Althea's POV
"Hayys pagod na ko" sabi ni jhon Sabay bagsak ng sarili niya sa sofa, katabi ko
"Kala mo ikaw lang?"tanong ko sakanya habang umiinom ng juice.
Eh pano kase pag pasok niya ng mga plastic bag ay inayos niya sa lagayan at nag ayos ayos pa kami ng gamit dito sa bahay habang di pa dumadating si mom. Oh diba sipag namin. Kaya eto kaming dalawa sa living room pagod.
"Oh" abot ko sakanya ng towel.
"Thank you" sabi niya pagka kuwa ng towel.
Maya maya ay lumapit na naman siya sakin tss. May magnet ata kami eh. Lapit ng lapit to eh. Buhos ko kaya sa kanya tong juice.
"Pawis ka na oh"sabi niya habang pinupunasan ang ulo tsaka ang leeg ko.
Tiningnan ko yung mukha niya. Gwapo pala sha nuh.tiningnan ko yung mata niya, anganda ng pagka brown ng mata niya. Yung matangos niyang ilong. At may pagka pink na labi atsaka yung pagka ayos ng buhok niya tapos yung---
"Gusto mo ng picture ko?" Natigilan ako sa pag iisip ng nagsalita sha.
Nakatingin pala siya sakin at naka-smirk pa. Binabawi ko na mga sinabi ko kanina. Tss. Buhos ko sakanya tong juice eh.
"At bakit ko gugustuhing magkaroon ng picture mong tarsier ka hah?"mataray na tanong ko at tinulak siya palayo.
"Psh, kunwari ka pa eh kung makatitig ka sakin eh kala mo wala ng bukas." sagot niya. Anong tinitigan. Pssh. Asa siya feelingero talaga eh.
"Gusto mong maligo ng juice hah?"tanong ko ulit
Inagaw niya sakin ang dala kung juice at ininom.walang hiya to ah.
"Hoy akin yan ano ka ba?!"sabi ko.
"Eh nauuhaw na ko eh."sabi niya
"May juice dun sa kusina oh tss."sabi ko.
"Kumuha ka ng sayo. Pagod na kaya ako."sabi niya. Aba't?!
"Wala ka pa bang balak umuwi?" Tanong ko sakanya. Eh kanina pa ko naiirita diyan eh
"Hindi pa. Magpapahinga muna ako." Sagot niya.
"Aba't?!, feel at home ka rin eh nuh. Uwi na. baka hinahanap ka na sa inyo!" Sigaw ko sa pagmumukha niya.
BINABASA MO ANG
My Complicated Love
RomanceWhat if... makilala mo ang akala mong kaaway... na naging best friend mo?... does it mean that you can be lovers? Let's find out