Bibe at Isha; Ang unang storya

9 0 0
                                    

"Isha maglaba ka na ako na bahala dito" sabi ng nanay ko habang inaabot saakin ang isang batcha ng mga labahin.

Ito nanaman tayo

Tumango na lang ako saakin ina at kumuha na ng gamit panglaba, dahil wala din namang patutunguhan kung makikipagtalo pa ako. Lumakad na ako papunta sa ilog baliktaran.

Kung swiniswerte ka nga naman

pagdating ko kasi sa may ilog ay walang tao, maaliwalas at kalmado ang ilog kaya nakakapang anyayang maligo dito.

Binilisan ko ang panglalaba ko para makapaligo ako sa ilog.

Habang nagflofloating ako ay di inaasahan na mabangga ang ulo ko sa isang matigas na bagay

Putcha okay na e! Istorbo naman 'to!

Tinungkod ko ang braso ko sa kawayan na pinag untugan ko. Sisigawan ko na sana yung lalaking nakahiga ng mapansin kong nakapikit ang mga mata nya

Wow naman, ayos trip nitong si kuya ah!

inirapan ko sya at nagmemake face sa kanya, kebs lang hindi naman nya makikita kasi nga borlogs sya

"Peste ng dahil sa'yo nasira ang moment ko" muli kong inirapan ang lalake at tinulak palayo saakin

Pero agad ko naman syang hinila pabalik ng may nakita akong kung ano sa bibig nya

Kukunin ko sana baka kasi kung mapaano sya, kahit naman na sinira nitong pogi na 'to ang moment ko ay hindi ko matetake na machukchak chenes sya dito, edi matatakot na akong maglaba dito.

Kinuha ko na kung ano man yung nasa bibig nya at nilagay sa isang bato. Pagbalik ko ay nakatayo na sya at nag strestretching, infairness naman sa kuya mo at may tumitindig at sumusulong na abs at biceps. Napatingin naman ako sa baba at hindi ako makapaniwala, yun ba ang tinatawag nilang

"Mo-mor-morning gl-glory?" di ko napansin na nasabi ko yun ng malakas at nakaturo pa ako sa kanya

Bago ko pa malubog ang sarili ko ay nakita nya na ako, nahuli nya ako na nakatingin sa glory nya

Napalunok nalang ako at ramdam na ramdam ko na ang matinding kahihiyaan

"S-sorry po, bye!!!" agad akong nagiwas ng tinggin at lumangoy palayo ng kaunti at napatigil ako ng maranig ako ng malakas na paghampas sa tubig at ang pagsigaw ng isang lalake

tumingin ako sa gawi ng poging lalake kanina at nakita ko na wala na sya sa kawayan kaya sumisisid ako pailalim at dun nakita ko ang lalake na pinakawalan ang huli nyang hininga

Agad ko syang hinila pataas at itinaas ang kalahati ng katawan nya sa kawayan habang humiga naman ako sa tabi nya habang hinahabol ko ang aking hininga

"Miss okay ka lang ba? Miss nasaan ako? Wala akong matandaan, everything's a blur to me, what happen do I know you?" sabi nya in his very husky voice sumunod pa ang mga malalim na hininga nya

Umupo na ako at tinapik tapik ang dibdib ko, trying to pump the oxygen for it to circulate faster

Huminga ako ng malalim and steady myself

Binaling ko sa kanya ang tingin ko
"Pwedeng isa isa lang ang tanong, mahina yung kalaban e"

Naghands up sya at ako naman humiga muli

"Di ko alam kung bat wala kang matandaan, basta naabutan lang kita dito ng palutang lutang so literal na hindi mo ako kilala, we barely know each other and lastly" umupo na ako at huminga ng malalim

"Please to meet you, ako nga pala si Patricia at your service" at pabiro ko pa syang sinaluduhan

Ilang segundo pa at nakatulala lang sya saakin

Can't be movedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon