Its been a year since I met him. Oo, isang taon na mula noong nakilala ko siya at isang taon na rin niya akong iniiwasan. Nakakatawa nga eh! Sa sinasakyan ko pa ngayon jeep kami nagkakilala. Tanda kopa noon na 8:00 ng umaga nung nakatabi ko siya sa jeep. Ang gwapo niya grabe! Ako na yata yung pinakaswerteng nilalang sa buong mundo kasi nakatabi ko ang isang Keanu Voldemore sa isang jeep! Kaso nga lang hindi niya ako pinansin. Days passed, hindi ko alam kung sinasadya ba kaming magtagpo ng tadhana pero lagi ko na siyang nakakasabay papuntang school sa jeep. Then the next day, i already knew his name. Syempre nagpakaimbestigador ako para malaman lahat ng details tungkol sa kanya. Hanggang sa dumating sa point na nagtapat ako sa kanya, yun nga lang ang sama ni tadhana dahil simula noon iniwasan na niya ako. Kung dati, nakaka-usap ko pa siya kahit papaano, ngayon lalapit palang ako sa kanya umiiwas na siya. At simula noon, tinatak ko sa isip ko na ang isang Keanu Voldemore ay hindi magkakagusto sa isang silent girl na Kathy Mendoza.
Im a silent girl, nobody, hindi ako yung tipong magugustuhan ng isang sikat na basketball player sa school namin. Im just an ordinary girl who fell inlove with a famous boy.
So, yun na nga. Balik tayo sa present. Nandito ako ngayon sa jeep, 8:20 ng umaga at papunta ako sa school. Ito lagi yung nasasakyan kong jeep nung lagi kong nakakasabay si Keanu. Ako lang magisa sa likuran. Ilang sandali pa, may sumakay na lalaki. Binalik ko sa harapan yung tingin ko. Naramdaman ko naman na tumabi sa akin yung lalaki.
Nakakapagtaka lang. Ako lang naman yung pasahero tapos sa akin pa siya tatabi. Eh, ang luwag-luwag naman. Iba rin trip nitong si manong noh?
"Hold-up to, wag kang gagalaw." Nakaramdam ako ng matulis na bagay sa tagiliran ko.
"Hindi ako magkakamali na butasan yang tagiliran mo kapag may ginawa kang hindi maganda." Halos pabulong na sabi niya.
Nanginig ang buong katawan ko. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang takot. Lalo pa niyang diniinan yung matulis na bagay na nasa tagiliran ko. Papatayin niya ba talaga ako?
"A-ano po bang kailangan nyo?" Halos pabulong na tnong ko sa knya. Naaninag ko na may suot siyang jacket kaya natatakpan niya yung matulis na bagay sa tagiliran ko.
"Madali lang naman. Kailangan mo lang sundin lahat ng pagagawa ko."
Waaahhh! LAHAT NG PAGAGAWA NIYA? Hindi kaya Rapist ang isang ito?! Wag naman sana. Lahat ibibigay ko wag lang yung Dangal at Puri ko! Waaahhh!
Lord Please help me!!
Sinubukan kong lingunin siya pero hindi ko magawa kasi kung gagalaw pa ako baka matuluyan yung buhay ko.
"Ok lang ba kayo dyan?" Tanong ni manong driver. Medyo kilala ako nito eh. Actually, nalilibre na nga ako sa pamasahe pag siya yung driver ng jeep na nasasakyan ko.
Gusto kong sumigaw tapos gusto kong sabihin kay Manong na yung katabi ko ay holdaper! Pero paano? Paano kung hindi nga siya nagbibiro? Paano kung tuluyan talaga niya ako?!
"Ok lang kami dito." Sabi niya kay manong.
Naku! Kung nandito lang sana si Keanu, alam ko ipagtatanggol ako nun. Minsan na nga niya akong naipagtanggol nung minsan na may bumastos sa akin sa jeep.
"Isuot mo to." May inabot siyang panyo sa akin. At ano naman bang gagawin ko dito?
Hawak-hawak ko lang yung panyo ng hindi nagsasalita. Hindi ko kasi alam kung ano yung gagawin ko.
"Isuot mo yan. Piringan mo yung mata mo." Mukhang nabasa niya yung nasa isip ko.
Alam ko na yung technique nitong si kuya eh. Pipiringan ako para manakaw niya lahat ng laman ng bag ko! Yun yun eh. Pwedi rin naman na kaya niya ako pipiringan kasi baka---OMG! ilalagay niya ako sa isang madilim na lugar at doon niya kukunin yung PURI ko?!!! Waaaahh!

BINABASA MO ANG
TiNADHANA (ONE SHOT STORY)
Short StorySi Kathy Mendoza ay isang dakilang nobody kaya hindi na siya nagtataka na iniiwasan siya ng crush niyang si Keanu Voldemore. Pero isang araw, may hindi inaasahan pangyayari na binago ang takbo ng kanyang mundo.