Better to know us First!

9 0 0
                                    

Hi! I'm Nadine Alexis Paguia Lustre, Hindi kami mayaman, hindi din kami ganun kahirap (kasi atleast may makakain pa kami tatlong beses sa isang araw, mabibili ko pa naman yung mga gusto ko and may matinong trabaho naman ho yung tatay ko, nasa abroad ho siya) nag aaral ako ng College at isang Tourism Management Student ho ako, (noon).

Isa lamang akong Simpleng babae na may Simpleng pangarap and yes! Yun ay mabigyan ng magandang buhay ang Pamilya ko. Nag iisang anak nila kasi ako eh,

Nung bata ako merong akong Bestfriend, Mabait siya, gwapo, anak mayaman... tagapagtanggol ko siya kung may mang aapi sakin. Uhh! Loser kasi ako nuon, isang panget slash mahirap (ay hindi erase!) Tama lang, mataba, Weirdo "daw", yung feeling na akala mo parang ikaw yung pinaka Hopeless nuon na bata sa mundo. Yun yung bestfriend ko na yun, palagi kaming magkasama. Partners in Crime nga kami sa Lahat ng bagay at walang sekreto sekreto samin. Sa katunayan siya yung pinaka unang taong nagustuhan ko, na para bang langit pag kasama mo siya. Pero hindi ko pinaalam kasi masyado pa kaming bata nun, (ay ang landi ko diba? HAHAHA!) Pero seryoso! Nasaktan ako nung nangyari ang hindi ko inaasahan

isang araw, biglang nalang niyang sinabi sakin na aalis na daw sila ng Pamilya niya patungong Australia. (eh ano bang magagawa ko, eh bata lang naman ako nuon) sabi pa niya babalikan niya daw ako. Hello? 11 years na ang nakalipas pero aasa pa ako na babalik pa yun? (Syempre hindi na no, baka nga may girlfriend na yun eh!) Masakit pero tinanggap ko ng buong puso hanggang sa...

After a year, May nakilala ulit ako, (Sabi nga nila kapag may aalis, may dadating) bagong lipat daw sa Subdivision namin. Si Robert James Reid, at alam nyo ba? Australiano siya and He's family will stay here na sa Pilipinas for good. May kumpanya kasi sila dito, Si James, Gwapo din, mabait, matulungin, mahal niya daw ako eh (bilang kaibigan lang po), supportive, maalagain basta He's almost perfect na! Swerte yung mapapangasawa ni Bakla sa huli. Yes! Bakla yung tawag ko sa kanya kasi kahit kailan hindi pa siya nagkaka Girlfriend! At tomboy din naman yung tawag niya sakin dahil kahit kailan hindi din ako nagka boyfriend, (natatakot kasi akong masaktan eh, kaya yun!)

10 years na kaming magkaibigan ni James, sa lahat ng gagawin ko sinusuportahan niya ako. Palaging siyang nandyan para sakin at He is my number one Fan. Masayang masaya ako pag siya ang kasama ko, kapag sasali ako sa mga Pageants, nandun din siya kaya napagkakamalan siyang bakla. Hahaha! Hanggang sa nkuha ako sa pag momodelo nandun din siya, ang paulit-ulit kung narinig sa kanya is, "Sana balang araw pag sikat kana, hwag mo akong kalimutan) bakit ko siya kakalimutan eh BFF ko siya.

At ngayon, isang sikat na Artista na ako nandiyan pa rin siya para sakin. Actually parang P.A ko na siya ngayon... Personal Alalay! (Hehehe! Joke lang,) Best friend ko pa rin siya. Everytime may Mall shows ako nandun din siya humawak ng Tarpaulin na para bang Proud na Proud talaga siya na sabihing "That's My Girl---Bestfriend!) pinapagalitan na nga siya ng Daddy niya kasi nahahati na yung time nya saakin at sa Company nila. Unico Hijo din kasi kaya wala nang ibang aasahan kundi siya lang. Ayaw niya kasing mapako yung promise namin sa isa't isa na "Walang Iwanan". Makulit din naman kasi yung si James eh, sinabihan ko na na okay lang naman sakin kasi para din sa kanya yun pero ayaw eh. And okay naman kami sa Family niya and sa Family ko rin...

The picture above shows of how supportive and how my Bestfriend loves me. Yan kami...

"No Goodbyes"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon