ang ngiti ng kaluluwa ko. ^______________^
"Kuya, iyo po ba 'tong payong?", bigla niyang tanong.
"Actually, hindi. Basta ko na lang kinuha sa my guard ito e.", sagot ko na pinipigilan ang kilig.
"Kaya pala nawawala payong ko. Hehehe.", natatawa niyang dugtong.
"B-bakit?", tanong ko.
"Sa akin po kasi yang payong.", natatawa niyang sagot. Napahiya naman ako bigla. Kasi naman! Basta-basta na lang kumukuha ng payong! >________________<
"H-ha? Hala! Naku! Sorry! Sorry!", hingi ko ng dispensa. Tsk.
"Okay lang po kuya. No problem.", nakangiti niyang sagot sa akin. "By the way, ako nga pala si Kiara.", pagpapakilala niya. Actually alam ko na pangalan mo. XD
"S-Sly ang p-pangalan ko.", pakilala ko din. "Sorry talaga ha, Hindi ko kasi alam na sa iyo 'to. Naiwan ko kasi yung payong ko sa bahay.", paliwanag ko.
"Okay lang kuya.", nakangangiti niyang tugon. Grabe! Bakit ba ang hilig mo ngumiti? Pakiramdam ko tuloy matutunaw ako sa bawat ngiti mo, >_________________<
Hanggang sa nakarating kami sa school ay humihingi pa din ako ng pasensiya sa kaniya, pero tinatawanan lang niya ako. Okay lang naman daw talaga sa kaniya.
"At least, mukhang mabait yung nakakuha ng payong ko.", sabi pa niya. Sigurado akong namula ang mukha ko nung sinabi niya yan. Grabe lang! XD
"Sige kuya, salamat sa pagpapasukob mo sa payong ko.", pabiro niyang sabi. Hehehe.
"Next time sukob ka ulit ha.", biro ko din at tumawa na lamang siya.
"Ahhh... Kiara. P-puwede bang maging kaibigan ka?", pahabol ko bago siya umalis.
Ngumiti siya at sinabi, "Hindi pa ba tayo magkaibigan kuya? Kita kits na lang po ulit!" At umalis na siya.
Sobrang saya ko lang talaga! Hindi ko alam pero sa tingin ko, isa 'tong magandang simula para mas mapalapit ako sa kaniya at hinding-hindi ko ito sasayangin. ^____________^ Hindi ko din inaasahan na mamahalin ko ang ulan sa unang pagkakataon! ^________________________^
Pero isa lang ang alam ko ngayon...
Na sa ILALIM NG PAYONG MO....
KINIKILIG AKO. XDDD