Chapter 1: World Of Magic

576 34 15
                                    

Chapter One:
World Of Magic

Aaliyah

"ALY!? Are you done?" Narinig kong tawag sa akin ni Mom sa ibaba.

Tiningnan ko ang wallclock ko, it's already 3:00 PM. Sabi ni Mom, Boarding School daw yun at ihahatid niya ako ngayon sa new school ko. Kaya ngayon ay nag-impake ako ng mga gamit ko at natapos nadin.

"Done." Sabi ko sa sarili ko matapos i-last check ang mga gamit ko sa maleta at sinara.

Pinagmasdan ko ito at Hinawakan ang harapan ng maleta, pinasadahan ko ito ng kamay ko at bumuntong hininga.

Lilipat na ba talaga ako? Paano na ang mga Classmate ko? Mga Kaibigan ko?

Tumayo na ako sa kama at binaba ang maleta ko. Hinila ko ang puller at nag-simulang hilahin ito para lumabas.

Binuksan ko ang pintuan at muling tumingin palikod para pasadahan ng huling tingin ang aking kwarto. Ngumiti ako ng mapait at muling humarap sa labas ng kwarto.

Naglakad na ako palabas at pumunta sa hagdanan. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan habang buhat ang maleta. Nang makababa ako ay tumigil ako at inangat ang tingin ko kay Mom na nakatingin sa akin at nakahanda nadin.

"Ready?" Tanong nito nang nakangti.

Tumango ako bilang sagot. Lumakad si Mom papunta sa drawer at may hinalungkat, nang makita niya ang hinahanap ay nilagay niya ito sa shoulder bag, pagkatapos naman ay pumunta siya sa mga bintana at sinara ang mga kurtina.

Nang matapos si Mom ay tumingin ito sa akin at lumapit. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako sa salas habang dala ko ang maleta ko. Tiningnan niya ako muli at ngumiti.

Naguguluhan man ako sa nangyayari at sa kinikilos ni Mom ay hindi na ako nag-tanong at pinanood nalang kung anong sunod na gagawin.

Inaayos niya ang kanyang salamin at pinagkuskos ang mga palad.

"Are you ready to meet our world, Aly?" Tanong ni Mom habang nakatingin sakin.

World? Kala ko ba School? Naguluhan ako at mag-tatanong sana nang bigla nalang nito hinawakan ang kamay ko.

"Let's go." Sabi nito na pabulong at biglang nalang nawala sa paningin ko ang bahay, Umikot ang paligid ko na parang hinihigop ako ng buhawi at sa isang iglap ay napunta kami sa hindi ko malamang lugar.

Natulala ako at napabuka ang aking labi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Nasa lugar kami kung saan madaming tao ang nag-sisilakaran at nag-uusap, mga creatures na hindi ko alam, may kantang nag-plaplay na masaya ang tono ng tunog, mga shops sa gilid, lamp post, ang inaapakan namin na nakatiles sa design na batong parang brick na may kulay na grey, at ang garden na parang harang sa gitna na may mga magaganda at kakaibang flowers kasi may daanan pa sa kabila.

Napakaganda, para kaming nasa London. Napaka unique at creative ng lugar. Ngayon lang ako nakakita at nakapunta sa lugar na ganito.

Tinaas ko naman ang paningin ko at nakita ang kakaibang creature na cloud na may pakpak sa gilid at ang mga tao na nakasakay sa isang board na may pakpak din sa gitna ng gilid nito sa himpapawid, may mga nakatayo, nakaupo, at nakahiga sa board.

Panaginip ba to? Para kasing totoong nangyayari talaga. Pinikit-pikit ko ang mga mata ko at sinampal ang pisngi ko.

"Aww." Daing ko at hinaplos ang pisngi kong nasaktan.

Magsmorg Academy (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon