King Reinhardt at Queen Patricia; Ang pangatlong storya

8 0 0
                                    

Ito na ang araw na pagtatanghal kay Ella bilang tagapagpamuno ng buong bansa

ang araw ng katuparan ng mga plano namin

Sa kalagitnaan ng panunumpa ni Ella ay biglang dumating si Pauline

"Itigil ang seremonyas na ito" sigaw ni Pauline at nag galit na nagmartsa papunta sa harapan at kinuha ang mikropono

"Hindi sya ang karapat dapat na mamuno sa bansang ito" hinila nya ang kwintas nya at tinaas nya ito

"Ako ang karapat dalat sa pwesto dahil ako ang nawawalang anak ng namayapang prinsipe Bet!" Napasinghap naman ang mga tao sa nakikita nilang kwintas

Agad na umalis sa kinauupuan ang kataas taasang konsul at wari'y sinusuri ang kwintas

"Totoo nga! Sya ang nawawalang prinsesa ng greenland,anak ng mahal nating namayapa na prinsipe" anunsyo ng konsul

"Gayun pa man ay hindi parin sya mahahatulan na reyna ng greenland sapagkat hindi lamang sya ang nagiisang taga pwedeng mamuno sa bansang ito. Matatandaan na may naging anak din ang mahal natin na si prinisipe Log." Anunsyo ng konsul ng Timog

"Papatunayan ko sa inyo na ako ang karapat dapat na mamuno ng greenland at wala ng iba pa, bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama!" Sigaw ni Pauline

Napapikit ako ng mariin habang pinapakinggan ang mga salita ng konsul ng timog at ni Pauline

Dahil ako ang anak ni Prinsipe Log ng Greenland at Reyna Elisha ng Sponge aisles

Ng malaman kong ako ay isang prinsesa ay nanibago ako, madalas din akong nasisigawan at umiiyak, nung mga oras na yun ay wala na akong hiniling kung hindi bumalik sa piling ng aking nanay Maria. Pero dumating sa buhay ko si Jhay and he make the unbearable things bearable. Sya din ang nag push saakin na pumasok ng military.

Sya din ang nagsikap na turuan ako sa mga lessons na hindi ko masyadong maintindihan at sya ang naging daan ko para palihim na makita ang nanay Maria ko at nakita kung gaano sya naghihirap

Dun nabuo ang loob ko para maging isang mabuting reyna ng greenland

Nung nalaman ko na si Pauline ang magiging karibal ko sa posisyon ay nanghina ang loob ko. Ayoko kasi ng nakikipag kompetensya sa mga kaibigan ko.

Matalik na kaibigan ko si Pauline at alam kong mabuti syang tao at may panindigan pero ipaglalaban ko ang karapatan ko biglang maging reyna.

Nagpapasalamat nalang ako at wala dito ang aking ina kung hindi ay ipapakilala nya na kaagad ako

Mabuti na siguro ang ganito para hindi mabaling saakin ang attensyon nila.

...

Sabay na kaming umuwi ni Ella at nagayaya pa syang mag-mall para daw mawala ang pagkabadtrip nya

"Manong pakibukas nga po yung radyo" sabi ko dahil nabibingi na ako sa katahimikan sa loob ng kotse

Habang pinapatugtog ang kantang photograph ay naiisip ko si Reinhardt at napapangiti ako nang alalahanin ko kung gaano sya ka protective at nagiging makasarili pagdating saakin ng matamaan ng mata ko ang isang nakahintong sasakyan

"Wait stop the car. Tulungan natin sya" agad na sabi ko.

Nakita ko naman ang mukha ni Ella na nakabusangot. Nagmamadali na tong mag mall tsk.

"I'll just check him. Stay put kalang this won't last long" bumaba na ako sa sasakyan at linapitan ang lalaking nagaayos ng sasakyan

"Excuse me anong problema ng sasakyan mo?" Tanong ko dun sa lalaking matangkad.

Can't be movedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon