"Ayan na pala si Ms. Lampa." yan ang mga kadalasan kong naririnig ng pumasok ako sa practice room.
Masakit pero handa ko naman tiisin kase alam ko naman na mali ako.
"Jhezica may bato!!" sigaw ng karamihan.
"Huh saan?"
"Lampa na tanga!"
"Hahahahahahahaha""Tigilan nyo na sya please lang!" may isang lalakeng sumigaw para tigilan ako
Tinignan ko, huh si Karl?? Bakit naman nya gagawen yun? Eh parang kahapon lang sya yung sumigaw ng lampa ako -_-
"Tara na nga!" sabay hawak nya sa balikat hinila nya na akong papasok sa backstage.
Nahihiya ako sabihin pero kailangan kong magpasalamat sa kanya kahet na sya ang nagpahiya sa aken, ewan ko ba kung baket ako kinikilig don? Eh samantalang kahapon turn off na ako sa kanya? Jhezica wag ka magpahalata na kinikilig ka kahet na namumula ka! Magpasalamat ka na lang Salamat lang sasabihin mo. Ayan ang kanina pa bumubulong sa isipan ko, sige na nga mag thank you ka na.
"Te-thankyo--"
"Alam ko naman na sasabihin mo yan!"
"Eh ganon naman pala edi bitawan mo na braso ko."
"Ay oo nga pala" ng pagkasabi nya non tumalikod na ako sa kanya.
"T-teka" narinig kong sinabi nya, alam kong sya yun kaya humarap ako.
"Oh baket??"
"Mag ingat ka."
"Huh, para saan?"
"Baka kase madapa ka ulet!" sabay tawa pa nya.
Pumasok na ako sa backstage sa mga panahon na yun kase kakausapin na ako kung ano yung gagawin ko as a valedictorian of our campus.
"Jhezica, kabisaduhin mo na muna yung speech mo." sabi ng adviser namen
"Ah, sge po mam."
Mahigit 2-3 hours nasa backstage ako para kabisaduhin yung speech.
Narinig kong pagabi na rin pala, lumabas ako at mga nag aayos na lang ng upan na studyante ang nakita ko mga apat na lang sila.
"Hindi pa kayo uuwe?" tanong ko
"Ms, Lampa pauwe na kame. Hindi kame magpapagabi mamaya may masasamang ispirito dito waaaaah."
"Tss. Lokaret kayo matagal na akong studyante dito walang dumadalaw dito nuh?"
"Oh, alis na kame!" sigaw ng apat na studyanteng fourth year din na tingin ko sa lowest section.
bumalik ako ng backstage para kuhain ang bag ko at umuwi.
Nagulat ako ng may nakita akong bag dito eh ang alam kong ako lang naman dito.
Tapos tabi pa ng bag ko.Tumakbo ako at kinuha na ang bag ko.
"Oh, Jhezica parang takot ka ata?"
Huh boses ng isang lalake, nanginig ako kase natatakot na ako.
"P-po?"
"Takot ka ba? Gabi na oh?"
"K-Karl?"
"Oo, kanina pa ako dito sa labas ng backstage pinapakinggan yung speech mo"
"Huh eh bakit naman?"
"Pinapunta ako dito ni mam, mag i-ispeech din ako sa section namen nuh?"
"Matalino ka naman pala e, valedictorian ka den!"
"Valedictorian ng section 2-B nga lang!"
"Ah alis na ako ah?" mag gagabi na din kase at baka mapagalitan ako.
"Teka hatid na kita?"
"Huh eh bakit naman tanda ko na kaya tss. Kaya ko na to" teka ihahatid nya ba ako? Kinikilig ako
"Tara na."
"Sge na nga!" hindi na ako magpapabebe nuh?
"Manong pakilock na lang po sa may backstage." sabi nya sa isang manong.