What is MU?

852 17 5
                                    

Ano nga ba talagang meaning nang MU?


Sabi nila,

-Mutual Understanding.. Eto yung tipong nararamdaman nang mga dalawang taong nagmamahalan, Yung tipong alam nilang gusto nila yung isa't isa. Nagkakaintindihan na sila sa feelings nila, It means that they're feelings are mutual, Kaya tinawag na Mutual Understading

-Malanding Ugnayan.. Eto naman yung landian landian lang nang landian, Pero not sure sa nararamdaman, Pwedeng isa sa kanila sure, Yung isa naman hindi. Puro landian lang sila, Yung tipong kung makapag I Love You sila sa isa't isa daig pa nila yung mag-syota. Puros landian lang ang ugnayan, Kaya tinawag na Malanding Ugnayan

-Magisang Umiibig.. Yung iba dito, Mag-isa lang, Yung pasulyap-sulyap lang sa mga crush, Or di kaya umiibig nang mag-isa. Yung tipong alam mong mahal mo na siya, Pero IKAW lang yung nagmamahal, Di ka niya mahal. Kaya tinawag na Magisang umiibig

At eto ang pinakamalupet na meaning nang MU..









MUKHANG UNGGOY: Di ko na masyadong i-explain alam ko naman, Alam niyo na eh, Hahaha

Kung yung relasyon niyo nabibilang kayo sa Mutual Understanding, (Nagmamahalan pero di kayo) Maging aware kayo na mapapalitan din kayo. (Sooner or later Malay mo ngayon na? Haha)

Dahil wala pa naman kayong commitment sa isa't isa. MU lang kayo, Feel free kang maghanap nang iba o di kaya maghanap siya nang iba. Kasi MU lang naman diba?

May hindi rin naman ako maintindihan eh, Bakit kasi kailangan MU lang? Diba parang same as GF-BF din yun? Nagi-I love you, holding hands, may monthsary pa nga ang MU eh. So bat di nalang maging kayo?! Nakakainis! Ayoko na nga ituloy.. SYOTAIN MO NALANG KASI!!! (Lol joke hahaha)

Ang MU kasi komplikadong relasyon yan. Walang commitment.

PWEDE KANG MAGSELOS, DAHIL YUNG PAGSESELOS NA YAN. KARAPATAN MARAMDAMAN NANG LAHAT YAN, PERO YOU SHOULD KNOW YOU LIMITATIONS ABOUT SA PAGSESELOS. 

Hahaha. Nakatulong ba ako?




----------------------------------------

Related to sa susunod na One-Shot ko, Kaya may 'What is MU' Chapter ako. Hahhha! Pero Malay niyo tamarin ako? Hehehe.

One-Shot CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon