MY HEART IS YOURS (One Shot Story)
By SweetestMM [Former: @KoreanDamsel]
"Cassie, kahit anong mangyare lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita.
Lahat kaya kong ibigay at gawin para sa'yo Babe, ikaw lang ang minahal ko ng ganito.
Ang tanging hinihiling ko lang sa'yo, magpagaling ka at bumalik ka agad dito.
Huwag mo akong kakalimutan ah? Magpromise ka Babe!", sabi ni Ace habang tumutulo ang mga luha niya.
"Mas mahal na mahal kita Ace! Huwag ka nang umiyak, baka maiyak din ako! Dapat strong tayo pareho Babe.
Aalagaan ko ang sarili ko,kapag malakas na ulit ako, as soon as possible babalikan kita agad.
Kaya ikaw lagot ka sa'ken kapag bumalik ako at may nabalitaan akong nang chix ka!"
"Of course not! Aantayin nga kita eh. Don't worry my heart will always be yours Cassie..
My heart is yours.. Iloveyou Cassandra..."
With that, he kissed me on my lips ang hugged me tightly...
----
Ang sweet ano? Pero wala yan! Alam ninyo ba kung bakit? Kasi yan ang mga huling salitang binitawan namin ni Ace sa isa't isa.
Si Ace Sanchez ang lalaking pinakamamahal ko na bigla na lang akong iniwan.
Magkasintahan kami sa loob ng 5 taon pero naging madali pa rin sa kanya na iwanan ako at ipagpalit sa iba.
Nabalitaan ko na lang na sa Australia na daw siya namamalagi kasama ng pamilya niya.
Ang sakit nga sobra eh. Tinupad ko yung pangako ko na bumalik agad dito, pero wala na pala akong babalikan.
Mas masakit pa dun sabay daw silang umalis ng kababata nyang si Alexa.
Since then, Alexa loves Ace so much. And Ace consider Alexa as his girl bestfriend. Kaya di na rin ako nagtaka na nagkagustuhan sila
nung mga panahong nawala ako.
Alam ninyo ba ginawa ko ang lahat ng paraan para makita ko ulit siya, pero paano ko nga naman makikita ang taong ayaw magpakita?
Halos isang taon na rin ang nakalipas simula nung gumaling ako at iwan niya ako ...
Oo, tama ang nabasa niyo. Inoperahan kasi ako sa ibang bansa, may problema kasi ang puso ko ...
Diniretso na agad ako ng Daddy ko sa magagaling ng doktor sa ibang bansa para daw gumaling agad ako kaya nagakaroon ng
dahilan si Ace para ipagpalit ako...
Minsan naisip ko nga sana hindi nalang ako nagpagamot kasi pareho lang naman, nasasaktan at nasasaktan ako.
Pero ganun pa man, mahal na mahal ko pa rin talaga si Ace.
-----
Habang naglalakad ako sa village namin, natanaw ko ang bahay nila Ace ...
may ilaw, bukas ang gate at mukhang maraming tao?
Hindi kaya't bumalik na siya? Maari kayang ito na yung oras na inaantay ko?
Yung oras para magkabalikan kami?
Kinakabahan ako... Bakit ganito ang nararamdaman ko...
Lumapit pa ako sa bahay nila...
Malakas talaga ang pakiramdam ko na magtatagpo kami ngayon ni Ace ...

BINABASA MO ANG
My Heart is Yours
Fanfiction"Paano ka ulit sasaya at makakapag simula kung puso mo ang nawala?" SweetestMM's My Heart is Yours, a one shot story that will surely make you cry Published: March 26, 2013 [from my old account, @KoreanDamsel]