From:Buraot♡Hoy Takaw! Mamaya ah? Wag mong kakalimutan! Kundi uubusan talaga kita ng puds!
Napatawa ako sa text niya. Balahura talaga tong' lalakeng 'to! Nireplyan ko siya agad dahil tinadtad na ako ng text.
To:Buraot♡
Uso mag-intay Bura! Hahahaha.. Oo na po. Pupunta ko! Labyou!
Sent
Pagkasend ng text ko ay nilagay ko agad sa bag ko iyon. Dumating na kasi Prof. Namin.
Hindi ko mapigilang hindi ma-excite. 2nd Anniversary namin ngayon kaya panigurado may inihanda nanaman siyang pakulo. Naalala ko nung 1st namin dinala nya ko sa Sm dito sa'min. Dinala nya ko sa paborito kong kainan. Akala ko sarado kasi nakasara yung mga ilaw sa loob. Pagpasok namin sinurprise ako ng mga kaibigan at family ko sa loob. Naiyak ako ng sobra nun.
Pagkatapos ng mga klase ko dumiretso agad ako sa condo ko. Pinili ko yung bago kong bili na Dress. Pa-ekis yung likod tapos cream ang kulay. Hapit sa katawan ko kaya kita ang kurba ko. Nagpalit agad ako. Hinagis ko na lang kung saan ang uniform ko at nagmamadaling kinuha ang clutch ko. Tinignan ko muna kung andito na ang mga kailangan ko.
Money. Phone. Powder. Lipstick. Ready to go na ko! Lumbas na ako ng condo ko at excited na pumasok sa elevator.
Paglabas ko ng building ay agad akong pumara ng taxi at sinabi kung saan ang punta ko. Sinilip ko ang phone ko at mag a alas'otso na. Natagalan ako sa banyo, nakakainis. Tinext ko siya at sinabing malalate ako ng ten minutes. Hinintay ko ang reply niya pero wala akong nakuha.
Baka naghahanda. After ilang minutes nakarating na din ako sa lugar na pagkikitaan namin. Binayaran ko si kuya at dalidaling pumasok sa loob ng resto.
May lumapit sa'kin na babae."Kayo po ba si Ms.Takaw?" Tangina mga beh. Susuntukin ko yung Buraot na yon! Nginitian ko siya at tumango.
"This way po Ma'am.. Paki-antay na lang po si Sir. Pinahanda na rin po niya ang foods nyo." Tinanguan ko siya at iniwan na ako dito sa pinareserve niyang kwarto. Hindi ko mapigilang hindi mangiti. May chandelier na nakasabit sa gitna, may table for two, tapos yung mga pagkain. HEAVEN! Chocolate fountain-
"Nagustuhan mo ba?" Napalingon agad ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. "Naman! Thank you Bura!" Sabi ko at niyakap agad siya.
"Anything for you, Takaw." Pagkatapos namin magyakapan ay umupo na kami at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan kami. Inalala ang mga memories at nagtawanan. This is life.
Natigil lang kami sa tawanan ng bigla akong napautot ng malakas. Nanlaki pareho ang mata naming dalawa. Kasabay nun ang pagtawa niya ng malakas. Shit! Nakakahiya! Tumayo agad ako at nagmamadaling pumunta ng banyo.
"HAHAHAHAAHAHAHA!! TAKE YOUR TIME!" Pahabol pa niya na lalong ikinahiya ko. Naman eh! Bakit ngayon pa?! Nasobrahan ata ako sa Chocolate. Bwiset. Pagkatapos ko maglabas ng sama ng loob ay agad akong lumabas.
"BURA! MAGHANDA KA NA! IPAPAAMOY KO SAYO KAMAY KO! HAHAHAHAhahaha..." Napahina ang boses ko. Malamig na singaw lang ng aircon ang sumalubong sa'kin. Walang Bura na naka-ngiti at inaabangan ako.
"Bura? Asan ka? Labas ka na."
"Bura?"
Narinig kong bumukas bigla ang pinto."Bura!!" Salubong ko pero yung babae kanina ang nakita ko. Alalang alala ang mukha niya. Anong nangyari?
"Ma'am okay ka lang po?" Tanong niya kaya tumango ako. "Mabuti naman po. Narinig ka po kasi namin na sumigaw kaya nag-alala po kami."
"Nakita nyo ba yung kasama ko na lalaki kanina?" Pagbabalewala ko sa sinabi niya. Asan si Bura?!
Napakunot noo siya at dahan dahang umiling."W-wala po kayong kasama kanina."
"Ha? Eh andito si Bura kanina! Sabay pa kaming kumain!" Sabay turo sa table na madaming plato na marumi. Biglang tumunog ang phone ko kaya dali dali ko iyong kinuha sa clutch ko at sinagot.
"Bura! Asan ka ba? Bakit mo ko iniwan dito-"
"Hija.." si tito..
"Tito! Napatawag po kayo?"
"Hija.. S-si Charlie.." Humagulgol si Tito sa kabilang linya kaya nataranta ako.
"A-ano po nangyari kay Charlie?!"
"..."
"Tito! Please! Answer me!" Naiiyak na ako.
"H-hija.. W-wala na s-siya.. wala na si charlie.. wala na ang a-anak ko.." sagot niya kaya dahan dahang tumulo ang luha ko sa pisngi ko. No no no.
"HINDI! HE'S ALIVE! ANDITO SIYA KANINA! MAGKASABAY KAMING KUMAIN! BUHAY SIYA!" MyGod! Charlie!
"Hija.. P-patay na siya.. Kanina pa kita tinatawagan bago mag alas'otso pero hindi ka sumasagot.. Im sorry Hija.. But Charlie's gone.." In-end ko agad ang tawag at napahagulgol na lang. Charlie's not dead! He's here!
"M-ma'am.." Napa-angat ang titig ko sa babae. May inabot siyang papel. Kinuha ko iyon at binuklat.
Hi Takaw!
Alam kong habang binabasa mo 'to umiiyak ka. Sorry. Sorry, kasi wala ako sa tabi mo at pinupunasan ang pisngi mong basa. Sorry, kasi hindi ko tinupad yung pangako kong hindi kita papaiyakin. Sorry. Sorry.
Do you believe in miracle, Taks? Because i do. Milagro na nakilala kita. Milagro na minahal mo ako. Salamat sa Dalawang taon, taks. Salamat.
I thank God kasi binigyan niya ako ng One last hour para makasama ka. Para ma-celebrate ang 2nd Anniversary natin.
May hiling ako sa'yo. Sana maging masaya ka. Mahahanap mo din ang taong para sa'yo. Pasensya na kung hindi ako mananatili sa tabi mo. Pero wag kang mag-alala. Sasamahan kita. Babantayan kita, kayo nila Daddy. Oo pala, pasabi kay Dad na I love him.
So, yeah.. Hindi ako magpapaalam. Kasi kapag nag-paalam ako ibig-sabihin 'non iiwan kita. Alam mo namang ayaw ko yung mga ganon. Drama kasi, haha joke lang.So yun, Hindi kita iiwan. Pangako 'yan. Wala 'man ako diyan sa tabi mo lagi mong tatandaan na babantayan kita kahit saan. Kahit sa banyo pa eh! Hahaha..
Madami pa akong gusto sabihin. Kaso hindi ko na kaya. Ilang minuto na lang ang natitira sa oras ko. Ingat ka, tanga ka pa naman. Sorry ulit kasi iiwan kita dito sa resto ng mag-isa.. Pasensya na.. Pero wag kang magalala di ka mapapahamak..
I Love you Takaw.. Always and Forever.. Sign out na'ko. Tapos na ako. Always remember that you can always talk to me whenever you want. Kahit wala na ako sa tabi mo. Lagi mong isipin na andyan pa din ako. I love you. 1-4-3. Saranghae. Mahal kita. Till' we meet again. Kaso sa kabilang buhay na, de' biro lang.
I LOVE YOU!!!! SOBRA SOBRA! WAG MO KONG KAKALIMUTAN AH! MUMULTUHIN KITA PAG KINALIMUTAN MO KO, SIGE.
Pagkatapos ko basahin ang sulat ay nang-hina ako. Hindi pa nya ata natapos ang sulat. Pag-angat ko ng mukha ko sa isang lugar nakita ko sya sa Malayo. Nakangiti siya sa'kin at kumaway.
"Charlie.."
"Love Always, Charlie.." basa ko sa bibig niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
You will be my One and only Bura in my life, Charlie.. Till we meet again.. I love you so much.
Love Always,
Charity.._______________________________________________________________________________________________
Patt's Note!
Hi Guys! Thanks for Reading my first ever one-shot! Im so proud of myself kasi SINIPAG AKO! Nakailang draft din ako ng mga OneShot pero ni-isa wala akong naipublish Hahahaha.. So yeah.. Sorry if lame.. Hehehehe..
I LOVE YOU GUYS! THANKS FOR READING CHARLIE'S STORY!
ardenteum's signing out! Peace out mga betlogs!