Chapter 14: Reunited

7 0 0
                                    

IAN'S POV:

Habang nagbabasa ako ng libro sa kwarto ko kasama si Ate, Biglang may tumawag sa intercom.

{Sir. May bisita daw po kayo. Should I let her in?} Bisita? I'm not expecting one today. Pero 'Her'? Babae?

"Sino daw siya?"

{Arrianne Buenavista daw po sir. She wants to talk to you.}

Teka.. Anong ginagawa niya dito? Aawayin na naman ba niya 'ko? Pero baka may importante kaming pag-uusapan? Aish. Bahala na nga.

"Sige let her in. Padiretsuhin mo sa garden." And inend ko na yung usapan.

Hanggang ngayon nacucurious ako kung anong paguusapan namin.

"Are you sure you want to talk to her?" Tanong sakin ni Ate. Hindi ako magdadalawang isip na kausapin siya. I still love her. She's important to me.

"Yes ate. And kahit ano namang sabihin niya sakin.. I'll still accept it no matter what." Napangiti sakin si Ate atsaka tumango. Kumuha ako ng Gray shirt tapos blue black jeans. Dumiretso ako sa CR para magpalit ng damit.

Pagkatapos ko, Lumabas na ko ng kwarto ko. Naabutan ko pa si Khristia na nakatulala sa may sala pagkababa ko. Nabaliw na ata sa sobrang sama ng ugali niya.

Pagkalabas ko ng bahay, Kinakabahan ako. Ano kayang sasabihin niya sakin? Nakakaalala na kaya siya? Imposible naman yun. Pero tae.. Bakit kaya siya nagpunta dito?

Pagkadating ko sa garden, Nakaupo si Arrianne sa may table set. Nakatalikod siya sakin kaya di niya ko nakita.

Inhale.. Exhale.. Hooo. Kaya ko to!

Lumapit ako sa kanya atsaka umupo sa tapat niya. Ngumiti siya sakin. I missed that smile. Pero parang may mali ehh.

"Uhh.. Hi." Medyo naiilang na sabi niya sakin. May problema talaga siya. I can see it in her eyes.

"May problema ba?"

Bigla siyang umiyak sa harapan ko. Seeing her like this breaks my heart.

"I just want to say sorry. Sorry kasi napahiya kita no'n tapos inaway pa kita sa may mall." Why is she saying all these things?

Lumapit ako sa kanya atsaka ko pinunasan yung mga luha niya. I can't stand seeing her like this.

"Shh. It's okay. I understand kung bakit mo nasabi lahat 'yon." Nagulat siya sa sinabi ko.

"Alam mo na may amnesia ako?" I nodded. I can't lie to her.

"Matagal na kitang pinapahanap. 2 years na actually. Nung nakita kita no'n sa mall, Nabuhayan ulit ako ng loob. I hired a private investigator para makita ulit kita. Nung last week ko lang nalaman na may amnesia ka." Niyakap niya ako after ko sabihin 'yon. I missed her. I missed her hugs, Her kisses. Everything about her.

I hugged her back. This is the only way I know to comfort her.

"Thank you for your efforts. But I have one request.." Napalayo ako sa kanya ng onti tapos hinawakan ko yung mukha niya. I can see sadness into her eyes.

"What is it?"

"Please... Help me remember everything." Umiiyak pa din siya. Napangiti ako sa sinabi niya. So, She's really willing to do everything just to get back her memories.

"Don't worry. I will." Ngumiti siya sakin atsaka niyakap ulit ako. Alam ko na nararamdaman niya na safe siya sa akin.

Don't worry Arrianne. I'll do everything for you.

ARRI'S POV:

Niyakap ko si Ian. I feel safe whenever I hug him.

Pinunasan niya yung mukha ko. I can feel my heart beat fast. Could it be?

His Amnesia GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon