Part 1

7 0 0
                                    

"Ms. Azralyne mag ready ka na mamaya tatawagin ang may top sa class." sabi ng mcee habang ini-sched ang pagkakasunod sa graduation practice.

Nasa backstage na kame at kinakabahan ako kase unang tinawag ang section namen para sa graduation practice at ako pa ang unang tatawagin sino ba naman ang hindi kakabahan nakatingin sayo ang lahat ng klase sa fourth year highschool tapos may bato pa sa stage pano kayo kung matapakan ko yun edi pahiya ako.

"Mam!" sigaw ko don sa teacher na nag tumutulong

"Oh bakit?" sagot nya

"Bakit po may bato don sa stage? Hindi po ba delikado yun?"

"Yung bato? May butas kase dyan eh hindi pa inaayos kaya bato yung ginamit kase para mabigat. Hindi delikado yan basta ayusin mo lang magready ka na ikaw na tatawagin."

"For the section 1-A. Top 1 Azralyne, Jhezica Rhaine B. our Class Valedictorian." naglakad ako ng straight, chin up and well smile at parang hindi kabado okay lang yan ifeel mo lang ang esence ng practice ienjoy ko na ---

*boooooooogsh*

"HAHAHAHAHA ANO BA YAN CLASS VALEDICTORIAN LAMPA." sigaw ng isang lalake from section 2-B at lahat ng fourth year students ay nagtawanan

Bumababa ako sa stage ng luhaan pano kase ang tanga ko. Sabi ko na eh matatapakan ko yung bato, bakit ba kase may bato? Epal naman yang bato na yan.

Nasa canteen muna ako ngayon lumalamon para maibsan ang sakit na nararamdaman ko sa dinami daming estudyante sa fourth year lahat sila nagsitawanan

"Bes okay ka lang ba?" sabay yakap sa akin
ni Jassmine na nag iisang bestie ko.

"Oo okay lang ako." sabay ngiti ko pa para hindi halata na malungkot ako

"Bes alam ko kung okay ka o hindi hayaan mo na yun atleast nalaman mo na ikaw ang valedictorian."

"Masakit Jas pinagtawanan nila akong lahat."

"Sus bes pabayaan mo na sila okay lang yan keri yan valedictorian ka kaya yan inas ang pinakamatalino dito na fourth year."

"Salamat Jas tinulungan mo ko."

"Okay lang yun bes lagi akong nandito para sayo. Pero bes ano" sabi nya na natatawa

"Ano?" sagot ko naman sa kanya

"Narinig mo yung nagsabi ng lampa sayo sa Stage?"

"Hindi ko narinig Jas."

"Eh kasi ano-" nauutal nyang sabi

"Ano ba yun Jas? Sabihin mo na naasar na ako tapos sinabihan pa ako ng lampa tss kung sino man yun humanda yun sa aken!" pangungulit ko sa kanya

"Crush mo diba si Karl Aziah"

"Oo alam mo naman yun diba since elementary days pa lang naten, bakit mo tinanong eh diba matagal mo ng alam yun?"

"Oo, kasi Bes si Karl yung--"

"SI KARL YUNG SUMIGAW? ANO SI KARL? ANO SI KARL BA YUN? SI KAAAARL BA?"

STILLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon