Umaga. Yan ang aking nabungaran sa pagmulat ng aking mga mata.
Umaga. Panibagong araw, panibagong petsa, ngunit para sakin pareho lang, ganoon pa rin ang nararamdaman parehas pa rin ang patutungahan.
Umaga. Anong meron sa'yo? Bat pinakahihintay ka ng nakararami? Palagi kong naririnig na 'sana umaga na' bakit pinakamimithi ka ng iilan? Dahil dulot mo ba'y panibagong pag asa?
Alam ninyo kung ano ang umaga para sa'kin? Pagkukunwari. Isang bagong araw ng pagkukunwari. Na master ko na nga ata yan. Papasok sa trabaho, magkukunwari na okay ang lahat. Makikipagusap sa katrabaho, makikipagtawanan, makikipagbiruan na animo ayos lang lahat, na wala akong nararamdaman, na maayos ang disposisyon ng aking kaisipan. Magaling umarte na parang di ako apektado, na parang balewala lang ang lahat.
But when darkness falls into the sky, it also falls into my soul, it clouds my emotions, and i embrace it. I like darkness. Coz I can be myself in the dark. There's no need to pretend, no one can see me, no one but me.
I let myself fall in the dark, i let go of all the emotions im hiding inside. I cry, i curse, i say all the things i wanted to say, in the dark until im empty.
Sana lagi na lang gabi, sana lagi na lang madilim.~ zen ~
BINABASA MO ANG
TBA
Non-FictionHave you ever experienced death? Malamang hindi pa. Kasi kung naranasan mo na, di mo na yan makwekwento pa. How about near death experienced? Malamang di rin, kasi di mo nga na experienced ang mamatay, pano mo malalaman na near death un? Pero alam...