Chapter 1

6 0 0
                                    

My Past...

*kriiiiinnnnggggg kriiiiiiinnnggg*

*yaaaaawnnnnn*

GOOOOD MOOOORRRNNIIINNG ^______^

Ako nga pala si Athena Marie Siacson. Ang nag-iisang anak ni Jose Mariano Siacson at Myrna Joana Siacson. 14 years old pa lang ako sa pagkaka-alam ninyo ha? Status? SIYEMPRE SINGLE! Paano fresh in break up :3 Ganern. Ang istorya? Ganito kase yu--

"ATTHEEENAAA!!! Hoi babaita ka gising na! Ano?! Marunong ng gumamit si Binay ng Glutha, ikaw tulog mantika pa rin! GISI----" bungad sakin ni Nanay. Nako next time ko na nga lang ike-kwento.

"Oho, Nay! Palabas na po!" sigaw ko naman at lumabas na ng kwarto.

"Oh Anak? Kumain ka na at baka ma-late ka pa sa school." sabi naman sakin ni Tatay na nakaharap sa lababo at naka-apron lang, Tatay ko ba to? Jusme! Ang hot naman kase, wala siyang damit ung abs ni---- . Ay teka Tatay ko pala yan hihihihi.

"O-opo tay." saad ko naman dito.

Umupo na din naman sila Nanay at Tatay sa hapag-kainan at inumpisahan na ang pagkain.

"Athena, pagka-ayos mo sumabay ka na sa Tatay mo pumasok." Si Nanay un.

"Ah sige po Nay, Taas na po ko." sabi ko naman. Bilis ko ba kumain? HAHAHA ganon talaga Sexy ako eh. Charrrr :3

So ayun nga ligo, bihis uniporme, and then selfie, charottt :3 tas bumaba na din ako.

"Nak! Aalis na ang Tatay mo tapos ka na ba?" Tawag ni Nanay.

"Opo Nay! Sandali lang po!" sagot ko naman at dire-diretsong bumaba at lumabas papunta sa kotse ni Tatay na nasa kanto. Dikit dikit kase ang bahay dito. Kaya doon na lamang pinapark ni Tatay ang kotse sa may kanto ng iskinita namin.

Nakasunod naman sa akin si Nanay para magpaalam, mamaya pa kase ang pasok ng sa trabaho.

"Nay, una na po kami." sabi ko dito at nag-mano.

"Mahal, pasok na ko ingat ka mamaya pagpasok mo. Text mo ko kapag nandon ka na at kapag uuwi ka na para masundo kita ha? Sige na una na kami LoveYou." sabi ni Tatay at hinalikan si Nanay. SMACK LANG wag kayong ano. Sheett. Sweet noh? MAKAKAHANAP DIN AKO NYAN!

"Sige Mahal, ingat sa pag da-drive. Oh Athena, baon mo nga pala." sabi ni Nanay sabay abot sakin ng 100 pesos.

"Salamat Nay." sabi ko naman dito at sumakay na sa kotse. In-on ko naman ung radio kase masyadong borring.

You're all I eveerr nee----

*toot*

Bwisit eh -_- kakabukas ko pa lang ganon na agad bungad. Para sa inyong kaalaman yan ay THEME SONG namin ng aking EX na si Zach Lester.

*pook* (basta ung tunog ng Messenger)

Zach: Athena? Musta?

Ako: Ok lang :)

Tapos in-off ko na ung Data ko. Ayoko na siyang maka-usap kase baka bumalik nanaman ung feelings ko sa kanya. Lingid sa inyong kaalaman, ako ang nakipag-hiwalay. Bakit? Dahil yung mga oras na un, nag a-undergo si Nanay sa isang theraphy, nagkaron kase siya ng bukol sa ulo dahil sa sobrang pag-iisip, kaya mas gusto kong ituon ang sarili ko para lang kay Nanay.

*Flashback*

Nagka-usap na kami ni Zach, ok na tapos na kami. Pero nangako sya sa akin na iintayin nya ako. Ang sabi ko naman sa kanya eh, sya na ang bahala.

Pupunta na dapat ako sa bahay ng bestfriend ko na si Monica, birthday nya na kase.

"Saan ka nanaman pupunta Athena? Pupuntahan mo ung boyfriend mo?" sabi ni Nanay na ikinagulat ko. Alam kong ang may ganoong sakit ay nagiging ma-emosyon, kaya pinababayaan ko na lamang ito.

"Hindi ho Nay. Pupunta lang po ako kila Monica kase birthday nya po." sabi ko naman.

"Nako tigil-tigilan mo akong bata ka. Naka-usap ko ang Nanay ni Zach. Ansabi nya sa akin ay pumupunta ka daw doon sa bahay nila. Ano ka? Pok-pok para ikaw ang pumunta roon?" at muli akong nagulat. Pumupunta? eh nagkikita lang naman kami ni Zach kapag nagmemeryenda kami doon kila Ate Olive.

Hindi nalamang ako umimik at pumunta na lamang sa kwarto at chinat na lamang si Monica.

Ako: Nica, Sorry di ako makakapunta jan eh, di ako pinapayagan ni Nanay. Videocall na lang tayo at may sasabihin ako sayo.

Nica: Ganon ba? Sige Sige.

At kinuwento ko na nga ang lahat lahat. Ang sakit para sa akin na masabihan ka ng Nanay mo na pok-pok, pero kaylangan kong magpasensya dahil sa kondisyon nya.

Ako: Siguro, Ayaw talaga ako ni Tita Melba, kaya nya nasabi iyon.

Nica: Nako Thena. Hayaan mo na may iba pa naman dyan.

Ako: Oo nga tama ka. Magiintay na lang siguro ako.

Pero patuloy pa din si Zach sa pag-usap sa akin. Hindi ko sinasabi sa kanya ang tungkol sa pag-uusap nila Nanay, dahil alam kong may gagawin si Zach sa nanay nya.

Lumipas ang 3 araw hindi na nagpaparamdam si Zach.

*pook*

Zach: Athena.

Ako: Oh?

Zach: Kamusta?

Ako: Ok lang, ikaw?

Zach: Eto masaya na ulit :)

Ako: Oh bakit? Ano meron?

Zach: Pinapasaya na kase ako ni Wennie. Ang ganda nung mga mata niya, binalik na niya ko sa dating ako.

"Ahh. Eh bat kaylangan mo pang sabihin sakin ha? Litsi toh. May pa "Iintayin kita pangako" ka pang nalalaman, eh ung 3 months rule nga hindi mo nasunod! Sus maryosep! 1 month pa lang ang nakakalipas. Mabaog ka sanang animal ka." Nasabi ko na lang sa utak ko.

Ako: Ahhh, eh di good :)

Sige na may gagawin lang ako.

*End of Flashback*

Oh diba? Ganern. Mga lalaki talaga tsk tsk.

"Anak? Anak?! Andito na tayo sa school nyo." alog sakin ni Tatay.

"Po? Ayy! Sige po Tay una na po ko ingat po kayo." sabi ko, sabay mano kay Tatay. Kayo kase. Charr lang.

"Ayos ka lang ba anak? May problema ba?" tanong ni Tatay.

"Ahhh hehehe opo Tay ok lang po ko, sige na po una na ko." sabi ko sabay labas ng kotse.

Haayyy eto na naman.

Ang Ashford Academy...

The Story of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon