NP: Goodbye by Secondhand SerenadeGoodbye. Paalam. Paglisan. Pag alis. Nagawa mo na ba yan? O nasabi? O naranasan kaya? Ikaw ba ung nangiwan? O ikaw ung iniwan?
Hah! Lahat yan danas ko. Pero lam mo kung ano ung masakit? Ung di mo alam kung bakit. Ganun naman di ba? Bakit sila umalis? Bakit ako iniwan? Lagi na lang akong napapaisip eh. Sila kaya napapaisip din? Tingin nyo? Parang wala akong halaga.
Pero mas ok na ung magkahiwalay, kesa mabuhay kami sa kasinungalingan at puno ng pagkukunwari. Mas magkakasakitan pa kami pag ganun. Umalis siya, di ko pinigilan, tinanong ko lang kung bakit, lam mo ung sagot niya? Di niya raw alam! Ang galing ano po? Kaya kesa naman abalahin ko pa sya sa mga pagsisinungaling nya at baka kung anu-anong kwento pa ang mahabi niya, eh umoo na lang ako. Huwag ipilit ang sarili sa taong ayaw na sa'yo kasi mas masasaktan lang.
Parang ang bilis ko lang tanggapin di ba? Hah! Madali lang kung sasabihin yan, pero ang hirap isabuhay. Naging bahagi na siya ng sistema ko. Pero wala eh, ganon yata talaga. Siguro iniisip nyo bat di ko na pinaglaban? Hahaha. Antagal na panahon na kong lumalaban, it's time to raise the flag.
Hindi lang minamahal sa buhay ang nagpaalam sakin, marami sila parang sabay sabay pa nga. Ung iba nga naglaho na lang bigla. Minsan talaga napapaisip ako eh, ako yata talaga ang may diperensya. Kaya minsan talaga mas masarap na lang kasama ang sarili eh, at least di ka iiwan. Kung nasan ka man andun din sya. Hahahaha.
Sa mga nang iwan sakin, may you find your HEA!~zen~
BINABASA MO ANG
TBA
Non-FictionHave you ever experienced death? Malamang hindi pa. Kasi kung naranasan mo na, di mo na yan makwekwento pa. How about near death experienced? Malamang di rin, kasi di mo nga na experienced ang mamatay, pano mo malalaman na near death un? Pero alam...