Chapter 3: Forget or Die?

38 8 5
                                    

Damon's POV

My wish?

"M-my wish?" Tanong ko na parang naguguluhan.

"Yes, my dear Damon. This is your wish." Sagot niya saka niya ko hinawakan sa pisngi.

Natulala na ako sa kanya. Pilit kong iniisip kung ano bang nangyari. Biglang sumakit ulit ang ulo ko. Napikit ako sa sobrang sakit.
.
.
.
.
"Damon... Damon!" Narinig kong tinig mula sa isang babae.

... patuloy ang pagtawag niya sa'kin. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko si Kate na pilit kumakawala sa lalaking may hawak-hawak sa kanya palayo. Gusto ko siyang tulungan nginit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pilit niyang inaabot ang kamay niya sa akin at sumigaw ng hindi ko maintindihan.

Pinilit ko din na abotin ang kamay ngunit masyado kami malayo sa isa't-isa. Pinilit kong intindihin ang mga sinasabi niya pero hinahatak palayo siya nang palayo sa'kin...

"Kate..." Bulong ko.

Nang nawala na sila sa paningin ko. Humagulgol ako at bigla kong nakita ang libro na ibinigay niya sakin.

"Proprotektahan ka niyan. Humiling ka lang at ibibigay niya. Basta humiling ka mula sa*tinuro niya ang puso ko* puso mo." Tanda kong sabi niya.

"Hoy, kung totoo ang sinabi ni Kate t-tungkol sa'yong libro ka. P-Please Ibalik mo ang lahat sa dati! Nagmamakaawa ako..." Saka ako lalong na paiyak.

Natawa ako bigla nang na-realize ko na kinakausap ko ang walang buhay na libro. At the same, umiiyak dahil wala na talagang pag-asang bumalik ang lahat sa dati. Hihintayin ko na lang bang mamatay ako? 'Di bale marami ng dugo ang nawala sa'kin at ang masakit pa hindi ko na makikita si Kate. Dahan-dahan ko ng pinipikit ang mga mata ko.

"Is that what you are really wished?" Rinig kong salita.

Kaya kusang dumilat ang mata at tumingin sa libro. Sasagutin ko ba o imagination ko lang 'to?

"Y-es" Sabi ko na lang.

"As you wish, master."
.
.
.
.
Tama siya ito ang kahilingan ko ang bumalik sa dati ang lahat.

"Hindi ba ito ang gusto mo? Ikaw at ako magkasama habang buhay." Sabi niya habang nakatitig sa'kin.

"Pero hindi ikaw si Kate..." Sabi ko.

"Oh, come on. Hindi ba sumagi sa utak mo na baka patay na siya?" sagot niya nalabis kong ikinagulat.

Pwedeng patay na si Kate...?

"What if the person you love the most is dead , makakaya mo ba?" sabi niya.

Makakaya ko nga ba?

"I make it easy for you, Damon. Just let me to let you forget this and I promise, everything that you ever wanted will come true." Tuloy niyang sinabi.

"I'll make you happy. No more pain." Dagdag niya.

no more pain...?

"Just-stay-with-me." Unti-Unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko.

Para akong manika dito na hindi makapagsalita at hindi makagalaw. Nahi-hypnotized ako sa mga sinasabi niya.

*bang!*

O.O!!!

M-may tumamang bala sa mismong sahig sa harapan ko! O.O

"If I were you, I would not believe her." Sabi ng isang babae.

Trinity Souls (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon