Hear it (One-shot)

47 5 0
                                    

Naka-upo ako sa taas ng puno nang may narinig akong boses.

"Get out. This is my teritory." mahinahong sabi nang isang lalaki, tinignan ko muna siya ng ilang segundo bago bumaba.

Ako si Ash 16 years of age. Isang simpleng babae na walang ginawa kundi tumahimik. 'Pipi', yan ang bansag sakin dahil hindi ako nagsasalita. Simula noong pumasok ako sa eskwelahang ito ay wala pang nakakarinig sa boses ko. Hindi din ako nagre-recite pero pumapasa naman ako dahil binabawi ko to sa quizes at iba pa. Pagtinatanong ako, iiling lang ako o kaya tatango lamang ako.

Nang pumasok ako sa room, bigla silang naging tahimik ng ilang segundo at muli nanamang nag-ingay. Umupo na ako sa upuan ko at umubob nalang dahil wala pa namang teacher. Napaangat ako ng ulo ng may maramdaman akong kumalabit sakin. Yung lalaki, kaklase ko pala to? Hmm. Binigyan ko lang siya ng isang nagtatakang tingin.

"ID." sabi niya sabay lahad ng kamay niya na may ID, tinignan ko naman ito at nakita ko ang pangalan ko. Oh, baka nalaglag to noong tumalon ako sa puno kanina. Kinuha ko ito at tumango sa kanya na para bang nagpapasalamat ako.

Nabigla ako noong hinatak niya ako, papunta kami sa...rooftop? Ano kayang pakay nito? Pagkarating namin dito agad niyang isinarado ang pinto. Oh my? May binabalak ba siya?Hindi kaya...

"Speak." napatigil ako sa pagiisip at tinignan siya ng matagal bago umiling. Ayoko. Baka...baka magalit siya.

"I said speak!" nagulat ako nung sumigaw siya. Ano bang problema niya? Ayoko ngang magsalita, bakit ba nagagalit niya? Hindi naman kami close.

Tumalikod nalang ako sa kanya at nagsimula nang lumakad palayo.

Pero, simula nung araw na 'yon ay hindi na niya ako nilubayan. Kinukulit niya ako palagi na magsalita ako. Nakipag-kaibigan pa siya sakin. Maraming nagalit dahil sikat pala siya, sikat? Eh bakit hindi ko siya kilala noon?

Isang araw habang nasa park kami at nakaupo sa bench, tinanong niya ako.

"Bakit ba ayaw mong magsalita? Pipi ka ba talaga?" sinagot ko lang siya ng isang tingin at iling. Napabuntong hininga nalang siya.

Biyernes ngayon. Habang naglalakad ako sa hallway, may humarang saking tatlong babae. Clowns, pft. Fangirl niya ata tong mga to.

"Ang baba naman pala ng taste ni Levi. Isang Pipi? What the? O baka naman ginayuma mo siya?" as usual, tinignan ko lang sila. Ginayuma?Really? 21th century na pero ganyan parin ang mga linya nila. Nakaka tatlong hakbang palang ako ng bigla niyang hatakin ang buhok ko at hinila ako sa kung saan.

Napunta kami sa...locker room. Pagkapasok namin doon, ni-lock agad nila yung pinto at tinulak ako na siyang dahilan para mapaupo ako. Napatawa na lang ako ng palihim, hindi ko aakalain na mararanasan ko 'to na nangyayari lamang sa mga palabas. Patayo pa lang sana ako ng bigla akong sipain sa tiyan nung mukhang leader nila. Namilipit ako sa sakit pero wala pa ring lumalabas na kahit anong tunog o ungol mula sa bibig ko. Hindi nila ako mapipilit.

Pagkatapos nila akong sipain ng ilang beses. Sinabunutan ako ng leader nila para itayo.

"Grabe ka rin ano? Sinasaktan kana't lahat, wala pa ring lumalabas dyan sa bunganga mo. Siguro pipi ka talaga. Kung ayaw mo ng maulit pa 'to, wag na wag mo ng lalapitan si Levi kahit kailan!" nakita kong itinaas niya ang isa pa niyang kamay at akmang sasampalin ako kaya napapikit na lamang ako. Ilang segundo ang lumipas at wala pa rin akong nararamdamang malakas na pwersa sa pisngi ko.

"Leave her alone or else." napadilat ako dahil narinig ko ang isang pamilyar na boses. Levi. Hawak niya yung kamay nung sasampal sakin at halatang mahigpit ang pagkakahawak niya. Nakita kong nagpupumiglas yung gustong sumampal sakin sa pagkakahawak ni Levi sa kaniya.

Hear it (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon