Prologue

6 0 0
                                    

"Wahhhhh! Elijah my labs! Bebe kho! Oh may gahddddd!" Tili ko habang nakita ko ang picture ng portrayer "DAW" ni Elijah. Ayaw daw kasi ni Ate Jonah na may portrayer characters niya. Ika nga "It ruins our imagination.". Charot.

So yun nga. Meron daw sakit si Elijah Beybe ko. Omaygas. Wait lang Ej baby. Papunta na ako. Magbibihis na ako. Pano ba pumunta sa fictional world? Afford ko lang kasi jeep eh.

Haysstt. Asa pa more Weira. Weirda ka nga kasi diba? Hayyy.

Sana ipinanganak akong fictional character. Para kahit papaano may pag-asa kami ni Elijah Honey ko. Tsk. Ang saklap talaga ng buhay. Laging sa fictional world ipinapanganak ang mga gwapo at hot na lalaki. Masasabi kong hot din ang mga kapitbahay kong lalaki, kasi dala nila impyerno.

Peace na lang para sa mga kapitbahay kong mukhang bangkay. Wala talaga sila kay Ej hay. San kaya ako makakahanap ng Elijah Montefalco sa mundo na puro Kokey lang? Meron ba nian sa Tinder? O sa Omegle? Sabihin niyo lang nako.

Gumala muna ako sa kadahilanan na lalandi daw ang echosera kong girlfriend na si Rat. Oo daga siya. Wadapak.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para mag-ayos. Yung bff ko lang naman ang may ka-eyeball at hindi ako. Duh. Ni hindi na ako nag-deodorant kasi naubos na. Pano ba naman kasi, akala ng kapatid ko cream sa mukha yung deodorant. Jusko. Naubos tuloy. Hindi naman siguro ako mangangamoy mamaya.

Pagkalabas ko ng aking kwarto ay agad tumambad sa akin ang bff kong may malalaking hikaw at take note, para siyang manang sa damit niya. Ano bang iniisip nito? Sabog na naman ata.

"Oy. Rat. Ano yang suot mo? Pfft." Humagalpak ako ng tawa. "Wala na tayo sa 90's dude." Sabay tawa uli.

"Eh eto kasi yung tipong babae nung ka-eyeball ko eh. Sabi niya gusto niya ng old soul, edi nagpaka-manang ako." putek. Hindi ako makahinga kakatawa.

"Bahala ka sa buhay mo. Halika na nga. Manang! HAHAHAHAHA!!!" syet. Kelan kaya mauubos tawa ko?

Bumyahe na kami papunta ng mall. Nothing special happened. Maliban lang doon sa date ni Rat. Sheteng inames. Ang panget nung kadate niya. Aware ba siya na panget talaga yung lalaki?

Lemme describe him.

√ Gulo-gulong buhok
√ Sungki sungki na ipin
√ Sangkatutak na pimples
√ Buhok na lumalabas na sa ilong
√ Magkadikit na over sa kapal na kilay
√ Over sa laki na eyeglasses. Not the nerdy one. Yung parang kay Harry Potter pero mas malaki pa doon.
At
√ Basahang damit

Who would dare date that guy? Suot pa lang niya mukha na siyang taong grasa? Wait. Baka taong grasa talaga siya? Kasi naman. Yung damit niya, ang lakas magputi tapos parang yellowish yung sa collar. Then meron pang mga kulangot doon sa laylayan. Yuck. No wonder kung sipon yung nasa collar niya. Dahek. Ang panget talaga ng taste ng bff ko. Bakit ko ba siya naging bff? Too late to realize Weira.

"Bes. Eto nga pala si Elijah." What the effin heck? Binabastos ba niya ang pangalan ni Elijah? I would kill him for having that name.

"Wait lang bes ha? Please explain to me yung mga jokes mo kasi hindi ako natutuwa." sabi ko habang nakatingin kay "Elijah".

"Anong jokes? Ni hindi ko nga alam yung pinagsasasabi mo eh." sabi ni Rat

"Hindi mo alam? Eh yung kasama mo pa lang na guy joke na eh. Seryoso. San mo nahanap yan? Wag mo sabihing sa..." bigla akong nashock.

"Bes. Ang sakit mong magsalita. At tska hindi siya galing doon. Inosente siya bes." sinabi ni Rat ng mahinahon.

"Tsk. I don't even know what you liked in that guy. You're driving me nuts, Rat!" sabi ko sabay walk-out.

I don't effin care anymore. That guy ruined my day. Not just my day but also Elijah's name! How could he stand having a name of such a precious guy to me?! I would kill him for making Elijah's name dirty. I pr---

"What the effin heck?!" sigaw ko dahil natapunan lang naman ako ng kapeng mainit. Ughhhh. Ang lagkit at shet. Ang sakit.

"Hey miss. Okay ka lang? Tatanga-tanga kasi eh." sabi nung lalaking nakabangga sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko ngunit di ko tinanggap yun. Tumayo ako mag-isa at tumalikod siya sa akin.

"I don't need your help! So ako pa ang tatanga-tanga ngayon? Ako na nga yung natapunan ng masamang kape pero ako pa rin ang tanga? Ano? sumagot ka! Wag mo nga akong tinatalikuran? Nahihiya ka? Ano? Sino ngayon sa atin ang---" naputol ang sinabi ko nang buhusan niya ako ng malamig na tubig.

"What the fuckin fuck?! Ginagago mo ba talaga ako?!" At that time ung pasensya ko nilipad na ata sa Africa.

"Chill. Ang init ng ulo mo. Pinalamig ko lang ng onti. Pati yung natapon sayong kape, baka kasi nagka-3rd degree burn ka na kaya kailangan maagapan agad. Oh? Bakit ka tulala diyan?"

Shete. Ang gwapo pala niya. Kamukha niya si Elijah ko. Omygod. Don't tell me.

Siya na ba ang ELIJAH MONTEFALCO ng buhay ko? Kyahhhh!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A WATTPADER'S OWN LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon