Storm #2

9 2 0
                                    

[AN: Hi. First time kong gumawa ng story at hindi ko alam kung saan papunta to. Hahaha actually ginawa ko lang to out of boredom. Wala akong matinong story line na naisip para dito. Favor naman oh? Can you leave comments below? Kahit ano. Haha, thank you!]

-------

CHAPTER 2
-Stranger-

[Min Tori]

"Kanina pa siya tulog. Noong isang araw ka pa niya hinahanap, nag-aalala siya sayo. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Auntie.

Tinitigan ko ang mukha ni papa. Masakit para saakin ang makita siyang naka-higa sa isang hospital bed, nanghihina. Kung pwede lang sana mapasaakin ang lahat ng karamdaman niya. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. Tipong ayaw ko siyang mawala palayo saakin.

"Busy lang sa school." Pagsisinungaling ko. Matagal na akong tumigil sa pag-aaral. Sariling desisyon ko iyon. Ayokong magsayang ng pera dahil wala naman akong ibang ginawa sa paaralan kundi magbulakbol.

"Ganun ba? Mabuti naman at nagkaroon ka ng bakanteng oras ngayon." Aniya. Ngumiti lang ako.

Umaamo ang mukha ko kapag nakikita ko ang mukha ni papa. Kahit sinong anak naman siguro na nakikitang nanghihina ang kanyang ama ay lubos na nasasaktan.

Kaya ayokong pumunta dito eh. Nasasaktan lang ako. Gusto kong umiyak pero ayokong magmukhang mahina sa paningin ni Auntie o ng ibang tao. Pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko. Masakit isipin na wala kang magawa kundi hintayin na lamang na maging maayos ang karamdaman ng ama mo- na mukhang malabo ng mangyari.

Hindi ko na naiwasan. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi. Agad ko iyong pinunasan. Mabuti na lamang at hindi ako nakita ni Auntie dahil nasa likod ko siya ngayon at may kung anong inaayos.

Tumingin nalang ako sa sahig habang hawak parin ang kamay ni papa.

'Wag kang panghinaan ng loob, Min. Sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa. Magdasal ka nalang ng magdasal hanggang sa bumuti ang karamdaman ng iyong ama. Okay?  Bulong ko sa aking isip.

"Min, lalabas lang muna ako saglit. May bibilhin lang ako." Nabaling ang atensyon ko kay Auntie. Tumango nalang ako at nginitian siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakita ko ang pagsara ng pinto.

"Min?" Nilingon ko ang pinagmulan ng boses. Gising na si papa. Pati ang boses niya ay sumisigaw ng kahinaan. Mukhang pagod na pagod. Namumutla rin ang labi niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang mapigilan ang pagluha. Nginitian ko siya.

"Pa." Sambit ko.

Ngumiti siya at sinubukang abutin ang mukha ko. Kinuha ko ang kamay niya at ako na mismo ang naglagay doon. Hindi ko parin inaalis ang pagkakahawak doon.

"Kumain ka na ba? Kamusta ka na anak? Ikaw nanaman ba ang nangunguna sa klase niyo?" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Kahit siya ang may sakit ay ako parin ang iniisip niya. Iniisip niya parin ang ibang tao kaysa sa sarili niya.

Kamusta ka na anak?

Wasak na wasak na ako, pa.

Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko kay papa ngunit ayaw kong madagdagan ang kanyang problema at baka lumala lang ang kanyang sakit kaya mas mabuting sarilinin ko nalang ito.

Tumango nalang ako kay papa. Gusto ko mang magsalita ngunit natatakot akong puro paghikbi ko lang ang maririnig niya. Hindi ko sinabi sakanyang matagal na akong tumigil sa pag-aaral dahil paniguradong mag-aalala lang siya. Magsisinungaling nalang ako kaysa mapahamak pa siya. Bawal sakanya ang sobrang ma-istress dahil maaari iyong makaapekto sa karamdaman niya.

"Anak, gusto ko lang malaman mo na proud na proud akong ikaw ang naging anak ko." Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko. "Hindi magtatagal, mawawala narin ako sa mundong 'to-"

"Pa! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!" Pasigaw na sabi ko ngunit tumawa lamang siya ng mahina.

Ayokong marinig yan pa, please. Wag kang sumuko.

Ibinaba niya na ang kamay niyang kanina'y hinahaplos ang aking mukha at tumingin lang siya sa itaas. Mukhang may malalim na iniisip.

"Kamusta na ang nanay mo?" Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

Hanggang ngayon ba naman, pa? Hanggang kailan mo ba iisipin ang ibang tao? Kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Kailan ka ba titigil sa pagmamahal sakanya? Hindi ko siya nanay, Pa. Iniwan niya tayo. Sinaktan niya kayo. Sinaktan niya tayo.

Napansin ni papa na hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko man sinasabi ay alam kong nararamdaman niya na hindi maayos ang relasyon namin ngayon ni Mrs. Tori. Binalewala niya ang unang tanong niya at nagtanong ulit.

"Sa susunod na linggo na ang kaarawan ng mama mo, anak. Anong ireregalo mo?" Nagulat naman ako sa biglaang tanong niya tungkol dito.

May 22. Araw ng kaarawan ni Mrs. Tori.

"Hindi po kailangan ng regalo kapag nagbibirthday." Sagot ko nalang.

"Anak, gusto ko sanang-"

"Oh, Lymuel, gising ka na pala." Dumating si Auntie bitbit ang isang grocery bag.

Kumunot ang noo ko.

Anong gusto? May nais bang bilhin si papa? Ano?

Itatanong ko sana ngunit biglang dumating ang nurse para tingnan siya. Hindi nalang ako umimik at nagdesisyong sa ibang araw nalang ito tatanungin.

Mabilis sumapit ang gabi kaya nagpaalam akong uuwi na ako. Hindi ako maaaring magpagabi doon dahil bukod sa kulang ang higaan para sa bisita, ay akala nila nag-aaral pa ako.

Kasalukuyan akong naglalakad sa subdivision namin. Malapit nalang at mararating ko na ang 'bahay' ni old man at Mrs. Tori.

Walang masyadong nangyari ngayong araw ngunit pakiramdam ko ay pagod n pagod ako.

Tumawa ako ng mahina.

Pagod naman talaga ako palagi. Mentally and emotionally.

Sandali akong natigilan nang pakiramdam ko ay may sumusunod saakin. Rinig ko ang yapak ng mga paa mula sa isang tao sa aking likuran. Bumalot ang takot at pangamba sa sistema ko sa pag-iisip na baka may gawin itong masama saakin. Wala akong dalang kahit na anong panlaban ngayon, putragis. Anong kailangan nito?

Unti-unti akong lumingon.

Para lang makitang walang taong nakasunod saakin.

Weird. Ano yung narinig ko? Imagination? Weirdo na ba ako? Eto na ba epekto ng mga nangyayari sa buhay ko?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko ngunit naramdaman ko ulit na may sumusunod saakin. Mas binilisan ko ang aking paglalakad at ramdam kong mas binilisan rin ng sumusunod saakin ang kanyang paglakad.

Then realization hit me.

Why would I be scared because of someone?

Ni hindi nga ako takot mamatay. Sa dami ng nakakatakot na pangyayari sa buhay ko, ngayon pa ba ako matatakot?

Tumigil ako sa paglalakad, bumuntong-hininga at ibinulsa ang aking mga kamay.

"Show yourself, person."

After The StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon